C H A P T E R 22

474 11 0
                                    

Nagising ako sa boses ni richard na ngayon ay may kausap. Nanatiling pikit ang mata ko at pinakinggan ang sinabi niya.

"Hahaha ano nahuli na siya ng pulis? Ang ayoko sa lahat pag babantaan pa ako!" Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi kaya si marco iyon? " Susugod dito tsk. Kung wala lang asawa ko kanina?  papatayin ko na siya, kung tutuusin isang bala lang siya. Balitaan mo ako siguraduhin mong di na makakalabas sa kukungan iyan, at isa pa alam mo na gagawin kapag nasa loob ng preso yan" sabay tawa nito.

Naramdaman ko ang pag upo nito sa tabi ko at hinimas ang buhok ko.

"Magsasama na tayong dalawa. Hindi ko hahayaang may hahadlang sa pag mamahalan natin" sabay hinalikan ako sa noo.

Naramdaman ko ang pag alis nito sa kama sabay narinig ko ang pag labas ng pintuan. Minulat ko ang mata ko at umupo. Ano ang ginawa niya? Natatakot na ako, hindi ko na alam anong gagawin ko! Shit shit shit! Kailangan na ni stacy makaalis dito?

Bumangon ako at naglakad paplabas ng pinto ng agad ko nakita si richard. Nginitian niya ako sabay hinawakan sa pulsihan.

"San ka pupunta?" Walang emosyon nitong wika.

"Nagugutom kasi ako, gusto ko ng matamis. Pwede mo ba ako samahan?" Ngiting wika ko rito.

"Hmm, ikaw baby hinay hinay sa tummy ni mommy okay. Behave!" Sabay himas nito sa tiyan ko. Sa isip isip ko, talaga bang tanggap mo ang bata kahit hindi sayo o may plano kang hindi maganda sa bata kapag lumabas? Natatakot ako kasi alam ko wala na akong takas sa tanikalang to. Ayokong masaktan ang anak ko hanggat maari.

Inalalayan ako nito at pinaghila ng upuan. Kinuha niya ang cake at ang fresh juice na nasa ref saka inihain sa harap ko. Todo asikaso ito kahit ang kutsara, playo at baso siya na din kumuha.

"Here!" Nakangiting wika nito.

Kumuha na ako at nilagay iyon sa plato ko sumubo ako ng isa. Napapikit ako sa sarap ng malasahan ko ang strawberry flavor non.

"Yummie!"

"Of course, just for you hon!" Sabay halik nito sa noo ko.

Susubo sana ako sa pangalawang pagkakataon ng biglang may nagpaputok at sakto iyon sa baso na nasa harapan ko. Napahawak ako sa tenga ko agad ng yumuko. Agad akong yinakap ni richard para protektahan. Ang baso na buo kanina ngayon ay nagkanda pira-piraso na.

Bigla akong napadaing sa sakit ng tiyan ko bigla. Pero nawala ang tuon ko sa sakit na yun ng may sumigaw.

"You fucking bastard! I was thought your going to help me! Fuck you! I'm going to kill you!" Sigaw ni marco.

"Are you okay?" Nag aalalang wika nito. Tatango sana ako kaso biglang nag paputok nanaman ito.

"Stay here!" Dahan itong bumunot ng baril na agad kong ikinalaki ng mata at inasinta si marco. Napapikit nalang ako sa putukan na naririnig ko mula sa baril nila. Buti andito kame sa dirty kitchen kaya nakakatago kame sa likuran ng bato .

Narinig ko ang palahaw sa sakit ni marco. Agad namang tumayo si richard at pinuntahan iyon. Dahan naman akong tumayo at tinignan sila.

Meron mga tauhan ni richard na andun hawak na ito. Sinapak ito ni richard at hinawakan sa panga. Pinag sisigawan niya ito dahil sa galit na ginawa ni marco ngayong gabi na ito. Agad inutusan ni chard and tauhan na gumawa ng paraan at ng makulong si marco, kung hindi kasama nila si marco na nasa hukay bukas daw ng maaga.

Sa sandaling iyon hindi ko nakayanan ang sakit na nararamdaman ko. Napahawak ako sa pader.

"R-richard" nauutal kong tawag sa pangalan nito.

Mistaken Pleasure ( E D I T I N G  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon