CHAPTER 1

13.8K 140 4
                                        

CHAPTER 1

Flashback     

        “Bang!”

        Isang nakakabinging putok ng baril ang narinig sa loob ng opisina ni Mr. Salvador Enriquez, isang tanyag na negosyante sa Pilipinas na siya namang nagmamay-ari ng Enriquez Landholdings Incorporated.

        Napatakbo ang lahat papunta sa opisina, ngunit bigo silang lahat na buksan yun dahil sa nakasarado ito kaya kailangan pa nilang sirain ang pinto ng kwarto.

        Nagulat ang lahat nang pumasok dahil kitang-kita nila ang isang tulalang Mr. Enriquez na hawak-hawak ang isang baril at nakaluhod sa tabi nang isang nakahandusay at duguang lalaki.

        “My God! Tumawag kayo ng ambulansya!” Sigaw ng sekretarya ni Mr. Enriquez.

        Agad namang tinapon ni Mr. Enriquez ang baril at tiningnan ang mga duguang kamay. Tumingin naman ito sa mga taong nakatingin  din sa kanya na balot ng pagtataka, takot, at panlulumo.

        Agad namang tumawag ng ambulansya ang isa sa mga empleyado.

        “No. What you’re thinking is wrong! I did not do this! Ronaldo, gumising ka! Sabihin mo sa kanila kung ano talaga ang nangyari?” Pagmamakaawa ni Mr. Enriquez.

        Agad namang dumating ang ambulansya at mga pulis at dinala sa ospital si Ronaldo samantalang sa isang malapit na presinto naman si Mr. Enriquez.

        Ilang oras din na inimbestigahan si Mr. Enriquez. Kinasuhan  siya ng homicide sa kadahilanang patay na nang makarating si Ronaldo sa ospital. Naging headline ng balita ng ilang araw din ang sinasabing pagpatay ng isang mayamang negosyante sa isang hamak na magsasaka. Ang tinitingnan nilang anggulo nung lumabas ang imbestigasyon ay ang pagtanggi ng biktima sa pagbenta ng kanyang lupain na plano sanang pagtayuan ng isang malaking resort ng kompanya ni Mr. Enriquez, ang Enriquez Landholdings.

        Gusto niya sanang iakyat ng pamilya ni Ronaldo sa murder ang kaso ngunit tumanggi ang prosecutor dahil daw sa walang matibay na ebidensya na nagpapatunay sa motibong pagpatay dahil sa magkaibigan naman daw ang dalawa bago pa nagyari ang insidente.

 

------

        “Ayon sa abogado ni Mr. Enriquez ay agad daw silang mag-ffile ng motion to bail upang magkaroon ng pansamantalang kalayaan si Mr. Enriquez habang umuusad ang kaso. Hindi naman daw malayong mapagbibigyan ang kampo ng nasabing negosyante dahil sa isang bailable offense ang homicide. Ngunit, kung mapapatunayang may sala si Mr. Enriquez sa pagpatay kay Mr. Ronaldo Gustilo ay maari siyang mahatulan nang mula sa 12 hanggang 20 years na pagkakabilanggo” Saad nang reporter sa flash report.

        Agad namang humagulgol ang isang babae na dinaluhan ng iilang taong nakiramay sa burol ni Ronaldo, pagkatapos marinig ang flash report.

        “Hindi pwede! Hindi ako papayag na pagkatapos nang ginawa nang hayop na iyon sa asawa ko ay malaya pa rin niyang makakasama ang pamilya niya. Hindi ako papayag! Wala na si Ronaldo, wala na ang itay mo Andrea, wala na siya! Paano na tayo? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mahal na mahal ko si Ronaldo” Isa-sang nagpatakan ang luha ni Editha, asawa nang namayapang si Ronaldo.

        “Nanay! Huhuhu” Umiyak na rin si Andrea.

        Naiburol na rin si Ronaldo pagkatapos nang halos isang linggo. Desedidong ipagpatuloy ni Editha ang kaso kahit na sabihin pang napakalakas nang kakalabanin niya.

        Ngunit nabigo siya. Halos isang taon din tumagal ang kaso laban kay Salvador Enriquez, ngunit pumanig ang mababang hukoman sa negosyante dahil daw sa hindi matibay ang ebidensiya laban kay Enriquez nang walang makitang gunpowder residue sa mga kamay nito nung sinagawa ang tests nung araw din na dinala siya sa presinto. Hindi natinag si Editha at pingpasayahang iapela ang kaso. Ngunit, bigo pa rin ito. Pinanigan nang Court of Appeals at nang Supreme Court si Enriquez at tuluyan na rin itong napawalang-sala sa pagpatay kay Ronaldo.

        “Magbabayad sila! Hindi ako papaya na mapupunta sa wala ang pagkamatay nang asawa ko. Sinira niya ang pamilya natin, Andrea. Kung hindi man papanig ang hustisya sa atin dahil sa pera nang hayop na iyon, pwes! Ako ang gagawa nang paraan upang makamit natin ang hustisya dahil sa pagkawala nang itay mo” Agad na niykap ni Editha ang anak na si Andrea habang umiiyak silang dalawa sa puntod nang namayapang si Ronaldo.

        “Tatay! Mahal na mahal ko po kayo” yun lang din ang nasabi ni Andrea habang dinadaluhan ang kanyang Nanay.

-----------

To be continued… 

My Sweet NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon