Chapter 12 ( Georgina Theresa Salvatore )

167 4 0
                                    

^√^√^√^}}{{^√^√^√^



Alas Dos ng hapon ng tumawag si Damon kanina, ang sabi niya ay may susundo daw saakin dito dahil may kailangan daw kaming puntahan, kaya nagmadali ako kanina ng mag-uwian nagpahatid na nga ako kay Pat kanina makauwe lang ng maaga para makapag-ayos, tutal malalaman din naman niya kubg san ako ngayon nakatira kaya nagpahatid nalang din ako sa kanya, umaasa ako na date iyong lakad namin  kahit alam ko naman sa sarili kong malabo, hindi ko parin maiwasang humiling, saktong tatlong pung minuto matapos akong makapag-ayos ay may bumusina nga sa labas ng bahay, nabungaran ko ang isang pamilyar na lalake, nanlaki ang mga mata ko, ito iyong lalakeng sumigaw na hulihin ako buhay man o patay, naglakad ito palapit sakin, kaya otomatikong napaatras ako sa takot




" Goodevening Ms. Dimagiba, I am Johnson, Mr. Salvatore Personal Assistant, I was ordered to fetch you for the dinner plan, Mr. Salvatore is expecting you now. " Pormal nitong sabi, wala sa loob akong napa tango, sinigurado ko munang walang naiwang nakasaksak at saka  nakalock ang pinto bago ako nagpatiuna sa pintuan ng frontseat ng sasakyang nakaparada sa tapat, nang makalapit ang nagpakilalang si Johnson ay sumalungat ito sa gawi ko at sa halip binuksan niya ang pinto sa backseat, nagtataka akong sumunod dito at naupo, umikot ito at sumakay na sa driver seat, matagal na naghari ang katahimikan sa loob ng sasakyan habang bumabyahe kami, nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse habang seryoso namang nagmamaneho ang lalake, nakarinig ako ng tikhim kaya napalingon ako sa nagmamaneho nakatingin ito sakin mula sa rear view mirror sa taas sa harapan nito





" I'm deeply asking for apology for what I've acted the first time we've met Ms. Dimagiba, it was just my instinct to do my job accordingly that I have to be so rude towards you, I hope it is not too late for me to make up. " Malumanay na saad nito, napatingin ako dito saka tamango, alam ko naman iyon, sa totoo lang nahulaan kona talaga na siya ang may pinaka mataas na katungkulan noong mga panahong iyon dahil mukhang mas affected ito kesa sa siyam pang kasama nito noon.





" Kalimutan nalang po natin iyon kuya " Nakangiti kong sabi, napalunok naman ito saka nag iwas ng tingin sa harap nalang ito nagpokus, maya-maya pa ay may inabot itong itim na kahon sakin, nagtataka akong napatingin dito






" Mr. Salvatore wants you to wear that, thats your engagement ring " Lalong nagisang guhit ang linya sa noo ko, engagement ring? Para saan? Dahil utos ni Damon ay dali-dali ko din iyong sinunod, binuksan ko ang kahon at napalunok sa kinang ng singsing na nasa loob, may tatlong bato ito na desenyo, ang dalawa ay pawang magkasinglaki at ang nasa gitna ng dalawang bato ay kulay itim mas malaki iyon ng bahagya, napatingin ako sa kahita Verragio napanganga ako sa ganda nun, nang isuot ko ito ay saktong-sakto sa daliri ko parang hinulma talaga





" K--kuya para saan itong engagement ring? " Naguguluhang tanong ko sa kasama ko, bahagya itong napalingon sa gawi ko saka mabilis ding binalik sa harapan ang tingin








" You should ask Mr. Salvatore instead Miss " Pinal na sagot nito sa tanong ko, isa iyong end of conversation na sagot, napabuntong hininga ako, maya-maya pa'y huminto na ang sinasakyan kong sasakyan.





" We're here Ms. Dimagiba, just ask the receptionist tell her you're with Mr. Salvatore " Bilin ni kuya Johnson bago ko isara ang pinto, tumango ako saka naglakad sa entrance ng restaurant, agad na may sumalubong sakin na isang lalake agad kong binanggit ang pangalan ni Damon, sinamahan naman ako nito  hanggang sa kung nasaan ito, nakita ko agad ang pamilyar na bulto nito ng maihatid ako sa isa yatang VIP room ng restaurant, napansin kong hindi lang siya ang nandon may kasama siyang tatlong medyo may edad na lalake siguro ay nasa mid 50's at isang may edad na babae na edad naman ay nasa early 70's, tumayo si Damon ng maramdaman ata ang presensya ko saka pinaupo sa tabi niya, nanlalamig sa kaba ang kamay ko, parang nakikinikinita kona ang mangyayare, tumikhim ang babaeng may edad







His Anyang Demagiba ( Dark Night Society Series: Rogue Damon Salvatore )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon