^√^√^√^}}{{^√^√^√^
Tulala akong naglalakad papasok ng room namin, hindi ko alam kung swerte nabang matatawag dahil may isang bagay akong meron na nagligtas sakin at nagpa-late kahit papaano ng mismong oras ng pagpatay sakin, ganito pala ang feeling kapag may taning na, iyong mismong alam mong mamamtay ka or worst papatayin ka, malungkot kong pinagmasdan ang buong unibersidad na pinapasukan ko, gusto kong magsisi dahil hindi ko manlang masyadong na appreciate ang ganda nitong buong paaralan noon, ngayon wala pa man ngunit pakiramdam ko parang mamimiss ko ito, nakakalungkot na kung kelan ako mawawala sa mundo saka ko palang makikita ang ganda ng buhay, at isa pa ang nagiisang best friend ko, mamimiss ko siya sobra siya nalang ang meron ako, napaiktad ako ng may humampas sakin sa likod ko, napalingon ako sa likod at ayon ang mataray at nakataas na kilay na mukha ng best friend ko
" Mamimiss kita Kurdapya! Ingatan mo lagi ang sarili mo Pauline Antoinette Topong, mahal na mahal kita Pat. " Mangiyak ngiyak kong sabi habang binabanggit ang totoo niyang pangalan, napahagulgol ako habang yakap siya kaya naramdaman ko ng matigilan siya, hinampas niya ako ulit sa Balikat
" Hoy Anyang! Anung drama yan Kabit! " Naluluha na ding tanong niya, bahagya akong natawa, ako ang nageemote pero inagaw niya nalang bigla ang spotlight! Siya lang ang meron ako, pwede ko naman sabihin sa kanya ang problema ko pero ayaw ko siyang madamay baka balikan pa siya ng Damonyo kung sakali ayaw kong magyari yun okey ng ako nalang, umiling ako habang nakangiti, hinawakan ko ang kamay niya
" Tara libre kita, kain tayo? Mag absent nalang tayo san mo gusto? " Nilagay niya ang hintuturo sa sentido akmang nagiisip, naramdaman ko ang cp ko sa bulsa ko na nanginginig, kinuha ko to at tinignan, nangunot ang noo ko? Unknown Caller? Ini-slide ko agad ang answer
" Hello? " Bungad ko, sa una ay huni lang ata ng aircon o ng tawag ang naririnig ko sa kabilang linya, walang nagsasalita kaya naman inulit ko lang ang tanong, tatlong beses akong nag "hello" ng nag "hello" kainis!
" Use my card at all my expense, be my guest take all the privilege " Malamig at maikli niyang sabi, nangunot ang noo ko, pamilyar ang boses niya at hindi ko mapaliwanag ang kakaibang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pamilyar niyang boses, nanlaki ang mga mata ko
" Mr. Salvatore? " Mahina ngunit nanginginig ang boses na tanong ko, hindi ako sigurado pero ramdam ko sinasabi ng puso kong si Damonyo iyon! Ah ewan!
" Three days from now expect my call, go to spa, use my card, you can treat your friends its fine! I don't want a hairy meal! " And then the line went dead, nangunot ang noo ko at napatingin sa screen ng cp, hairy? Saka lang ngsink in sakin ang sinabi niya mga sampung minuto matapos ang tawag, agad akong pinamulahan sa mukha ng maalala ko ang pagpapak niya "doon" 3 days from now? Dapat ay natatakot na ako kasi iyon na ang katapusan ko! Sinentenstahan nako pero bakit feeling ko ay excited pa ako! Gaga ka talaga Anyang! Ang landii mo! Sigaw ng isang bahagi ng isip ko, dapat malungkot ako at umiiyak! Pero bakit ako nakangiti bwisit! Halos magpapadyak ako sa sobrang inis sa sarili ko, wala sa loob na napahalungkat ako sa bag ko at iyon nga! Hawak ko na sa kamay ang isang black na card kaya pala iniwan niya! Akala ko nakalimutan lang, agad nawala sa kamay ko ang kard, tinaas pa ito ng magaling kong kaibigan sa ere habang lumuluwa ang mga mata
" Anu ba Kurdapya! " Angil ko, nanlalaki pa din ang mga mata niya habang lumilingon sakin na kala mo may stiff neck
" Walanya ka Anyang! Saan mo nakuha to Kabit! Kainino mo ito ninakaw! Jusko Sky is the limit ang card na ito! " Namamanghang sabi niya, ganun? Well mamamatay na din lang ako bakit pa lilimitahan ang sarili ko, kinuha ko ang kamay niya at hinila, " sorry mr. Damonyo mukhang masasaid ka ngayon " nakangiti kong sabi sa isip, sumakay agad kami sa taxi at nagpahatid sa mall
BINABASA MO ANG
His Anyang Demagiba ( Dark Night Society Series: Rogue Damon Salvatore )
General FictionIsang sumpa ang maging mahirap, ngunit hindi iyon iniinda ni Anyang, pinangako niya sa sarili at sa yumaong ama na magsisikap siya, kaya kahit isang kahig isang tuka gagawin niya ang lahat para lamang makapagtapos, Kolehiya siya sa umaga, Snatcher s...