In your eyes
I carefully place Amaranthine on the cradle Worth made for her here. I wrapped her body with the blanket. My finger traced her tiny face and caress her cheek.
"Napakagandang bata..."
Napangiti ako sa sinabi ni Ieldra Sol. Tumingin ako sa kanya na kakapasok lang sa tent namin. Sumalubong sakin ang galak na ngiti niya. Agad kong tinanggap ang kamay niyang nakalahad para alalayan siya papunta kay Amara. Ang isa niyang kamay ay hawak-hawak rin ng isang babae.
The woman gave me a familiar smile. I recognized her on the wedding. She's that curious little girl's mother. Nakunperma ko rin iyon nang sumilip ang isang batang babae sa loob. Lumilinga pa ang mata niya bago natuon sa higaan ng anak ko.
Her mouth opened, her eyes twinkled in adorance. Walang kurap siyang nakasilip sa anak ko at halos humaba ng leeg.
"Sanya..." Her mother called her, waiting for her to come in.
Sanya shyly walked inside. Nahihiya pa siyang umangat ng tingin sakin at patagong nginitian at binago rin ang ekspresyon nang abutin na niya ang kamay ng ina.
Napatawa ako sa inosente niyang kilos. She'll finally meet the thing she was too curious knowing.
"Hija, nagpumilit ang anak kong sumama rito. Pasensya ka na, ha... May pagsutil rin kasi itong bata, at masyadong matanong. Hindi na makapag-antay na makita ang sanggol..." Pabulong na saad ng kanyang ina.
Ngumiti lang ako at umiling. "Wala pong problema. May usapan na kaming ipapakilala ko siya sa anak ko." Bahagyang natawa kaming dalawa bago dinala si Ieldra Sol sa lalagyan ni Amaranthine.
I'm glad Ieldra Sol was getting better. Thanks to Andromeda, she's been treated well, and she has been visiting us, especially Amara, here since we came here after I gave birth a week ago. She was fascinated when she saw her. Hindi siya masyadong nakakapagsalita pero nakikita ko sa mga mata niya ang labis na pagkamangha.
"Kamusta ka? N-Nakakain ba kayo dito? Maayos? Kay tagal na tayong narito... Gusto ko ng bumalik sa i-itaas," she spoke to me.
Hinawakan niya ang kamay kong nakaalalay sa kanya. "Ikaw, hija... Babalik ka pa ba pagkatapos nito?"
Ngumiti ako sa sunod-sunod niyang tanong at pinagmasdan si Amara na mahinding na natutulog. Hinimas ko ang nanghihina niyang kamay at napabuntong hininga naman siya. Napansin kong gusto niyang ginagawa ko ito sa kanya.
"Maayos na po ako. Konting pahinga pa at makakabawi na ako ng lakas. At kailangan po nating sumunod sa militar, Ieldra Sol. Sigurado naman akong hindi na tatagal at makakauwi na rin ho kayo,"
I saw Sanya let go of her mother's grasp and hid to her back. She grabbed her mother's long skirt and eyed Amara.
Tumango-tango si Ieldra Sol. Hinigpitan niya ang kapit sa kamy ko at bumaba muli ang tingin para pagmasdan ang natutulog na prinsesa.
Amaranthine Bella was unexpected. I was so sure that time, it was a boy. We'll have a son. But the world surprised me again. And Worth knew his daughter.
"Pinag-iisipan ko pa ho kung babalik pa ulit ako sa itaas. Marami kaming naiwang gamit roon, pero mas gusto na ng asawa kong sumama na sa kanya pababa ng tuluyan." Dugtong ko.
"Aba, mas nais kong kayo'y makabalik muna roon sa aking tahanan. Hayaan mong lumaki ng ilang buwan muna ang napakagandang sanggol na ito sa katahimikan ng bundok. Mas lalaki siya ng may kagandahang nakikita sa bawat kisap ng mata kapag una na niyang naramdaman ang matiwasay na mundo."
Bumaling siya sakin. "Nararamdaman kong kailangan pa ng bundok na ito ang kanyang anghel," huli niyang sambit bago pinisil ang kamay ko at binitawan.
BINABASA MO ANG
See You Soon, Soldier (Ambience Series #1)
Ciencia Ficción(Completed) Bellemy Rose is a walking disease. For a long time, she was held captive by her sickness in isolation. She has no friends, no family, no cure, no doctors to help her, no one--except for her mother. Sent away as a child, she was forced to...