Lahat kame ay nasa sala masayang nag kwekwentuhan ng bigla lahat napatahimik ng marinig namin ang cellphone ni ryko at nag ring iyon. Agad niya pinakita ang caller.
"My devil brother. Mukhang alam niya kung nasaan tayo!" sabay sagot at ni-loud speak iyon.
"I know where you are brother and i will assure you that you will regret! Kinuha mo si maissie, and ang kapalit non ay papatayin kita!" Napatingin ako kay hudson na ngayon ay nakakuyom ang mga palad nito sa galit.
"Hindi ako natatakot brother go, puntahan mo ko rito iwewelcome pa kita" prenteng sagot ni ryko
"Wait for me brother and i will kill you!" Sabay baba ng telepono nito
"I-is he coming from me? No please save me! Ayoko na sa mga kamay niya! Ayokong makasama na siya!" Hagulgol kong wika
"Hey, hey! Hindi kita hahayaang mapunta sakanya love. Believe me, gagawin ko ang lahat para hindi kana muli mapunta sakanya. " sabay yakap nito sakin
"I will help you" sabi ni cole
"How?" Tanong ni andrea " i mean i know richard marami siyang tauhan"
"Me and hudson have a group of friends which means we have connections so one call away lang sila ang they will help us!" Sabi ni cole , napatingin naman kame sa labas ng marinig ang ilang sasakyan na nagsisidatingan "oh i already called them so mukhang sila na yan!"
"Who's friend?" Takang tanong ko kay hudson
"Remember pumasok ako ng ilang taon sa military sila, sila yung sinasabi ni cole na group of friends." Ngiting wika ni hudson " but for now you need to go with stacy alam niya kung saan kayo magtatago habang kame haharapin lang yung gagong yun"
"Please be careful!" Sabi ko rito
"Yes, love"
"Wala ng oras tara na" putol samin ni ryko.
Nakita ko ang mga ilang sundalong nakauniporme na pumasok. At kame ni stacy pababa sa papuntang basement. Si andrea at marilyn kasama din namin.
"Mommy!" Sapag bukas ng pinto ay agad ako sinalubong ni hendrix ng yakap. Ang anak ko, akala ko wala na siya pero ito buhay at yakap yakap ko.
"Hi baby" napatingin ako sa paligid maayos iyon at mukhang pinag handaan nga ito, maayos kasi iyon parang isang normal na kwarto itong pagkaayos.
"Mas magandang manatili tayo rito para hindi makasira sa plano nila" wika ni andrea
"Pero delikado sa labas" wika ko
"Kaya nga dito lang tayo. Mahuhusay ang mga kasamahan ng asawa mo kaya huwag kang mag alala" wika ni bryan.
Napatingin naman ako kay brian na may kinakalikot sa laptop. Mukhang tinitignan niya ang nasa labas kung ano nangyayare agad naman ito sinamahan ni stacy. Gusto ko man tignan iyon pero di ko kaya. Pinaghihinaan na ako ng loob. Merong kama doon agad ko binuhat si hendrix at hiniga dun. Hindi maganda sa batang naririnig ang usapan nila andrea, marilyn at stacy. Dahil ang tatlo ay sila ang kumakausap sa mga taong lumalaban sa labas.
Ilang oras ang lumipas ng magulat ako ng tumayo si brian at lumabas. Na agad sumunod si andrea.
"Anong nangyayare?" Dahan dahan ko inayos ang higa ni hendrix saka lumapit sa kaibigan ko at kay marilyn.
"Natuntun tayo ni richard. Sinabi ng isa sa kakampi natin kung nasaan tayo dahil tinakot ito na papatayin ito."
"H-hindi maari!" Nanginginig kong wika.
"Hindi ko macontact sina hudson o kahit si ryko!" Inis na tinapon ni andrea ang nasa tenga niya.
Nagulat kame sa biglang padabog na binuksan ang pintuan. Napahawak ako sa aking tenga. Tinutukan kame ng baril ni richard at unti unti itong lumapit samin sabay pinulupot niya ang kanyang bisig saking leeg.
BINABASA MO ANG
Mistaken Pleasure ( E D I T I N G )
RomanceWARNING R-18 | S P G | MATURE CONTENT MISTAKEN PLEASURE ( EDITING )