CHAPTER 10

5.6K 107 6
                                        

CHAPTER 10

Yumi’s POV

Ilang araw din na hindi ako pinapansin ni Red. Gusto ko sanang subukang kausapin siya ngunit hindi ko naman alam kung paano dahil natatakot akong muling masaktan niya.

“Yumi, hija, gising ka na ba? Si Manang Teresita ‘to. Pwede ba akong pumasok?”

“Opo manang” I was just cleaning my room kaya pinapasok ko na agad si Manang.

“Ano po yun manang?”

“Ok ka lang ba hija? Hindi ka na ba sinasaktan ni Sir Red?”

“Hindi na po manang. Simula ng muntik na silang mag-away ni Louie, mula ng araw na yun, hindi na niya ako sinasaktan. Kaya lang manang, hindi niya rin po ako pinapansin” I smiled at her. Naging panatag na ang loob ko kay manang simula pa nang dumating ako ng bahay. Siya na rin ang nakakausap ko tungkol sa mga nararamdaman ko. Hindi naman kasi ako pwedeng lumabas. Hindi din ako pwedeng gumamit ng telepono. Wala din namang naglalakas-loob sa mga katulong na magpahiram, ng cellphone sa akin.

“Hija, may ipapakita ako sa’yo” Excited na sabi sakin ni manang.

“Ano po yun, manang?” Takang tanong ko.

May kinuha si manang galing sa bulsa niya. Nagulat ako ng makita kong isa pala itong Nokia 3310.

“May cellphone na po kayo manang?” Hinawakan ko ang dalawa nyang kamay.

“Pasensyahan mo na hija at yan lng nakayanan ko. Alam ko na kailangan mo kaya binili ko kaagad ng nakuha ko yung sweldo ko. Naaawa na kasi ako sa’yo hija. Alam kong miss mo na ang pamilya mo at ang mga kaibigan mo. Kaya ako bumili nito upang magamit mo” Nagulat naman ako sa sinabi ni manang. Hindi ko akalain na gagawin niya yun para sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit.

“Manang, may problema po tayo. Mahina po kasi ako sa memorization. Wala po akong maalalang number. Hehe” nagkamot na lng ako ng ulo.

“Sa inyo na po muna ito manang baka kasi makita ni Red at pati po kayo ay madamay. Ayoko pong mangyari yun” Iniabot ko kay manang ang cellphone.

“Sige hija, itatago ko na lang muna ‘to pero sabihan mo ako kung gusto mong gamitin ha. Mas maganda siguro, ‘wag na lng nating sabihin sa ibang mga katulong na may cellphone ako at baka may magsumbong. Marami kasing mga sipsip dito” Ngumiti na lng ako at tumango. Tama si manang. Dapat ay mag-ingat kami baka kasi dalawa na kami ang mapahamak.

“Sige hija, labas na muna ako at titingnan ko na yung mga niluluto ko” Pagpapaalam niya

“Cge po manang. Salamat po talaga sa tulong ninyo” Agad ko naman siyang niyakap muli.

May cellphone nga, pero sino naman ang tatawagan ko? Sino naman ang pwede kong kausapin?

               

Dahil sa wala akong cellphone the past few days, hindi ko malaman kung kumusta na si Daddy. Una’t huli ko siyang nakita ng sabay kaming pumunta ni Red sa ospital nung araw din na dinala siya dun.

Naalala ko ulit ang Daddy. Alam kong gustong-gusto niya si Red. Ano na lng kaya ang magiging reaksyon nito  pag nalaman niya ang pinanggagawa ni Red? I shrugged the idea. I don’t want to be the cause of my Dad’s misery. Ayoko din na bigyan pa ng problema ang mga kapatid ko lalo na si Mommy. Matanda na rin siya at baka hindi niya kayanin kung malaman niya ang nangyayari sa akin.

My Sweet NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon