Chapter 21 ( The Wedding )

178 5 5
                                    

***【∆∆∆】***




Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo, ngayon ang nakatakdang pag-iisang dibdib namin ni Damon, kasalukuyan akong inaayusan ng baklang naatasan sa itsura ko, titig na titig ako sa trahe de boda'ng nasa harapan ko suot ng manequin, nakaka mangha ang pagkakagawa nun, halata ang pagiging class at unique ng naturang dress, isa iyong off-shoulder corset body form dress na sobrang ganda, pinalilibutan iyon ng mga magaganda at mamahaling klase ng sequence at linings, ang 6 meters long american telle veil ang siyang nagbigay ng highlight sa gown, paniguradong magmumukha akong prinsesa sa araw na ito.





" You're so beautiful Iha, welcome to our family, sana mapagtyagaan mo ang aking Apo, masaya akong ikaw ang napili niya dahil alam kong hinding-hindi mo pababayaan ang Apo ko, ngayon pwede na akong magpahinga panatag na akong may magaalaga sa nagiisa kong Apo " Madamdaming sabi ni Mamita, hindi ko napansin ang pagpasok niya dahil abala ako sa pagtingin sa wedding dress na si Damon mismo ang pumili, nangilid ang luha sa gilid ng mata ko




" Huwag kapong magsalita ng ganyan Mamita, gusto pa po namin kayong makasama, malakas papo kayo at isa pa kailangan papo kayo ng Apo niyo, ikaw papo ang mag-aalaga sa magiging anak namin " Nakangiting saad ko at bahagya ko pa siyang biniro, mahinang napatawa ang matanda




" Masaya ako Iha, ako na yata ang pinaka masaya, tama ang pinili ng Apo ko, kahit alam kong kasunduan lang ang lahat ng ito para sa inyo, nakikita kong malaki na ang ipinagbago ng batang iyon, alam ko ang lahat Iha, isa lang ang hihilingin ko, huwag na huwag mong iiwanan ang Apo ko, ipangako mo saakin na mamahalin at iintindihin mo siya ano pa man ang mangyari, nakikita kong mahal mo siya, sa ngayon bulag pa ang Apo ko pero dadating ang araw na titignan ka din niya sa paraang alam kong ikasasaya mo " Malumanay na sabi ni Mamita, sa totoo lang nagulat talaga ako na alam niyang deal lang ang lahat, ngunit mas nagulat ako ng malamang hindi man lang siya galit bagkus ay parang nakikiayon pa sa kanya ang pangyayare




" Pasensya napo Mamita sa pagsisinungaling pero pangako po lahat po ng sinabi ko saiyo noon ay totoo, mahal ko po talaga ang Apo niyo, hindi lang ho dahil sa itsura niya at lalong hindi po dahil sa laman ng pitaka niya, mahal ko po siya hindi man Salvatore ang apelyidong dala niya " Paliwanag ko, nakangiting tumango ang matanda





" Alam ko Iha dahil tulad mo ay babae din ako, osiya huwag kang umiyak at baka masira ang makeup mo at takbuhan ka ng Apo ko, alam kong masayang-masaya ang Anak at Manugang ko dahil sa isang katulad mo ikakasal ang Apo ko, unang kita ko palang sayo ay nakuha mo na ang loob ko, kaya anu man ang mangyari nasa likod mo lang ako Iha, ibalik mo ang masayahing mga mata ng Apo ko, naniniwala ako sayo " Huling sabi niya saka ako niyakap bago lumabas ng kwarto kung saan ako inaayusan, nasa isang hotel si Damon dahil nasa pamahiin daw na bawal magkita ang ikakasal isang linggo bago ang nakatakdang kasal. Excited na kinakabahan ang pakiramdam ko, ako lang ba o sadyang ganito talaga ang pakiramdam ng mga ikakasal.





" Ayan napaka ganda mo talaga Ms. Dimagiba " Nakangiting puri ng beautician, ngumiti lang ako ng tipid, agad akong inalalayan ng isang babae sa isang lugar sa kwartong ito na may rolled cover, sinara nila ang tabing at tinulungan ako sa pagsusuot ng wedding gown, dahan-dahan iyon para hindi masira ang nakaayos kong buhok, nang maingat na nasuot ko na ang gown ay sila na din ang nag-ayos nito sa katawan ko, nang masigurong maayos na ay binuksan na nila ang harang, muli nila akong pinaupo saka sinuutan ng sandalyang puti na may kataasan ang takong, sa tantya ko ay nasa dalawang pulgada ang taas niyon, sinuot nila sakin ang veil, nang sa tingin ng bakla ay maayos na ang lahat ay iniharap na niya saakin ang malaking salamin, halos lumuwa ang mga mata ko pagkakita sa sarili kong reapleksiyon sa salamin, nakakamangha, hindi ako makikilala ng kahit na sinong taga roon sa San Isidro, napaka laki ng ipinagbago ko, nagmukha talaga akong prinsesa, hindi! Hindi lang prinsesa kundi dyosa! Ilang saglit pa ay pumasok na ang ilang tao sa silid hudyat na magsisimula na ang kasal, mas dumoble ang kabang nararamdaman ko, namamawis ang magkabilang palad ko sa kaba, inalalayan nila ako hanggang makasakay sa bridal car, namangha ako sa ganda ng bridal car, Rolls Royce iyon, alam na alam ko iyon sapagkat madalas kong makita sa ilang ads sa mga istasyon ng TV.






His Anyang Demagiba ( Dark Night Society Series: Rogue Damon Salvatore )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon