Chapter 18 ( My Knight In Shining ABS )

140 5 0
                                    

^√^√^√^}}{{^√^√^√^




" Nakakainis ka! Hindi mo man lang sinabi na ikaw pala ang may-ari nito " Nakanguso kong tanong, kaya pala kako parang naiiba ang naging screening at interview ko, usually kasi dapat HR lang ang hahawak sa applicant, kaya naman pala deretcho ako dito tapos as in basic na basic questions lang ang binigay ni Ms. Honey, mga paandar talaga ni Damon! Tumaas ang kaliwang kilay niya at sinenyasan akong maupo




" Did you eat breakfast? " Tanong niya, tumango ako pero medyo nakanguso, dahil sa kaba at excitement nagutom ako ulit




" Are you hungry? " Tanong niya kaya't nagliwanag ang mukha ko, napailing tuloy siya




" I assumed you are, what do you want to have? " Tanong niya na nakapag-pangiti sakin





" McDo " Sagot ko na marahang pumapalakpak pa, naiiling na inabot ni Damon ang intercom






" Ms. Bernal please buy me snack at McDo for two and a cup of coffee asap. " Dinig kong sabi niya, lumapad ang ngiti sa labi ko, makakasabay ko siyang kumain ngayon.




" What are your plans for today? " Tanong niya matapos ibaba ang intercom, napaisip naman ako kung meron nga ba akong importanteng lakad




" Wala na, excuse naman ako ngayon sa school kaya uuwe na ako pagkatapos " Sagot ko, tumango-tango si Damon





" Good stay here, you can watch or whatever you want, you can rest at my sofa or if you want to sleep, go to my room and take a nap, my room is on the left door " Pagiinstrak niya, napangiti ako, yumuko siya at inabot ang pen at binuklat ang folder na nasa harapan niya, binasa niya iyon bago pinirmahan, ang gwapo gwapo talaga niya nakakainis wala atang pangit sa kanya, napaka manly ng perfectly shaved na balbas niya, maging ang kilay niya ay parang kinorte bagay na bagay sa medyo pangahan na mahaba niyang mukha ang mga mata niyang grey na may pagka brown ay bagay na bagay din sa hugis ng mukha niya ang mga buhok niyang masarap hawakan dahil malambot, ang labi niyang medyo maypagka pouty at mamula-mula ang ilong niyang sobrang tangos at ang adams apple niya na kapag lumulunok siya ay gumagalaw din, parang nakikita ko siya ngayon sa harap ko habang nakatapis ng tuwalya, nanuyo ang lalamunan ko at parang pinagpawisan ako kahit nakatodo naman na ata ang aircon, wala sa loob na napatayo ako kaya't napatingin siya sakin, sa taranta ay wala akong masabi kaya't nagmadali nalang akong nagpunta sa mini sala niya at naupo sa mahabang sofa, huminga ako ng malalim para mapakalma ang nagwawala kong lamang loob at saka nahiga, tinanggal kopa ang flat sandals ko at pinatong sa sandalan, napapapikit ako sa sobrang komportableng posisyon ko, nang may kumatok ng tatlong beses sa pintuan ng opisina ni Damon at pumasok si Ms. Van na may bitbit na dalawang paperbag at isang cup na may pangalang stirbeks isa iyong kilalang coffee shop dito, natigil ang sekretarya ni Damon sa gitna ng mapatingin ito sa gawi ko kumunot ang noo niya ng makita sigurong nakahilata ako kaya't agad akong umayos ng upo, nawala sa loob kong awkward pala ang posisyon ko dahil naamoy ko na kasi pagbukas palang ng pinto ang amoy ng chicken, tumayo ako at agad na lumapit sa kanila kahit nakapaa lang ako, akma ko ng kukuhanin ang mga paperbag kay Ms. Van nang agawin iyon ni Damon, agad niyang kinuha ang paper bag at coffee sa sekretarya niya, dinala niya iyon papunta sa maliit niyang pantry sa loob ng opisina niya.





" Common lets eat, I haven't eaten my breakfast yet " Bigla sabi ni Damon, nangunot ang noo ko






" Huh? Hindi kapa kumakain? The last time I check hindi ka din nakakain ng lunch kahapon sa takdang oras? Masama ang nalilipasan ng gutom in case you didn't know Mister " Hindi ko alam kung bakit naging ganun ang reaksyon ko kaya nahiya ako agad ng marealize na nagmukha akong nagger na asawa sa harap ni Damon, tipid na ngumiti si Damon na siyang pumutol ata sa hininga ko, gusto kong tumili jusko ang gwapo niya lalo kapag ngumingiti







His Anyang Demagiba ( Dark Night Society Series: Rogue Damon Salvatore )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon