Chapter 14 ( Engagement )

142 2 0
                                    

^√^√^√^}}{{^√^√^√^





Napakabilis ng mga pangyayare, maging ang araw ay hindi ko na namalayan sa sorabng tulin ng paglipas, ngayong gabi gaganapin ang engagement party daw namin ayon kay Mamita, idadaos ito sa Lexie Hotel na pag-aari ng kaibigan ni Damon, kinakabahan ako kala mo naman talaga totoo, kanina kopa hinihintay si Pat pero antagal ng bruha, binilin ko na sa entrance na ihatid dito ang kaibigan ko kapag dumating, sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Damon pwera lang iyong deal namin, diskumpyado nga ang loka-loka baka daw umiyak lang ako kay Damon, ang alam niya kasi ay nagmamahalan kami ni Damon hindi ko sinabing deal lang ang lahat ng ito,





" Kabittttt!!!! " Oh ayan speaking ang bruha! Lumapit ako sa kanya,




" Ang bongga dito kabit! Ang yaman ng boylet mo jusko! " Exagrated na sabi ni Pat, pabiro akong napairap




" Haha luka-luka ka talaga " Habang naguusap kami ay may kumatok sa kwartong kinalalagyan ko, maya-maya pa ay sumungaw na ang ulo ni Damon sa pinto, seryoso man ngunit talga namang super gwapo, god hindi ko pa siya nakitang nakangiti





" Hey ready? " Kaswal na tanong nito, tumango ako habang nakangiti, tuluyan na siyang pumasok sa loob at lumapit sakin



" Hi Mr. Salvatore, ako si Precious Antonette Topong o Pat, bestfriend po ni Anyang " Nakangiting pakilala ni Pat kay Damon, tumango lang ang huli, inakbayan ako nito



" Let's go, Mamita's here, Mr. Lawton accompany Ms. Topong in the hall " Utos nito sa nakatayo sa labas na batler niya, hindi ko ata nakita si Johnson, iginaya nito si Pat para maunang lumabas, nilagay naman ni Damon ang kamay ko sa braso niya, sabay kaming lumabas ng kwarto at sumakay ng elevator, hindi ko na nakita kung san dinala si Pat, kaming dalawa lang ni Damon ang nandito sa loob ng elevator




" Just smile and leave it all to me " Biglay sabi ni Damon, tumango ako ng nakangiti, humarap ako kay Damon saka inistretch ang magkabilang gilid ng labi nito






" Yan please ngumiti ka naman parang sa pinaka pangit na babae ka i-e-enggaged eh, ang swerte mo kaya napaka ganda ko, wala kabang kapatid na babae? " Nakangiti kong saad





" I have half sister on my father's side " Maikling sagot nito,





" Good tuturuan ko siyang maging super dyosa " Nakangiti kong sabi, umiling lang ito, bumukas ang elevator sa mismong lobby ng hotel, inalalayan niya akong maglakad patungo sa isang hallway, paglabas namin doon ay napakaraming tao sa lawn ng Hotel, napaka ganda ng ayos ng buong lugar, may maliit na entablado sa harapan, nakita namin si Mamita sa isang table kasama ang ilang may edad na din na mga tao, ngumiti ito ng makita kami kaya't lumapit kami doon ni Damon




" Hello po ma'am " Nakangiti kong bati, ngumiti ang matanda



" Hi dear, I'll be more happy if you call me Mamita, welcome to the family Hija " Sabi nito saka bumeso sakin




" Ah hehe thankyou po M--mamita " Alanganin kong sabi,




" Mrs. Salvatore, kailangan napo kayo sa stage " Biglang sabi ng babaeng lumapit samin, tumayo si Mamita




" Gentlemen I'll be up on stage, enjoy this night " Paalam niya sa mga kasama sa table, iginaya siya ng babae kanina papunta sa maliit na hagdan paakyat sa entablado, nagpunta siya sa gitna kung saan naron ang mic na naka steady sa gitna





His Anyang Demagiba ( Dark Night Society Series: Rogue Damon Salvatore )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon