Chapter Twelve

142 4 1
                                    

Song for this chapter: Iris by Goo goo dolls

**

Andromeda

He opened the door and squeezed my hand. Sumilip muna ako roon bago nagpadala sa hila niya. He faced me and held both of my hands to pull me inside.

"A-Are you sure it's safe?" paniguradong tanong ko sa kanya at saglit na tumigil.

"Alam ba nila ang tungkol sakin?" usal ko.

Umiwas ako ng tingin at hindi alam kung saan ibabaling ang tingin ko. Hindi ako mapakali. I'm having a nervous breakdown. Pakiramdam ko sumakit bigla ang tiyan ko at hindi nalang tumuloy.

Umiling siya. Hinigpitan niya ang kapit sa kamay ko at marahang hinila papasok ulit.

"Relax, baby. They will love you. Just be you and you're already making the world so much better."

Pinigilan ko ang pagngiti bago tumingin sa kanya. "You're making it fast again.."

Kumunot ang noo niya. "What?"

"My heartbeat, soldier." usal ko.

Natigilan siya at bahagyang natulala sakin. Umiling siya at ngumisi.

"That makes us even. You do that to me too, jingle bells."

"Ten times stronger.." tugon niya.

Tuluyan niya na akong nahila papasok sa maliit na kwarto. I first saw the golden chandelier hanging on the ceiling. The whole room is surrounded by transparent windows.

Walang laman ang kwartong ito. It was just like a small space with one chandelier and glass windows all around.

Nakikita ko ang mga kakahuyan rito mula sa labas. The night ambience and bonfires' flares outside.

Napasinghap ako. Parang nasa labas na rin ako mula rito.

I heard Worth's chuckle. Hinila niya pa ako papalapit sa mga bintana. Doon ko na namataan ang mga taong nakatingin sa gilid namin.

Napatitig ako sa kanila. They are all standing outside the glass window, staring at me. Ang mga matatanda ay may ngiti sa mga labi, while the children are on the window, leaning their hands on it. There curious and innocent eyes are on me. Ang iba ay kinawayan ako.

May mga hawak silang mga bulaklak. Some are holding baskets and garments of their clothes. May isang matatandang babae na mahaba at puti ang buhok na lumabas mula sa gitna. May baston siyang hawak at naglakad papalapit sa bintana.

She put her hands against the window and gave me a small nod.

Worth gently massaged my fingertips. Napatitig ako sa kanya.

"Ieldra Sol, their elder. She wants to welcome you," His voice was overwhelmed and calm. May taimtim na ngiti sa labi niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Worth pulled me towards her. Tumayo ako sa harapan niya. I glanced at her hand pressed on the window.

Pumunta si Worth sa likuran ko. He stroked my shoulders down to my arms.

Kinigat ko ang ibabang labi ko. I looked at the old woman. She's beautiful even if at her age. They all are. Napansin kong ginaya ng mga bata sa gilid niya ang kamay niya at tumingin rin sakin.

Natawa ako sa ginawa nila. Huminga ako ng malalim bago tinaas ang kamay kong nakapulupot sa gloves para ituon yun sa kamay niya. I felt the glass.

Sumiwalay ang ngiti sa labi ng matanda. Naramdaman ko ang braso ni Worth sa beywang ko. Hindi niya iyon pinulupot sakin. He just held me there.

See You Soon, Soldier (Ambience Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon