Come what may
I didn't know what happened after I spoke those words. My whole vision turned into a blur. I heard Andromeda and my mother called me. Hindi na ako nakasagot pa nang naramdaman ko nalang ang sarili na bumagsak.
Umikot ang buong paningin ko.
A pair of familiar arms caught me and that's all I can remember before completely passing out that night.
Umungol ako at nagmulat ng mata. Tumama ang sikat ng araw sa mukha ko.
"Hey,"
I grunted before moving my body up. Umupo ako at naabutan si Andromeda na nakangising nakatingin sakin. Mukhang kakagising lang rin niya sa itsura niya.
"We need to stop meeting like this. Come on, I cooked breakfast."
Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. Namamaga ang mga braso ko at pumipitik ang dibdib ko. Lumipad ang kamay ko sa bibig ko.
Tumayo ako at mabilis na tumakbo papunta sa banyo.
"Bellemy?"
Sumunod sakin si Andromeda.
Mahigpit akong napahawak sa gilid ng lababo at sumuka ng dugo. Andromeda gasped behind me.
I don't know how much I vomitted this time but it's not that much like the first time. Pinihit ko ang gripo ng lababo. Hinimas ni Andromeda ang likod ko. "I-It's okay."
Bahagyang pumiyok ang boses niya. Hinabol ko ang hininga ko nang matapos. Lumanghap ako ng ere at pumikit. Napaubo ako.
Hinabol ko muna ang hininga ko bago nagmulat. I heavily sighed when I saw myself in the small mirror on the sink.
I looked terrible.
Umiling ako at umiwas ng tingin roon. I grabbed a tissue and wiped the blood of my mouth. Naghilamos rin ako at nagpahid.
Nagpakawala ako ng buntong hininga at pinitay ang gripo bago tumalikod patingin kay Andromeda. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti na parang walang nangyari.
"Good morning! Tara na," Hinawakan ko ang braso niya at hinila na siya papalabas.
Bahagya siyang natigilan bago nagpagpaubya sa hila. She let out a sigh.
Lumingon ako sa kanya. "What happened last night, Andromeda?"
Napatingin siya sakin at umiling.
"Last two nights ago, Bellemy. Some of the soldiers were persuaded to fight. Pero may iba pa ring nagsialisan."
Mahinang tumango ako. That's understandable, whatever their decision will be.
"Nag-uumpisa na silang magplano. Ang iba sa mga grupo ay nagbabantay daanan patungo rito. My uncle and some of the teams will stay here." saad niya.
"Two nights ago," pag-uulit ko.
"It's starting to target your brain. I also scanned you last night and," Kinigat niya ang ibabang labi niya. "your lungs are failing.."
Humina ang boses niya nang sabihin iyon.
Nakarating na kami sa lapag. I glanced at the window and saw the soldiers. They are walking around the hills. May iba sa kanilang nakatingin sa lumalabas na araw habang nakapamulsa sa taas ng burol.
There were some holding their bags. Sumaludo sila sa isa't isa bago umalis ang may dalang mga gamit. Nakikita ko sa mga mata ng umalis ang takot para sa kasama niya. Tumigil siya sa paglalakad at binalikan ang kasama para yakapan.
BINABASA MO ANG
See You Soon, Soldier (Ambience Series #1)
Научная фантастика(Completed) Bellemy Rose is a walking disease. For a long time, she was held captive by her sickness in isolation. She has no friends, no family, no cure, no doctors to help her, no one--except for her mother. Sent away as a child, she was forced to...