CHAPTER 8

5.5K 96 2
                                    

CHAPTER 8

Red’s POV

Iniwan ko si Yumi sa kwarto. Alam kong nasaktan ko siya. Alam kong g*go ako dahil siya ang pinagbabayad ko sa kasalanan nang tatay niyang mamamatay tao. Pero ito lang ang tanging paraan na alam ko upang makaganti kay Salvador Enriquez.

Pinaalis ko na muna si Liz sa bahay pagkatapos ng nangyaring gulo. Ayokong masira ang lahat ng mga plano ko ng dahil sa kanya. Hindi pa oras para malaman ni Yumi ang lahat ng mga plano ko. Habang nandito si Liz, pwede itong masira at baka hindi pa matuloy kung masabi pa niya ito kay Yumi.

Dumeretso ako sa banyo upang maligo dahil kailangan ko nang bumalik ng opisina. Isang linggo din akong hindi nakapasok dahil sa kasal namin ni Yumi.

Pagpasok ng banyo, nakita ko ang lalagyan ng tubig at ang bimpong ginamit ni yumi sa pagpunas sakin kagabi. Naalala ko ang kanyang pag-iyak habang pinupunasan ako kagabi. It wasn’t hard to make her fall in love with me dahil una pa lang ay nagandahan na ako sa kanya. She always sees the positive side of life. Maganda, matalino, masayahin, maalaga. Halos lahat ng gusto ko sa isang babae, nakita ko na sa kanya maliban na lang sa isa. Dahil anak siya nang taong pumatay sa tatay ko.

Kinuha ko ang lalagyan ng tubig at bimpo at malakas na ibinato sa sahig kaya ito nabasag. Dito ko na ibinuhos lahat ng natitira kong galit.

----------

Yumi’s POV

                Gusto kong tumawag kay Mommy, gusto kong itanong ang mga bagay na matagal ko nang gustong itanong sa kanila ng daddy. Bata pa lang ako, naririnig ko na ang mga sabi-sabi ng iba tungkol sa daddy ko pero hindi na ako nagtanong pa dahil nangako ako kina mommy’t daddy na hindi ko na uungkatin ang mga bagay tungkol dito. Matagal ko ng nakalimutan ang tungkol dito, pero bakit ngayon, asawa ko na ang pilit na nagsasabing mamamatay tao ang daddy ko?

                Nakarinig ako ng katok galing sa labas ng kwarto.

                “Yumi, Pwede ba akong pumasok? Nakaalis na si Red” Dinig kong sabi ni Aling Teresita.

                “O-opo manang, pasok po kayo” Agad kong pinunasan ang luha ko at pilit pinapakalma ang sarili. Agad ding pumasok si manang pagkasabi ko.

                “Manang…” Bigla ko siyang niyakap at niyakap naman ako ni manang upang gumaan ang pakiramdam ko.

                “Pasensya ka na Yumi, sinubukan ko namang pagsabihan si Red na huwag ka ng saktan pero ayaw pa rin papigil” Nakita ko ang bakas ng lungkot sa mga mata ni Manang Teresita. “Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito. Mabait na bata si Red. Simula ng pumasok ako dito bilang katulong higit sampung taon na ang nakalipas, hindi ko pa siya nakitang magalit gaya nang galit niya sa iyo” Dagdag pa niya.

                “Ako din po manang. Isang araw, bigla na lang siyang nagbago. Tinatanong ko naman siya kung anong nagawa kong kasalanan, hindi niya naman sinasabi. Palagi niya na lang binabalik sa akin na may kasalanan sa pamilya niya ang daddy ko” Sumbong ko kay manang.

                Tiningnan ni Manang Terestita ang mga pasa at sugat ko sa mukha at braso. Nakita ko sa kanya ang panlulumo. Halos ayaw ko din tingnan ang sarili ko sa salamin dahil alam kong may sugat ako sa labi at malamang may pasa din ako sa mukha. Tinulungan ako ni Manang na magamot ang mga sugat ko kaya laking pasalamat ko na kahit papaano ay gumaan din ang pakiramdam ko.

                “Yumi, pasensya ka na ha. Gusto sana kitang tulungan pero utos kasi ni Sir Red na wag kang palabasin ng gate at wag kang hayaan na gumamit ng telepono. Naaawa na kasi ako sa iyo hija”. Nahihiyang sabi ni Manang sa akin.

My Sweet NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon