^√^√^√^}}{{^√^√^√^
Tulala akong naglalakad papasok ng Unibersidad, lutang na lutang ako at parang walang dereksyon basta ang alam ko lang naglalakad ako papasok.
" Kabit! Hoyyyyyyyyy "
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, para akong namatayan na ewan.
" Hoyyy kabittttt! "
Parang hangin lang ang lahat ng taong makasalubong ko, wala akong nakikita ni naririnig sa paligid, isang malakas ng tampal ang nagpatigil sa paglalakad ko, napalingon ako sa taong gumawa nun, pulang pulang mukha ni Pat ang nabungaran ko, nanlalaki ang mata nito maging ang mga butas ng ilong at hinihingal din ito.
" Kanina pa kita tinatawag Kabit! Bakit hindi ka manlang lumilingon kahit tumigil ay hindi mo nagawa! Dalawang araw kang absent tapos ngayon pumasok ka nga pero parang wala ka sa sarili mo! Anung nangya--- " Hinihingal ito ng magtatalak, pero nagtataka ko lang siyang tinignan
" Huh? " Walang sa sarili kong tanong, lalong namula ang buong mukha nito sa inis
" Kanina pa kita tinatawag! Anu ba! Anung nangyayare sayo? " Sigaw nito, napaturo ako sa sarili ko
" Ako? " Wala parin sa sariling tanong ko, inirapan niya lang ako saka nagpatiunang naglakad, dalawang araw na akong hindi pumapasok at magda-dalawang buwan na akong lutang, hindi ko na maintindihan ni ang sarili ko, napailing nalang ako sa kagagahan ko, gustuhin ko mang balewalain ang malaking bagay na nawala sakin ngunit hindi ko magawa! Binigay ko na ang lahat ng kaya ko para lang makalimutan siya ngunit sobrang nahihirapan ako, humabol ako kay Pat at inakbayan ito
" Sorry na Kurdapya! Hindi kasi kita naririnig, nakikinig kasi ako ng music " Paliwanag ko dito at pinakita pa ang cellphone kong may nakasaksak na earphone, kahit wala naman talaga iyong tugtug, iyon nalang ang ginamit kong rason, napabuntong hininga lang ito at inirapan ako pero inakbayan lang din naman ako, hindi ko alam kung sasaya ba ako o malulungkot matapos ang nangyare, mula ng huling usap namin ni Damon sa telepono hanggang ngayon ay hindi na ulit ito nagparandam, dalawang buwan na ang nakakalipas mula nun, masyado akong nag-isip at namoblema kung bakit biglaan siyang nawala, gustuhin ko man siyang puntahan kung saan ay hindi ko talaga magawa, wala naman kasi kaming partikular na lugar na pinupuntahan, kusa itong nagpupunta sa bahay, sinubukan ko ding bumalik doon sa may Santa Monica sa may ilog noong araw ding iyon, nung araw na tinawagan niya ako sa telepono ay nagpunta na ako agad doon ngunit natigil na ang konstrakyon doon ni caretaker ay wala nung araw na magpunta ako doon kaya wala talaga akong makuhang clue kung saan ko siya pwedeng makita, hindi ko lang din talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit kailangan ko pang problemahin kung sang lupalop naroon ang Salvatore na iyon! Malamang sa malamang nababaliw na akong talaga, tinakbuhan na nga ako ng kamatayan ngunit ako naman itong naghahabol. Papasok na ako sa room namin ng bumungad bigla si Ken sa pintuan, may dala itong tatlong pirasong bulaklak na nakabalot at tsokolate nakangiti itong lumapit sakin at inabot ang mga dala nito sakin, Mag-iisang buwan na itong nanliligaw sakin, alam kong eto na iyong pinaka aasam ko ngunit bakit ba kasi hindi ko siya magawang pagbigyan, gwapo si Ken, hanggang leeg ang buhok nitong bagsak at medyo singkit ang mga mata, maliit na matangos ang ilong nito at makapal ang mamula mulang labi na laging may laway sa gilid, okey na sana iyon lang talaga ang kapintasan, malaki din ang katawan nito 5'7 ang taas parehas kami, hindi katulad ng kay Damon dahil 6 footer iyon, Damon nanaman Anyang kaya hindi ka makausad! Sita ng mahadera kong isip
BINABASA MO ANG
His Anyang Demagiba ( Dark Night Society Series: Rogue Damon Salvatore )
General FictionIsang sumpa ang maging mahirap, ngunit hindi iyon iniinda ni Anyang, pinangako niya sa sarili at sa yumaong ama na magsisikap siya, kaya kahit isang kahig isang tuka gagawin niya ang lahat para lamang makapagtapos, Kolehiya siya sa umaga, Snatcher s...