___****___
Matapos naming kumain ay agad kaming bumalik sa SC Tech building, halos mag aalas Dos na din ng hapon ng makabalik kami dahil may dinaanan pa kasi si Damon, nakangiti kaming binati ng guard at sumaludo pa ito kay Damon, nginitian ko lamang si kuya dahil mabait ito at hindi ako halos pinahirapan kanina, sabay kaming naglalakad ni Damon papunta sa private lift niya, bumabati ang halos lahat ng empleyado ni Damon habang nakayuko, dedma naman ang Boss amo kaya ginaya ko nalang din siya, nakarating kami sa private lift niya at siya ang pumindot ng button doon, walang nagsasalita samin habang sakay kami ng Private lift, naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko kaya kinuha ko iyon, nang buksan ko ang cp ay tumambad sakin ang mensahe ni Kurdapya
°°°°∆\ PinAka MagAndaNg baBae /∆°°°°
KabEettttttt wEr qA naAaa pûNye+a qa! Qmzta aNg inTerviEw mOe? PwoFunta qaBa d2 zA zkUl?
Ou jejemon po ang aking matalik na kaibigan, jusko ang sakit sa mata kapag nag text siya! Babasahin kopa ng ilang beses yan bago ko maintindihan, jusko huwag niyo na akong tanungin kung sino ang nag lagay ng pangalan na yan sa cp ko! Siya lang naman! hindi ko na siya nireplyan mamaya nalang siguro.
" WTF! " Singhal ni Damon habang nakatunghay sa phone ko, natawa ako sa itsura niya ng makita ang laman ng text ni Kurdapya
" Ganyan ako katalino, naiintindihan ko ang salita ng mga alien " Natatawa kong sabi, ewan kasi habang tumatagal nagiging kumportable na ako kay Damon kaya napapakita ko na talaga sa kanya ang totoong ako, madrama na nga ang buhay ko dradramahan ko paba? Syempre lalagyan ko ng kulay! Kaya magtiis siya kung makulit man ako dahil makakasama na niya ako soon sa iisang bubong sa loob ng dalawang taon, napabuntong hininga ako ng maalalang may limitasyon ang lahat saamin, pwede ko bang pukpukin nalang ang ulo niya para makalimutan niya ang tungkol sa kasunduan? Tumunog ang private lift tanda na nasa floor na niya kami, ang bilis naman ata? Lumabas na siya at naglakad na kaya't sumunod nalang ako, huminto siya sa table ng sekretarya niya
" Ms. Bernal did anyone look for me? My schedule for this afternoon after 15 mins " Sabi niya saka pumasok sa opisina, nginitian ko naman ang sekretarya niya saka pumasok na din. Sa pagkakaalam ko si Mr. Johnson ang sekretarya niya pero bakit iba ang nandito? Sa bagay baka sa ibang business si Mr. Johnson.
" Are you tired? " Tanong ni Damon, umiling ako dahil hindi naman talaga
" Do you want to sleep in my house? " Tanong niya, nanlaki ang mga mata ko!
" Talaga? " Excited na tanong ko, godddd makikita ko na ang bahay niya, napailing nalang ito sa inasta ko
" Yeah, I just thought it would be better since were both gonna live there soon " Nagnining-ning ang mga mata ko, godd kinikilig ako haha kaya tumango-tango ako sa kanya, naghubad siya ng suit saka sinabit sa sandalan ng swivel chair niya saka siya umupo, bumalik naman ako sa sofa at nanood nalang, maya-maya ay may kumatok sa pinto ng opisina ni Damon.
" Come in " Biglang sabi ni Damon, pumasok naman ang nakangiting sekretarya niya, actually wow english haha, maganda si Van, parang nasa Mid twenties ang age niya, maliit ang mukha niya na sobrang maputi at makinis tapos singkit ang mga mata nito medyo may kakapalan ang labi at medyo sarat na ilong, may bangs ito na straight sa noo kahit nakasalamin ay maganda parin, may dalawang mababaw na dimple sa magkabilang pisngi at medyo may kaliitan, medyo balingkinitan din ang katawan.
BINABASA MO ANG
His Anyang Demagiba ( Dark Night Society Series: Rogue Damon Salvatore )
General FictionIsang sumpa ang maging mahirap, ngunit hindi iyon iniinda ni Anyang, pinangako niya sa sarili at sa yumaong ama na magsisikap siya, kaya kahit isang kahig isang tuka gagawin niya ang lahat para lamang makapagtapos, Kolehiya siya sa umaga, Snatcher s...