Chapter 11
I realized that if I would like to make things better, I should be a good wife to my husband. Gagawin ko ang lahat to make him feel na may nagmamahal pa rin sa kanya. Na kaya ako nagpakasal sa kanya, ay dahil sa mahal ko siya.
Bumaba ako galing kwarto para simulan na ang misyon ko. Siguro nga pinakasalan ako ni Red hindi dahil sa mahal niya ako, kundi dahil sa gusto niyang maghiganti, pero hindi ibig sabihin ay hanggang galit lang ang pwede niyang maramdaman para sa akin. Pwede naman na balang araw ay mahalin niya rin ako. As what they say, there’s always a thin line between love and hate.
Dumiretso ako sa kusina at nakita kong nagpupunas nang counter top si manang. Kakatapos lang ata niyang magdisplay ng mga prutas na binili ng isang katulong galing sa palengke.
“Hija, may kailangan ka?” Bati sakin ni manang nang makita niya ako sa pinto ng kusina. She was looking at me while wiping the counter top.
“Manang, pwede pong tumulong?” Tanong ko
“Ah e, baka kasi magalit si Sir Red” She looked apologetic.
“Sige na manang. Wala kasi akong magawa. Bored na talaga ako” I insisted “Ummm… manang, di po ba Pocherong baboy yung paboritong ulam ni Red?” I asked. She looked at me na para bang nagtatanong kaya nagsalita ulit ako.
“Gusto ko po sanang magluto ng pocherong baboy, manang. May mga ingredients po ba tayo diyan?” Lumapit ako sa kaniya.
“Sigurado ka? Kakarating lang kasi ni Lenny galing palengke at may mga binili siyang prutas at gulay kanina. At saka may stock na din tayong baboy at manok sa loob ng ref. Teka, tingnan ko muna kung kumpleto ha” Agad niyang binitawan ang basahang ginamit na pampunas at agad na dumeretso sa ref. Isa-isa niya ring kinuha ang mga kakailanganin ko sa lulutuin ko.
“Thank you po dito manang” I smiled at her habang nakataas ang isang bugkos ng pechay na binigay niya.
She smiled back. Masaya ako at nakakasundo ko siya. Mailap pa rin sa akin ang ibang mga katulong at tanging si manang teresita lag ang talagang kumakausap sa akin. “Walang anuman hija. Alam kong masarap yan kasi mukhang napaka excited mo”
“Sana nga po manang, magustuhan ni Red” Binukasn ko ang isang notebook na kung saan nakasulat ang iba’t ibang recipe ng lutong bahay na pinagtyagaan kong isulat ng nagpapaturo ako kay mommy na magluto ng bata pa ako.
As the saying goes, a way to a man’s heart is through his stomach. Kaya kahit na alam ko na masarap akong magluto dahil sabi ng mommy ko, sinigurado kong mas masarap ang lulutuin ko upang masarapan talaga si Red.
It took me a few hours to finish the dish from the preparation until the cooking. Kahit na napagod talaga ako, masayang-masaya naman ako sa accomplishment ko.
Ilang oras din ang lumipas bago dumating si Red. Kahit na medyo pagod ako dahil sa pagluluto, I decided to stay at the kitchen and wait for him to eat. I want to see him eat and enjoy my dish.
Sinalubong si Red ng isang katulong ng dumating siya. He went upstairs on his room upang magbihis siguro. Medyo matagal din bago siya bumaba. Nabuhayan naman ako ng pumunta siya ng dining area.

BINABASA MO ANG
My Sweet Nightmare
Ficción GeneralPeople think that I’m the luckiest because I get to be Mrs. Red Saavedra. I thought so too. Red is my dream come true. Yes, he was, until he became my sweet nightmare. A very sweet dream covered by the shadows of a nightmare. At dahil nakatali na s...