Host
"Anak? Bellemy.."
Hindi ko alam kung g
aano ako katagal nakatulog. My head is in pain, I don't want to open my eyes."Bellemy, alam kong gising ka na."
Kapag nagmulat ako parang binalik ko na rin ang sarili ko sa nakakasaklap na buhay ko. Bumalik ang sakit ko. Ang mga pamamaga ng katawan ko, ang biglang pagsakit ng dibdib ko. I'm going to face them all again.
How long will I last this time?
"Anak.."
Sinubukan kong imulat ang mga mata ko. My mother face came in my line of sight. Malungkot na mukha niya ang bumati sakin. Sumikip ang dibdib ko na kalahati lang ng mukha niya ang nakikita ko.
Half of her face is covered again.
Agad kong pinihit ang ulo ko sa ibsng direksyon. I'm tired looking at those faces.
Noong oras na lumabas sa bibig ko ang dugo, alam kong babalik na ulit ang lahat sa dati. Pero sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung kaya ko pa ba. Nakakapagod na.
A tear escaped my eyes. Suminghap ang nanay ko at inangat ang kamay niya.
Doon ko lang napansin ang salamin na nakaharang sa pagitan namin. Nilagay niya ang kamay niya sa salamin.
Bumangon ako. I flinched when I felt the hint of pain in my chest. Natigilan ako dahil roon. Huminga ako ng malalim bago muling sumubok.
Umupo ako at linibot ang tingin sa paligid. Nasa bahay na ulit ako, sa Mount Hundor. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.
I'm in my room. May nakapalibot sa higaan ko na salamin. I looked at my mother. Halata sa itsura niya ang labis na pag-aalala.
Iba na ang suot kong damit. Ito yung sinusuot sakin noon sa hospital. Tumingin ako sa braso ko.
May mga marka roon ng ilang turok ng karayom.
"Nay.." tawag ko sa kanya. Gusto kong maiyak sa nangyari sakin.
I vomit blood but what happened was too much. Masyadong madami ang nailabas ko, hindi pa ako nakakasuka ng ganun karami. Kahit mga luha ko ay dugo na rin.
Huminga siya ng malalim atsaka pumikit. "S-Sinabi sakin ng doktor ang nangyari.."
Nagmulat siya at umiling iling sakin. "Anak.. ang mga sundalo. Pinaglaruan nila tayo," nahihirapan niyang sambit.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Napanganga ako. Umiling ako.
"H-Hindi, nay.. A-Anong sinasabi mo?"
Bumalik sa isipan ko ang boses ni Worth. I never heard his voice so numb and emotionless. I gulped.
"Nay, anong nangyayari?" nalilitong tanong ko. Pakiramdam ko ako nalang ang walang alam. I feel helpless.
Tumayo ako at dinikit rin ang palad ko sa salamin. "Sabihin mo sakin.." I almost begged her.
Nakatitig lang siya sakin at mahinang umiling. Umiwas ako ng tingin, hindi ko alam kung saan papanigin ang ulo ko. I noticed my hands' shaking.
Huminga ako ng malalim at sinubukang hanapin ang katiting na pasensya pa sa sarili.
"Kapag sasabihin ko sayo.. hindi mo kakayanin, Bellemy.."
Umiling ako. Sumasakit na ang ulo sa lahat. Why am I here right now? We're in the beach, at the resort. I was happy. I was okay. I was with Worth.
May humawak sa balikat ng nanay ko. It was Stuart. He looked at me with pity. He's holding a rifle on his hands, fully clothed with his military uniform.
BINABASA MO ANG
See You Soon, Soldier (Ambience Series #1)
Fantascienza(Completed) Bellemy Rose is a walking disease. For a long time, she was held captive by her sickness in isolation. She has no friends, no family, no cure, no doctors to help her, no one--except for her mother. Sent away as a child, she was forced to...