Kumakain ako kasama si richard. Hindi ito tulad nong huling paguusap namin na malambing. Unti itong bumabalik sa dati, ang paraan ng kanyang pananakit ay samapak o di kaya sasabunatan ka yung mga bakal? Hindi ko alam kung bakit di niya magamit yun, kahit papaano lumuwag pakiramdam ko dahil di niya ginagamit yun at sa paraang yun ay ligtas ang bata sa sinapupuanan ko.
Pinunasan ko na ang aking labi saka umalis sa hapag kainan. Agad akong dumeretso sa CR ng kwarto namin sabay nag toothbrush ako ron. Kumuha nadin ako ng panlinis sa sugat sa noo ko saka nilagyan nalang ito ng band aid dahil maliit naman na iyun di siya tulad nong araw na sariwa pa iyon.
Hawak hawak ko ang tiyan ko ng maramdaman ko ang pagikot non na senyales na masusuka nanaman ako.
"Baby, behave please" nag momog ako saka umupo sa kama.
Napatingin ako sa kakapasok na tao, babaliwaliin ko sa ito ng makita ko si stacy iyon.
Nanlake ang mata ko agad ko ito hinila sa cr at nilock ko iyon.
"Nahihibang ka ba? Bakit ka nandito?" Galit na wika ko rito
"As usual ililigtas ka!" Singhal pabalik nito
"Stacy i know what you've done so please stop this nonsense!"
"Ano ba pinagsasabi mo? Ako nga dapat itong magalit sa ginawang pag alis mo na walang pasabi!"
"Hah! Stacy, seryoso ka? Anong palabas to? Tangina diba merong isang tauhan sa resort niyo na pinapasubaybayan mo ako tas ito nagpapatay malisya ka ngayon? Again seryoso ka?"
"Yang sinasabi mo ay walang katotohanan yan at sinasabi ko sayo kaya ko iharap ang taong yun dahil hindi ako nag hired sakanya kundi ang totoong maissie!"
"Ano ibig mong sabihin? Alam mo ang lahat?" Alam nya
"That day na nawala ka, hinahanap ka ni kuya. Hindi niya alam ang gagawin niya nong mga panahon na yun kaya ginamit namin yung cctv para hanapin kung saan ka huling makita. Yung cctv na yun ay ang kinagandahan ay maririnig namin kung ano ang pinagsasabi, tunog o ano pa man pwedeng itawag dun. Pinaamin ko yung mismong taong yun at sinabi hinired siya ni andrea."
"What? Bakit niya naman gagawin yun? "
"Dahil para muli kayong magtagpo ni hudson, ayaw niya rin sa nangyayareng ito especially sayo. Dahil ang pinangako ni tito kay andrea kaya siya pumayag sa pag babago ng mukha niya ay dahil sa gusto niya mapaligaya si tito pero hanggang sa tumagal ay narealize na ni andrea na maling mali na"
"Kung kailan huli na ang lahat saka niya narealize ang lahat? Ha! Wala na si hudson ang taong dapat ang asawa ko at hindi yung taong yun! " nangingiyak na sigaw ko rito
"What do you mean? "
"Patay na si hudson! Kaya lang naman ako lumalaban dahil buntis ako! Buntis ako at siya ang ama!"
"O my God! Your preggy! Oemgiiii no way!" Sabay yakap nito na agad ko ikinalito.
"T-teka "
"I'm so happy for you!"
"I'm fucking hurt now sissy because hudson is gone! And ikaw natuwa ka pa!" I shout
"Oh yeah, hudson is not dead pinalabas lang namin yun dahil nahuli namin ang isa sa tauhan ni richard at pinaamin kung ano plano ng amo niya. At yun ang patayin si hudson. Kaya nong araw na yun na nahuli at nalaman namin ang plano ay pinalabas namin yun na patay na siya dahil kasi sakto nasa ospital siya non at may tama ng baril."
"Seriously, hindi ko alam ang masasabi ko." Parang nabuhayan ang puso ko sa nalaman ko.
"Yes seriously, kaya umayos ka at itatakas na kita. Kingina hindi ko alam kung paano kita itatakas ng walang galos o hindi masyadong nauuga ang tiyan mo na ngayon alam kong buntis ka!"
BINABASA MO ANG
Mistaken Pleasure ( E D I T I N G )
RomanceWARNING R-18 | S P G | MATURE CONTENT MISTAKEN PLEASURE ( EDITING )