CHAPTER 5
Yumi’s POV
“Don’t get me wrong here Yumi. I’m doing this not for your family and neither for you. I’m doing this because hindi pa pwedeng mawala ang daddy mo nang hindi pa niya nararanasang mawala ang lahat sa kaniya. That includes you, his precious princess” Those words hit me like a dagger and I felt tears down my cheeks again.
“Now, I’m giving you a choice. Sabihin mo sa mommy mo at sa mga kapatid mo ang sinabi ko sayo and kalimutan na natin ang operation ng daddy mo, or you shut up and be a good wife at may chance pang madugtungan ang buhay niya” Hindi ko na kaya ang sakit na dulot nang bawat salitang binitawan niya.
“Ano ba ang gusto mong mangyari? Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagkakaganito!” I wanted to hit him pero bago ko pa nagawa yun, he grabbed my wrist so tight na nasasaktan na ako. Kaya naman napangiwi na lang ako.
“I gave you a choice Yumi and it seems like you have already decided. Bumaba ka na at aalis na ako. Good luck na lang sa operation nang daddy mo” He said coldly at lumuwag naman ang pagkakahawak niya sa akin.
I was dumbfounded by what he said. Hindi pwedeng hindi maoperahan si Daddy. Baka mamatay siya. “No!” I looked down in defeat. “Please, kailangan naming ang pera para sa operation ni daddy” hindi na ako nakapag-isip nang matuwid. What is important for me right now is daddy’s operation.
Ngumiti siya na para bang nanalo. “Good. Madali naman akong kausap e. Let me get this straight Yumi. You will do everything I want, hindi ka magrereklamo sa kung ano man ang gagawin ko, at ano man ang gagawin ko sa’yo” I just nodded in agreement.
“Punasan mo nga yang luha mo at baka isipin pa nang pamilya mo, pinapaiyak kita” Mas lalo namang tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya. Talaga naman kasing pinapaiyak niya ako.
“Ano ba Yumi?! Ginagalit mo ako e. Ipagpatuloy mo yan at talagang tatamaan ka sakin. Ang arte-arte mo, hindi ka naman inaano” He added.
Hindi na ako makapg-isip nang mabuti. Ang tanging tumatakbo na lang sa isip ko is that I married somebody who is worse than the devil.
I composed myself and nang napigilan ko na ang pag-iyak, binuksan ko na rin ang pinto sa passenger’s seat.
Dumeretso na kami papasok nang ospital. Pagdating namin, nakita ko si mommy na nakaupo, at halos kakatapos lang umiyak, kasama ang tatlo kong kapatid.
Nang malapit na kami, naramdaman ko naman na kinuha ni Red ang kamay ko at hinawakan iyon.
“Mommy!” I called my mom at tuluyan na siyang umiyak at yumakap sa akin.
“Mom, please don’t cry. Ayokong magkasakit ka rin. You have to be strong for daddy”
“Mommy” Red called my mom “naipaasikaso ko na po sa secretary ko ang lahat. Don’t worry po about the operation. Ako na po ang sasagot. Ang importante, gumaling si daddy kaagad”.
My mom faced Red and gave him a big hug “Thank you talaga hijo. Hindi ko alam kung anong gagawin namin kung wala ka. Takot na takot ako para sa daddy ninyo. Akala ko hindi na natin makasama si Salvador.” My mom cried again. Dinaluhan naman siya naming magkakapatid.

BINABASA MO ANG
My Sweet Nightmare
General FictionPeople think that I’m the luckiest because I get to be Mrs. Red Saavedra. I thought so too. Red is my dream come true. Yes, he was, until he became my sweet nightmare. A very sweet dream covered by the shadows of a nightmare. At dahil nakatali na s...