Chapter 15 ( I'm The Boss )

147 2 0
                                    

^√^√^√^}}{{^√^√^√^




Masakit na ulo ang bumungad sakin pagdilat ng mga mata ko, nasa kwarto na ulit ako at hindi ko alam kung anu o pano ako nakarating dito? Naka nakasuot na din ako ng isang manipis na pantulog, para itong silk o satin na hanggang kalahati ng hita ang haba, sobrang sakit ng ulo ko sobra-sobra, anu bang nangyare kagabi? Si Pat? Nakauwe kaya si Kurdapya?


" Arayyyy huhuhu " Hindi ko napigilan ang mapadaing, narinig ko ang pagbukas ng isang pinto



" Headache? " Biglang nangibabaw sa buong kwarto ang baritonong boses na kilalang-kilala ko, napa-angat ako ng tingin at muntik ng masamid sa sarili kong laway ng makita ang isang adonis na walang suot na pang-itaas at tanging twalya lang ang nagsisilbing pantakip nito sa ibabang parte ng katawan, tumutulo pa ang ilang butil ng tubig mula sa buhok nito pababa sa walong bukol sa tiyan nito, napalunok ako at wala sa loob na napakagat sa ibabang labi, jusko busog na ako.




" Loving the view? " Nakangising tanong ni Damon, napalunok ako ulit




" B--bakit ka nandito? " Utal-utal na tanong ko, tumaas ang isang kilay niya




" I slept here " Namilog ang mga mata ko, napapikit ako ng may magflash na mga imahe sa isip ko, dinig ko sa isip ko ang sarili kong boses na parang wala sa sarili habang may mga sinasabing nakakapangilabot sa taong kaharap ko, OMG ako ba iyon? Nangyare ba talaga iyon?




" A--ah hehe g---goodmorning? " Alanganin kong tanong



" Morning " Maikling bati niya




" A-anu m--maliligo na ako " Tarantang sabi ko, tumayo ako at nanginginig na naglakad, kung totoo nga ang mga ala-alang pumasok sa isip ko nakakahiya! Ramdam ko ang gumapang na init sa magkabila kong pisngi,




" Do you know remember what happened last night? " Deretso sa mata ko ang tingin niya, umiling ako ng makailang ulit


" I already ordered your breakfast, eat and drink the med it helps a lot. I need to go to work today, I'll tell Mr. Lawton to send you home " Pinal na sabi niya saka dumaretcho sa couch kung san nakasabit ang suit na susuotin niya, tumango ako at nagmadaling pumasok sa banyo, napasandal ako sa pinto ng cr at doon ko hinayaang tumulo ang luha ko, tinakpan ko ang bibig ko para hindi makagawa ng anumang ingay, sumisikip ang dibdib ko sa sobrang sama ng loob, malinaw na wala talaga siyang pakealam sa nararamdaman ko, iyon na yun, matapos kong sabihin ang sama ng loob ko kagabi, iniisip siguro niya na dala lang ng kalasingan ko iyon pero hindi naman ako magdedemand, kung ayaw niya ng kahati sakin? Paano naman ako? Hindi niya kinumpirma na walang ibang babae akong magiging kahati sa kanya habang kasal kami, kasiguraduhan na sakin lang siya, tahan na Anyang kaya mo iyan, ikaw ang Dyosa ng mga madiskarte at palaban, fighting Anyang! Siguro sa susunod lalakasan ko nalang ang loob ko para tanungin ang mga bagay na iyon, sa ngayon tatahimik muna ako.





*****





Tulad ng sinabi ni Damon, paglabas ko sa Cr ay wala na siya, hinatid ako ni Batler Lawton dito sa bahay, matapos kong mag-almusal at uminom ng gamot, sabado ngayon at walang pasok, nung nakaraan kopa binalak na bumisita sa com shop para makita kung may mga problema o kailangng ayusin na PC. Kaya matapos kong magpalit ng mas komportableng damit ay lumabas na ako ng bahay, sumakay nalang ako ng tricycle at nagpahatid shop, tumunog ang chimineya na nakasabit sa taas ng salaming pintuan, agad napatingin sa direksyon ko ang mag-asawang bantay, agad ngumiti ang dalawa sakin



His Anyang Demagiba ( Dark Night Society Series: Rogue Damon Salvatore )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon