^√^√^√^}}{{^√^√^√^
Sinikap kong huwag mapanganga sa mga lalakeng kaharap ko, bukod kasi sa lahat ng babaeng estudyante dito sa eskwelahan ay nakanganga sa kanila pati din kasi ang ilang nanay na nagsusundo ng anak sa elem department ay nakanganga, kaya ayaw ko ng dumagdag pa, naglakad palapit sa akin ang isa sa sampung lalakeng iyon, lahat sila ay ke gwagwapo at itsurang mayaman sa tindig at porma, nangunot ang noo ko at nagtaka kung bakit nila isinigaw ang pangalan ko, wala naman akong kilalang mayaman ngunit aaminin kong marami akong nagawan ng atraso sa mayayaman! Nanlaki ang mga mata ko ng maanalisa ang posibleng mangyayare, hinanda ko na ang katawan ko sa pagtakas ng ilang dipa nalang ang layo ng lalakeng naglakad palapit sakin, ngunit k*ngina hindi ako makakilos! Bumahag ang bwiset na imaginary buntot ko!
" Teka.... teka.... boss! Wala namang takutan, ano po ba ang atraso ko sa inyo? " Natatakot na tanong ko, seryoso ang paningin nito at siguradong tatamaan sino man ang lalapit at pipigilan ito, nanginig ako sa takot dahil k*ngina hindi padin ako makagalaw na parang nahihipnotismo nito ang paningin ko kasama ng buong kalamnan at isipan ko jusko ko, nakakatakot siya! Huminto ito eksaktong tatlong hakbang ang layo mula sa kinatatayuan ko.
" Nasan ang chip " Malamig na tanong nito, nanginig ako sa takot sa sobrang intense ng boses at titig niya.
" Anung chip? Chinkee o Chippy? " Nakakunot noong tanong ko, lalong dumilim ang mata nito na akala mo papatayin na ako kasehodang marami pang tao sa paligid, ang tingin at tindig niya ay nagsasabing delekadong tao ito at walang sinasanto.
" NASAAN ANG CHIP? " kalmado ngunit may otoridad na tanong muli nito, napaatras ako ng muling humakbang ito ng isang beses palapit sa akin na mistulang sasakalin na ako, napapikit ako sa takot.
" Teka boss sandali lang anu po ba kasing chip iyon? " Muling tanong ko ng nagtataka at nakakunot ang noo ng magmulat ako ng mga mata.
" Wait dude let me " Sabi ng kasama nito, hindi ko na namalayan na lumapit na pala samin ang isa pa sa mga kasamahan niya, nakita ko nalang na may tumapik sa balikat nito, bumaling sakin ang taong iyon at lumapit sakin.
" Miss hindi mo ba siya nakikilala? " Nakangiti nitong tanong, lalo naman akong nalito kahit nakangiti ito ay bakas padin ang nakakatakot na personalidad sa likod noon, kulay tsokolate ang mga mata nito, hindi mabura sa mga labi ang pagkakangisi, may maliit na uka sa kaliwang kilay nito na bagay na bagay sa mukha niya,
" H---hindi " Sagot ko na nagtataka padin
" Rogue Damon Salvatore is that ring a bell Miss? " Muling saadp nito, pakiramdam ko ay may humampas sakin sa mukha ng madinig ko ang pangalang binanggit ng lalake, iyon na ata ang naging energy ko dahil naramdaman ko muli ang mga paa at binti ko na naging manhid kanina, napatingin ako sa lalakeng nakatayo sa harap ko dalawang hakbang ang layo mula sa kinatatayuan ko.
" Mmhhhh n--nice meeting you boss, kaya lang busy ako ngayon kaya sibat nako " Sigaw ko kaya napapikit ang dalawang lalake sa harap ko saka ako nagmamadaling tumakbo.
" Get that b*tch, I want her dead or alive! " Dumagundong ang boses nito sa buong eskwelahan, nakaramdam ako ng takot sa utos nito at siguradong katapusan ko na kung sakaling maabutan ako ng mga iyon, narinig ko sa likod ko ang mabibilis na tunog ng makina ng sasakyan hudyat na nagsisimula na silang dakpin ako, pumasok ako sa mga eskinita na nakakasiguro kong hindi basta basta nila mapapasok ngunit nagkamali ako ng makitang may ilang lalake na ding nakasunod saakin, hindi man sila ang mga lalakeng nakaharap ko kanina ngunit nasisiguro kong tauhan ito ng damonyong iyon! Iyon na pala siya bakit hindi ko man lang namukhaan! Ang layo naman ng itsura niya kapag lasing? Jusko ayoko pang mamatay nalang! Niligaw ko ang nga iyon ng masiguro kong wala ng nakasunod saakin saka ako lumipat ng eskinita para umuwe sa bahay ko, ligtas paba ako dito? Anu bang kalokohan ang pinasok ko! Palingon lingon pa ako sa paligid ko sinisiguro kung wala bang nakasunod saakin, nakahinga ako ng maluwag ng makapasok sa bahay, ang lakas lakas ng tibok ng puso ko! Nanlalagkit ang pakiramdam ko kaya agad akong dumaretcho sa banyo upang maligo, pakanta kanta pa ako habang binubuhusan ng tubig mula sa tabo ang katawan ko, nagtapis ako ng twalya saka tinutuyo ang buhok na lumabas ng banyo, ngunit ganun nalang ang gitla ko ng makitang hindi na ako nagiisa sa bahay ko! Nanlaki ang mata ko ng makilala ko ang taong nakatayo malapit sa pintuan ko, may kadiliman man pero sigurado akong kilala ko ang taong ito! Eto ang taong nakita kong lasing sa gilid ng daan ang mga kilay nito at manipis na labi na kabisadong kabisado ko at hinding hindi na nawala sa isip ko! Ngunit bakit ang sabi ng lalakeng iyon kanina ay iyon si damonyo? Hindi siya kasama kanina wala siya doon kanina dahil kung nandoon man siya ay sana ay nakilala ko na siya pagkakita palang sa sampung lalakeng nandoon kanina sa eskwelahan.
BINABASA MO ANG
His Anyang Demagiba ( Dark Night Society Series: Rogue Damon Salvatore )
General FictionIsang sumpa ang maging mahirap, ngunit hindi iyon iniinda ni Anyang, pinangako niya sa sarili at sa yumaong ama na magsisikap siya, kaya kahit isang kahig isang tuka gagawin niya ang lahat para lamang makapagtapos, Kolehiya siya sa umaga, Snatcher s...