1 Month na lumipas ang pag bisita ni daddy kay stacy. Kaya simula non nag plano kame nina stacy at brian mismo nong araw na yun. Nag send ng text si stacy na icheck ang Hotel system at nalaman ng kaibigan ni stacy na nahack ang system ng Oxeana Hotel which is alam naman kaagad na si daddy na yun para subaybayan si stacy kung nakita or kinakausap niya ako sa phone.
Kaya ang napag-planuhan nong mismong araw na yun, ay dadalhin ako sa tagaytay kung saan sa bagong resort naman na pagmamayari ni brian kung saan hindi alam ni daddy na may resort sna bago gawa. Which is naka focus lang to sa mga gusto nito, kung saan-pumupunta para magsugal at kung ano ano pa.
Meron isang resort si brian sa tagaytay kaya ngayon dito ako nag stay. Wala na ako masyadong sugat dahil sa isang buwan na pagkapahinga ko at laging binibisita ng doctor kung kaya agad naman nag hilom ng dahil na din sa gamot na pinapahid at iniinom ko.
Isang buwang malaya ngayon ko lang muli naranasan sa dalawang taon na nakakulong sa bahay ni chard. Masaya nagagawa ko ang gusto ko alam mo yun yung tipong ibon ka tapos malayang malaya kang nakakalipad sa himpapawid.
Walang richard, walang papa na nagdidikta sayo. Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok.
"Sino yan?" Sabay binuksan ko ang pintuan. Si jossie siya yung nag guide sakin dito sa resort, bumabawi lang ako kina stacy at brian sa pagtulong nila sakin kaya habang wala si brian tumutulong ako sa resort niya para may magawa din ako ang boring kasi kung mag kukulong ako sa kwarto. At tyaka guardiyado na ang resort na to dahil sa utos ni stacy. See napaka swerte ko sa bestfriend ko.
"Miss may nag pa reservation po ng 3 days and 1 night po, darating po sila ng mga 11 am po" aniya
"Sige baba na ako" ngiting wika ko rito.
"At tiyaka po miss dapat may foods na din daw po"
"Sige sige mag ready na kayo, sina tina sabihan mo na sila na ayusin na ang mga kwarto okey. Sige na pumunta ka na dun susunod nalang ako sayo"
sumunod naman ito agad.
Tumingin muna ako sa salamin kung ayos na ang itsura ko saka kinuha ko lang ang cellphone at susi sa ibabaw ng drawer at lumabas na ng kwarto ko.
Kagad ako pumunta sa kusina kung saan maghahanda ako ng pagkain ng mga nag pareserve ngayong araw na to.
By the way kaya ako ang nag luluto ng ganito hindi dahil sa utang na loob lang na may maitulong or may mailuto lang ako sa resort na to. Tapos ako sa culinary kaya hinayaan ako nila stacy at brian na magluto sa kusina at isa pa maraming nagpatunay na na customer na nagustuhan ang luto ko.
Ng matapos ko ang carbonara pasta at sauce na lutuin ay pina serve ko na sa labas, dahil nandiyan na daw sa labas at pinapaserve na daw. Next ko naman niluto ang iba pang kaya kong lutuin na nasa menu. Ilang minuto ang lumipas, madami na din ang umoorder ng pagkain kaya lahat ng nasa kusina na mga chef ay nag papalit lang kame ng pwesto. Nakakapagod pero atleast sa gantong paraan ay nakakatulong ako kay stacy at brian at isa pa masaya ako sa ginagawa ko.
Habang hinahanda ko naman ang ilan sa mga ginagayat kong rekado para sa sunod na lulutuin ay napalingon ako kay jossie na hingal iyon lumapit kay leonard. Napakunot noo ako nakatingin sakanya.
"Asan si miss maissie !"
"Ayun andun si miss" takang turong wika ni Leonard na nakatingin kay jossie.
Tumakbo naman papalapit sakin si jossie, kunot noo ko to tinignan.
"Bakit jossie?"
BINABASA MO ANG
Mistaken Pleasure ( E D I T I N G )
عاطفيةWARNING R-18 | S P G | MATURE CONTENT MISTAKEN PLEASURE ( EDITING )
