^√^√^√^}}{{^√^√^√^
Nakangiti akong nagmulat ng mata, hanggang ngayon ay ninanamnam kopa ang naging date namin ni Damon, sobrang saya ko last Friday, bumangon na ako sa kama at nagsimulang asikasuhin ang sarili ko. Paglabas ko sa banyo ay saktong tumutunog ang cellphone ko, agad ko itong kinuha, nakabalot pa sa twalya ang buong katawan ko, nangunot ang noo ko ng makita ang numerong nag flash sa screen ng cp ko, hindi iyon pamilyar at mukha iyong landline
" Hello? " Pinakinggan ko ang background sa kabilang linya
" Hi good morning, this is Honey Park from SC Tech Global HR, may I speak with Ms. Marian Demagiba? " Bati ng nasa kabilang linya, napatuwid ako ng tayo
" Y---yes ma'am, ako po iyon " Sagot ko
" I called to inform you that you have an scheduled interview on Monday. I would like to know if you're available on monday 8 am to 3 Pm, Ms. Dimagiba? " Mahinhing tanong ng nasa kabilang linya
" Yes Miss " Sagot ko
" Be there on Monday, just present your Filed Applicant Copy on our available receptionist on the said date. please wear an semi formal attire and bring pen. Further details will be discuss upon your attendance, goodluck and have a nice day Ms. Marian Dimagiba. " Huling sabi nito bago mamatay ang linya, napasuntok ako sa hangin, kinakabahan man pero alam ko sa sarili kong kakayanin ko iyon!
***
Linggo ngayon kaya balak kong lumabas dahil wala na akong stock ng grocery, pinasadahan ko pa ang itsura ko sa salamin bago ko kinuha ang susi ng bahay at shoulder bag ko saka lumabas ng bahay, makulimlim ang kalangitin paglabas ko, agad kong pinara ang tricycle na dumaan saka nagpahatid sa may sakayan ng jeep sa kanto. Nakangiti akong bumama sa jeep, sa Pretley Mall nalang ako nagpunta dahil malapit lang ito sa tinitirhan ko, agad akong pumasok sa loob at nagpunta ng grocery store, pang isang linggo lang ang kukunin ko ngayon para hindi masayang. Matapos kong makapamili ay saglit akong nag-ikot sa loob ng mall matapos kong iwan sa baggage area ang mga napamili ko, balak kong bumili ngayon ng damit na maaari kong isuot para bukas, dumaretcho ako sa department store at nagtingin ng mga sale na damit, isang pencil cut skirt na lagpas tuhod ang haba ng tela at isang long sleeves na pambabaeng pantaas na puti, okey na siguro ang tatlong pares, isang kulay puti, kulay grey at kulay pink ang napili kong long sleeves para sa pang taas at dalawang pencil cut skirt at isang slacks na pambabae ang kinuha ko, masaya ko iyong dinala sa counter, 30% discount ang nga damit na pinili ko lubhang mas mura kesa sa ibang damit na nagkakahalaga ng higit limang libo, 700 ang dalawang Skirt at 1000 naman ang slacks ang long sleeves ay 899, malaki na din ang nabawas sa mga orihinal na presyo kaya hindi na masama, kinuha ko nalang ang kard ni Damon at iyon ang ipinangbayad ko sabi naman niya na gamitin ko iyon kung kinakailangan dahil paubos na talaga ang pera ko, hindi ko kasi ginagalaw ang ipon na galing sa computer shop dahil baka may paggamitan ako nun balang araw.
....
Excited akong bumangon sa kama, nakangiti kong inayos ang hinigan ko saka lumabas ng kwarto para mag hilamos, instant noodles lang ang inihanda ko para sa almusal ko pagkatapos kumain ay deretso na ako sa banyo upang maligo, balak ko pumunta ng SC Tech ng maaga para maaga din akong matapos para sa interview sana lang talaga ay matanggap ako.
" Good Morning ma'am, may appointment poba kayo sa loob? " Magalang na tanong ni kuyang guard ng papasok na sana ako sa loob ng building ng SC Tech, napakalaking building nito halos malula ako sa sobrang taas at laki, napaka ganda ng loob na kahit nandito pa ako sa labas ay tanaw ko na ang mga namahaling gamit sa loob, ngumiti ako kay kuya Guard na ayon sa name plate nito ay S.G Ariola ang nakalagay
BINABASA MO ANG
His Anyang Demagiba ( Dark Night Society Series: Rogue Damon Salvatore )
General FictionIsang sumpa ang maging mahirap, ngunit hindi iyon iniinda ni Anyang, pinangako niya sa sarili at sa yumaong ama na magsisikap siya, kaya kahit isang kahig isang tuka gagawin niya ang lahat para lamang makapagtapos, Kolehiya siya sa umaga, Snatcher s...