Chapter Six

176 8 0
                                    

Curious

Tahimik ang buong hapag habang kumakain kami. Tanging mga kubyertos at pagnguya lang ng Stuart na to' ang maririnig namin.

He's like a pig ransacking my mother's dish.

Pasimple siyang binubunggo sa braso ni Worth para sawayin pero mukhang wala lang ito sa kanya. Mukhang gutom talaga siya sa pag-akyat dito.

Until now, I'm still bothered by our conversation earlier. Ginugulo nito ang isipan ko kung anong reaksyon niya pagkatapos kong sabihin iyon. Tumalikod na ako sa kanya bago ko pa makita.

Alam niya kaya ang sakit na iyon? Does he know who I am? Tingin ko, oo. He's a soldier. Malamang nadaanan niya na ang mga balita tungkol kay Bellemy Rose--the walking virus.

Pasimple ko siyang sinilip sa harapan ko.

Nasa maliit na mesa kami pero may kalayuan pa rin ako sa kanila. Nasa gitna si Nanay habang silang dalawa ay nasa harapan ko. I mean, si Worth pala ang nasa harapan ko.

Tahimik lang siyang kumakain at ilang sandali ay napapakunot noo saka magbubuntong hininga siya. He's not comfortable.

Aksidenteng napatitig ako sa dibdib at mga braso niya. Damn, ang laki niya. He's like a WWE fighter with those huge chest and biceps.

Kinigat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang ngisi. I imagined him inside a ring doing a round one fight with someone then he got knocked out.

Sumubo ako at pinigilan ang sarili sa pagngiti. Ngumuya ako at napabaling ulit sa kanya.

Nagulat ako nang mahuli siya nakatitig sakin. His thick eyebrows formed into a creased. Naguguluhang ekspresyon ang ibinigay niya sakin na tila napansin ang pagpigil ko.

Umayos ang itsura ko at umiwas ng tingin sa kanya. Hinawi ko ang buhok ko sa mukha at niligay iyon sa likod ng tenga ko bago tumitig muli sa kanya.

Napataas ang kilay ko nang makitang nakaangat na ang dulo ng labi niya na parang may nakitang nakakatawa. He looked down then smiled again. Kinigat niya rin ang ibabang labi niya.

Binalingan ko muna ng tingin si nanay at ang kasama niya na nakatuon lang ang mga pansin sa pagkain.

'What?' I mouthed to him.

He just smirked at me. Pinasadahan niya ng kamay niya ang magulong buhok niya.

'Stop staring' Nakangising tugon niya.

Agad ko siyang pinanlakihan ng mata. Hindi naman ako nakatingin sa kanya, ah. Sulyap lang.

Hinanap ko ang mga paa niya sa ilalim ng mesa at sinipa iyon.

"Uhm.." Kunwaring pagtikhim niya. Gumalaw siya ng bahagya sa upuan niya.

Pinasadahan siya ng tingin ni nanay saka tinaasan ng kilay.

Sumubo ako at tumingin sa plato ko. Patago akong ngumisi sa kanya.

He glanced at my mother then smiled awkwardly. "Ma.. masarap," hirap niyang sambitin.

I almost laughed out loud because of his showy accent.

"Aba syempre, wala akong nilulutong panget ang lasa." pagmamataas ni nanay bago bumalik sa pagkain.

I playfully glanced back at him.

Nakababa na ang isang kamay niya tila inaabot ang binti niyang sinipa ko saka tumaas ang sulok ng labi niya bago tumingin sakin.

He just shook his head before taking another glance at me.

'Stop staring, jingle bells'

Umikot ang mga mata ko sa pagtawag niya. Hindi ko inaasahang matatandaan niya ang tawag nayun pagkatapos ng sampung taon.

See You Soon, Soldier (Ambience Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon