^√^√^√^}}{{^√^√^√^
Kinabukasan maaga akong bumangon, ramdam ko padin ang matinding kirot sa bandang korona ko, halos buong katawan ko ang masakit, nang makapasok ako ay sunod-sunod ang naging klase ko, ni ang breaktime at lunch time ay hindi ko man lang namalayan dahil sa sobrang busy sa eskwela, kung hindi pa ako nagutom ay hindi pa ako kakain, hindi ko na naasikaso ang bilin ni Damon sakin, halos buong linggo akong busy sa ilang projects at term papers maging ang finals ay pinoproblema ko din, at isa pa kailangan ko ng mag send ng mga application sa mga IT company para sa internship ko, san naman kaya ako magaapply? Napabuntong hininga ako, tinapos ko ng mabilis ang lunch ko saka nagmadali papuntang library, halos inubos ko ang isang oras na free time ko sa pagbabasa at sa manuwal na pagreresearch tungkol sa ilang naging lesson namin nitong linggong ito para mas lalo kong maintindihan malay ko ba baka magamit ko din ito in the future, matapos kong ibalik sa shelf ang mga libro ay nag out nako sa attendant.
Hapong-hapo ako ng makauwe sa bahay, ibinagsak ko agad ang sarili ko sa sofa, friday na ngunit busy padin ako sa pagaasikaso ng term papers ko ni hindi ko pa ulit nabibisita ang internet shop ko, kahit pa nandun pa ang mag-asawang si Bern at Nard ay mas gusto ko padin na kahit saglit lang ay naaasikaso ko padin ang negosyo, bukas talaga ay sasadya na ako sa appointment sa OB naitext ko naman na iyon sa sekretarya ni Damon kaya nag paresched na din kami, nang makapagpahinga ako saglit ay nagtungo na ako sa banyo para mag shower, mabigat na din ang mga mata ko at hinahanap na ng likod ko ang kama, napaungol pa ako ng maramdaman ko ulit ang lambot ng higaan, wala sa sarili napaunat-unat pa ako.
" Anu kayang ginagawa ni Damon ngayon? " Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko, halos two weeks na kaming hindi nagkikita
" Asa ka girl! Miss miss anu boyfriend mo lang ganun? As if namang may commitment kayo para umasta kang ganyan! Assuming! " Banat naman ng mahaderang other side ng utak ko, napairap ako sa hangin, pinikit ko naman ang mga mata ko at pinilit na makatulog kahit hindi pa ako kumakain.
***
Tunog ng nagaalburotong tiyan ko ang gumasing sakin kinabukasan, naaasar akong bumangon sa kama at nagmadali sa pagpunta sa banyo bago ako gumalaw sa kusina, matapos kong maligo ay naghanap nako ng aalmusalin, pagbukas ko ng ref ay halos wala ng laman iyon kundi mga palaman at ilang gulay at ilang plastik na bote ng coke na 1.5 litter na pinaglagyan ko ng tubig napabuntong hininga ako, wala na pala akong stocks, nagkape nalang ako at saglit na naglinis ng bahay, nilabhan ko na din ang ilang pirasong damit na pinaghubaran ko kahapon at ngayon, nang kumportable na ako sa buong bahay ay naligo na ulit ako para sa appointment alas diyes na din kasi ng umaga, simpleng maong ripped jeans at T-shirt na kulay blue ang suot ko at high cut all star naman ang sapin ko sa paa na tig 250 sa bayan, nagpolbo nalang din ako at naglagay ng lipgloss saka ko itinali pataas ang buhok ko, maliit naman na bag pack ang dala ko para sa ilang importanteng gamit na dadalhin ko, naglagay ako sa kamay ng pabango iyong bambini na tig 50 ang gamit ko kulay pink amoy prutas, di kaya ako langgamin nito hahaha.
***【∆∆∆】***
" Ms. Marian Dimagiba? " Malakas na tawag ng nurse na assistant ng doktor na titingin sakin, nagtaas ako ng kamay sa nurse ngumiti naman ito sakin
" Ikaw napo,pasok nalang po kayo sa loob ng clinic ni doktora " Nakangiti parin nitong sabi, tumango ako ng may ngiti sa labi sa nurse saka ako pumasok sa loob, puro puti ang halos lahat ng kagamitan sa loob, kulay itim naman ang nagiisang bed na natatabungan ng nakapaligid na kulay berdeng makapal na kurtina, nakita kong nakaupo ang doktor sa swivel chair nito at may binabasa, nagangat ito ng tingin
BINABASA MO ANG
His Anyang Demagiba ( Dark Night Society Series: Rogue Damon Salvatore )
General FictionIsang sumpa ang maging mahirap, ngunit hindi iyon iniinda ni Anyang, pinangako niya sa sarili at sa yumaong ama na magsisikap siya, kaya kahit isang kahig isang tuka gagawin niya ang lahat para lamang makapagtapos, Kolehiya siya sa umaga, Snatcher s...