C H A P T E R 2

1.2K 56 1
                                    

Sa ilalim ng tubig ay napa-cross finger ako na sana huwag niya ako saktan tulad ng ginagawa sakin ng kapatid niya. Hindi ko masisi ang sarili ko na matakot rin dahil sa hindi ko pa ito gasinong kilala.

Naramdaman ko ang pag haplos nito sa aking buhok pababa sa labi ko. Kahit na natatakot ako sa mangyayare dahil dalawa lang kame nasa banyo, kaya kahit kinakabahan ako ay mas lalong pinapalakas ko ang loob ko na huwag mag panic para 'di nito mahalata na nag tutulog-tulugan lang ako. Mahirap na!

Wala si richard ngayon, hindi ko alam kung paano patitigilin o mapapaalis ito na hindi ako ginagalaw.

He is ryko, nakakatandang kapatid siya ni richard. Ryko Arcilla. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa kwarto lalo na pinag hihigpit ni richard na walang papasok sa silid na to maliban sa hahatiran ako ng pagkain o may pinag uutos siya at isa pa madaming tauhan si ruchard sa labas. Kaya nagtataka ako kung bakit o paano ito nakapasok sa silid na to.

Maya-maya naramdaman ko na ang kamay nito sa ilalim ng tubig nasa paahan ko ang kamay niya paakyat sa hita ko. Nanindig balahibo ako sa paraang ginawa nito. Nagulat nalang ako ng biglang huminto ito... pero mas lalo kong ikinagulat ng bigla akong buhatin nito at dinala sa malambot na kama. Naramdaman ko ang bawat dampi ng tuwalya na tila tinutuyo ang basang hubad kong katawan.

Napadilat ako at sinuri ang mukha niya. Nakita niya na akong gising ngunit ngitian niya lang ako. Pumasok ito sa banyo at bumalik na may dalang medicine kit.

"Kukuha lang ako ng damit mo," hindi ako sumagot pero nakakunot ang noo ko sa sobrang gulo na nasa isip ko. Hindi niyo ako masisi kung pag isipan ko ito ng demonyo rin ito tulad ng nakababatang kapatid. Imagine, sa harap ng maamong mukha ay may demonyong balak pala.

Kumuha ito ng malaking t-shirt at bumalik saka inalalayan akong umupo at isinuot iyon sakin. Nakakahiya nakita niya buong katawan kong walang saplot. Huminga ako ng malalim saka takang tumuningin ako rito. Tumikhim muna ako bago magsalita.

"Bakit mo to ginagawa? Bakit ang b-bait mo sakin?" Hindi ko na mapigilang magtanong ng ganun. Kumuha ito ng gamot na betadine at nilagyan ng ilang patak ang bulak saka inaapply yun sa mga sugat ko. Magaan ang kamay niya sa bawat dampi sa sugat ko. "Ryko teka naguguluhan ako!"

"Kasi hindi ako tulad ng kapatid ko." Simpleng wika nito sakin tumingin ito sakin bago tinuon muli ang sarili sa pag gamot sa mga sugat ko. Napakunot noo ako rito.

"Pero ano tong ginagawa mo sakin? Look pag nalaman to ni richard he going to kill me!" Inis kong sigaw rito. Totoo, natatakot ako lalo si richard na yun. Oo asawa ko siya pero demonyo yun, kaya niyang gawin lahat lalo na ang saktan ako. At isa pa hindi malabong mapatay ako nito gusto ko pang makatakas, gusto ko lumaya sa bahay na to lalo na bilang asawa niya. Ayoko ng ganito, hindi ito ang pinangarap ko para sa sarili ko, ang sumalo ng sumalo ng mga kamao at mga ihahampas niya sakin.

"I know, kaya sinugurado ko na wala siya sa pagbisita ko sayo. Lalong alam ko na sinasaktan ka niya." Maikling sinabi nito sakin.

"Pero ryko you know him. He can kill us. Alam mo gaanong kakitid utak —- im sorry," napatungo nalang ako ng tinapunan ako nito ng tingin.

"It's okey. Aalis na ako kung yun ang kinababahala mo," Nang matapos itong applayan ang mga sugat ko ay isa isa niyang ipinasok sa lalagyan ang mga gamot at pumasok sa banyo dahil sinauli niya ang medicine kit at itinapon yung ginamit niyang bulak.

"Don't over think to much. Kung ayaw mo makita niya tayo aalis na ako. Ginamot ko lang talaga sugat mo because as far as i can remember im a  license doctor."

Huminga ako ng malalim.
Doctor siya? Parang nakakahiya naman inasta ko. Boba! Arghhh... kung kailan late ko ng narealize saka ko pa sisihin sarili ko.

Mistaken Pleasure ( E D I T I N G  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon