Chapter 7 ( Drown )

137 5 0
                                    

^√^√^√^}}{{^√^√^√^





Tulad ng plano ko ay madilim palang ay nagising na ako agad, nakangiti akong naligo at gumayak, dala-dala ang isang katamtamang wallet at shoulder bag, hindi ko na dinala iyong card ni damon, nahihiya na kasi ako, may natira pa naman sa perang niraket ko ng mga nakaraan kaya iyon nalang ang gagamitin ko, bukas! Bukas na ang sintensya ko, gusto kong sulitin ang araw na to para sa sarili ko kaya maaga palang halos kabubukas palang ng mall ay nakikipag unahan na ako sa ilang mga tao papasok, naglakad lakad ako at kumain kung saan saan, nang mapagod ay naupo ako saglit sa isang bench malapit sa fountain na nasa gitna ng mall, napatitig ako sa tubig na mula sa fountain, mula kahapon ay pakiramdam ko ay may nagmamasid na sa lahat ng kilos ko, ganun siguro ang pakiramdam ng may taning na, napabuntong hininga ako, muli akong tumayo ng masigurong kaya ko na ulit maglakad, dumaretcho ako sa 4th floor ng mall at nagpunta sa arcade center, doon ako naglibang ng naglibang, masaya akong naglaro sa basketball booth, saka nag tekken nag firing at nag Just Dance, iyong may steps na pataas pababa at Side to side, isang basket ang ticket na nauwi ko, at ang kapalit noon ay isang stitch na stuff toy na kasing laki ng regular na bag pack yakap yakap ko iyon ng mag punta sa groceries, nakangiti ko siyang isinakay sa push cart.


Pagod na pagod ako ng makauwe agad kong nilagay sa freezer ang mga karne at frozen foods, kanina ko pa ito binuksan para malamig na pagdating ko, halos hapon na ako nakauwe, matapos kong iayos sa mga kabinet ang mga pinamili ko ay nagkulong ako sa kwarto, magdamag akong nanood ng mga pelikula na nakakaiyak, ninanamnam ko ang mga bawat eksena lalo kapag mga sweet scenes, magang maga ang mata ko ng bumangon ako at magsawa kakanood, dala dala ang twalya ay lumabas ako ng kwarto para maligo, nag hahum ako habang naliligo sa banyo, bawat patak ng tubig, habang nagsasabon ng katawan ay hindi ko maiwasang maalala ang bawat haplos at halik na pinagapang ni Damon sa katawan ko, pakiramdam ko ay naginit ang buong banyo, iniling iling ko ang ulo ko saka pinagpatuloy ang pagligo, pinilit kong burahin ang ala-alang iyon sa isip ko, ng matapos ay nagtapis ako ng twalya at lumabas ng banyo, dumaan pa ako sa kusina para uminom ng tubig, pabalik na ako sa kwarto ng may mapansing parang may nakaupo sa sofa, madilim ang buong bahay dahil nakapatay ang lahat ng ilaw, naririnig ko ang mahinang huni ng makina ng aircon sa sala, nangunot ang noo ko, hindi ko matandaan kung nabuksan ko iyon, gumapang ang kilabot sa buong katawan ko ng makitang may gumalaw na anino, jusko nakalimutan ko bang isara ang pintuan ko? Alam ko tanda ko nilagay ko pa ang double lock nun sa pinto, dahan dahan akong bumalik sa kusina upang kumuha ng panglaban, wala sa loob na basta nalang akong dumampot ng mahabang bagay saka iniamba sa taong nasa loob ng pamamahay ko, nanginginig akong naglakad ng dahan dahan pabalik sa sala.




" A spatula seriously? " Ani ng tinig ng taong pumasok sa bahay ko, nangunot ang noo ko parang pamilyar maging ang halimuyak ng pabango nito ay pamilyar




" M---Mr. S--Salvatore? " Wala sa wisyong turan ko, tumayo ang anino at naglakad palapit sakin,




" Why didn't you hook up? I gave you the freedome to choose whoever you want to laid with, 2 days woman! I gave you 2 days to be laid by anyone but why didn't you do it? I'm so upset right now tell me why? Haven't you told me, you want to get laid first before I kill you? Why didn't you do it? " Matapos nitong sabihin iyon ay huminto siya sa harap ko, bakit nga ba? Wala naman siyang sinabing dapat siya diba? Bakit nga ba hindi nalang kung sino ang hinila ko? Sex lang naman ang gusto kong maranasan bago mamatay diba? Naramdaman ko ang hininga niya sa punong tenga ko





" Why? Tell me before I loose my sanity " Bigdeal sa pogi, kung bakit? Napatukod ang dalawa kong kamay sa dibdib niya ng mas lumapit pa siya, namula ang buong mukha ko ng maramdaman kung gaano katigas ang dibdib ng isang Rouge Damon Salvatore,





" Mmhhh b--because I---ikaw ang gusto ko " Pahina ng pahina ang boses ko, lalo kong naramdaman ang pangangapal ng buong mukha ko, nakita kong tumaas ang isang sulok ng labi niya, inamoy niya ang leeg ko hanggang balikat





" Mmhhh Should I let you, make me then " Buling niya, nanigas ako ng maramdaman ko ang init mula sa palad niya, napakuyom ang kamao ko sa sobrang intense ng nararamdaman ko, tinaas niya ang kamay niya mula sa pagkakabuhol ng twalya sa katawan ko, napapikit ako sa pagaakalang tatanggalin niya iyon subalit nagkamali ako, inayos niya lang ang pagkakalagay nun dahil malapit ng malaglag, nag-init ang buong mukha ko, pakiramdam ko ay tinakbuhan ako ng kapal ng mukha, hiyang hiya ako dahil alam kong nakita niya sa mukha ko na umasa ako sa gagawin niya, muli siyang ngumisi





" Not yet doll, get yourself a man, do it now or never, I'll come to kill you by dawn 17 hours after this, come run woman! I have no mercy, I'll get your life when I get back " Malamig na sabi nito saka ako tinalikuran, nanghihina akong napaupo ng mawala siya sa paningin ako, kaya ko bang makipag sex sa iba? Alam ko sa sarili ko na kung meron man sa tingin ko ang nararapat na pagbigyan ko ng sarili ay siya iyon wala ng iba, kahit pa masakit ang katotohanang siya din ang magiging dahilan ng katapusan ko mas pipiliin ko padin na siya ang pagalayan ko ng sarili, kung hindi rin lang siya ay mas gugustuhin mo nalang ngang maging malinis ako hanggang mamatay, kung hindi lang din siya ipipikit ko nalang ang mata ko at hihintayin ang bala o patalim na siyang tatapos sa buhay ko na mula sa kanya, sobrang saklap ng lovelife ko ang huling tao pa naman na naisip kong kikitil ng buhay ko ang siyang malapit sa katotohanan, napailing ako maybe tanga nga ako at bobo pero hindi ko maaalis sa sarili ko ang katotohanan, ang katotohanan mula ng unang beses ko siyang makita kahit sa litrato lang ay may iba na akong nararamdaman para sa kanya.






Tulad ng mga nakaraang araw mabigat ang katawan ko ng magising kinabukasan, ito na ang huling araw ko, huling araw kung kailan huli ko ng masisilayan ang pagsikat ng araw, wala parin akong balak na pumasok, huwag nalang kahit tadtad na ako ng text messages galing kay Pat ay binalewala ko nalang iyon, hindi niya alam kung saan ang bago kong bahay, nakausap ko na din ang may-ari na ipangalan sa bestfriend ko ang titolong pinapaprocess na niya sa kung saang lupalop ng gobyernong ahensya, nakayuko ako habang naglalakad sa malawak na bukirin at ilog sa may Santa Monica, naisip kong gusto ko ng sariwang hangin man lang, nalulungkot ako nung mga nakaraan at mas nalulungkot ako ngayon, kung dati ay malaki ang pagaasam at pananabik kong dumating ang araw nato ngunit ngayon ay gusto ko nalang huminto ang oras, ngayon ako nakaramdam ng takot bukod sa walang kwentang love life ko ay ang buhay kong wala ding kwenta, napabuntong hininga ako, walang tao dito sa lugar nato kaya naisipan kong maligo sa ilog, tinanggal ko ang Tshirt ko at shorts saka lumusong sa tubig na hanggang dibdib ko, kung magpakalunod nalang kaya ako ngayon dito? Ganun din naman pero may isang bahagi ng isip ko ang tumututol dahil mas gusto nito na sa mga kamay ng Damonyong iyon mawalan ng buhay kesa dito sa malawak na ilog, hindi ko inaasahan na mapaluha ako habang sumisisid, ganun pala ang pakiramdam ng umiiyak sa tubig, hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa pagsisid basta sumisid ako sa pinaka ilalim saka hinayaan ang sarili na agusin kung saan, aangat na sana ako ng may brasong marahan akong inangat mula sa ilalim ng tubig paakyat, habol ko ang hininga saka nilingon ang kung sino man iyon, ganun nalang ang pag-awang ng labi ko ng mamulatan ang kulau berdeng mga mata, mga matang seryoso, mga matang ang paningin ay saking mga mata, ang mga mata ni Rogue Damon Salvatore.





∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

August,18,2020 - 3:56 PM (EDITED)

-LND

His Anyang Demagiba ( Dark Night Society Series: Rogue Damon Salvatore )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon