CHAPTER 7

5.1K 97 1
                                    

CHAPTER 7

Red’s POV

         “Parang awa niyo na po. Bigyan niyo pa po kami nang konting panahon. Maawa po kayo sa pamilya namin, sa mga anak ko” Kitang kita kong nakaluhod si Nanay na nagmamakaawa sa sheriff na naghain nang notice sa amin.

        “Pasensya na po kayo ma’am ngunit naipalabas na po nang korte ang desisyon at inuutusan na po kayong umalis dito. Mahaba na rin po ang limang taon na ibinigay sa inyo upang mabayaran ang mga utang ninyo sa bangko. Ayaw ko man po na paalisin kayo kasi may mga anak din ako, ngunit ako naman po ang makukulong kapag hindi ko po matutupad ang utos nang korte.” Pagpapaliwanang nang sherrif sa nanay ko. “Mabuti pa po, ligpitin niyo na ang mga damit ninyo para hindi na po kayo mahirapan. Pasensya na po kayo ma’am [note: If the sheriff fails to execute the decision of the court in an ejectment proceeding, the winning party may file a case against the sheriff, who may face contempt charges].

        Tuluyan kaming napalayas sa aming tinitirhang bahay na nakuha nang bangko kasama na rin ang aming sakahan. Dahil sa ang mga malapit naming kamag-anak ay kasalukuyang nasa Mindanao, napilitan kaming mangupahan sa isang mumurahing barong-barong malapit sa paanan nang bundok.

        November 1995 nang tumama ang bagyong Rosing sa Pilipinas. Hinding hindi ko malilimutan ang araw na iyon dahil sa iyon din ang araw na nawala ang lahat sa akin.

        “Nay, ang lakas po ng ulan. Parang bibigay na po ang bubong natin. Huhuhu” Iyak na sumbong ng Ate Andeng  ko.

        “Samahan mo muna si Rap-rap. Wag mong iwan. Rap, pumasok muna kayo nang ate mo sa loob” Utos samin nang nanay.

        Agad naman kaming sumunod ng ate ko. Pagpasok namin sa kwarto, isang malakas na hangin ang humampas sa aming bahay na naging sanhi nang pagtuklap nang aming bubong. Agad naman kaming tumakbo nang ate pabalik sa nanay.

        Iyak kami nang iyak ni ate. Niyakap kami nang nanay nang makarinig kami nang parang mga nahuhulog na bato galing sa bundok, agad kaming hinila nang nanay palabas nang bahay. Dahil sa pagmamadali, hindi namalayan ni nanay ang nakausling kahoy sa sahig kaya napatid siya. Mabilis naman akong tinakbo ni ate palabas nang bahay.

        “Rap, tumakbo ka hanggang sa makaya mo. Babalikan ko ang nanay” Utos sakin nang ate.

        “Ate, sasama ako sa iyo” Pagmamakaawa ko sa nanay.

        Kumawala si ate sa pagkakahawak ko at bumalik sa aming bahay. Kitang kita ko kung paano natabunan nang mga naglalakihang bato ang bahay namin kasama na rin ang ibang bahay sa tabi. Alam kong nandun pa sa  loob sina Nanay at Ate. Nakita ko rin ang ibang mga taong nadaganan nang naglalakihang bato kaya sa sobrang takot, tumakbo ako gaya nang utos sakin nang Ate.

        “Nanay! Ate!” Umiiyak akong tumakbo nang hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nakita ko rin ang ibang mga kapitabahay namin na tumatakbo din palayo sa mga naglalaglagang lupa’t bato galing sa taas nang bundok.

        “Nanay! Ate! Huhuhu! Nanay ko, Ate ko! Tulungan nyo po kami!” Hindi ko na alam kung saan na ako nakarating.

        Ilang oras din akong lakad-takbo habang umiiyak. Hindi ko na alam kung gaano kalayo ang tinakbo ko. Napag-alaman ko na lang na napadpad na pala ako sa highway. Ngunit takot pa rin ang nangibabaw sa akin dahil ni isang sasakyan ay wala namang dumadaan. Duda pa nga ako na may magpapasakay sa akin dahil sa itsura ko. Purong putik at sugat ang maaaninag sa akin.

        Umuulan pa ngunit hindi naman masyadong malakas. “Wala na ang nanay, wala na ang ate” Isip ko.

        Giniginaw na ako ngunit wala pa rin akong makitang pagsisilungan. Ilang oras na akong naglalakad nang hindi man lang kumakain o kahit man lang umiinom hanggang sa nakaramdam ako nang hilo…

----------

        Nagising ako nang may narinig akong sigawan mula sa labas. Masakit na masakit ang ulo ko nang dahil sa naparami ang nainom ko kagabi. Ramdam ko rin ang sobrang pawis nang dahil sa panaginip ko. Lahat na yata naghalo kaya galit akong lumabas nang kwarto.

        Nagulat ako nang pagbaba ay nakita kong nag-aaway sina Liz at Yumi. Pareho nilang hawak ang buhok nang isa’t isa. Pilit naman silang inaawat nang mga katulong ngunit hindi pa rin sila matinag.

        “Malandi ka! Aaaah! Stay away from my husband! Let go of me b*tch!” Sigaw ni Yumi.

        “Aaaah! You’re the b*tch! I pity you! You want to know the reason why Red married you? You’ll never like it!” Sagot naman ni Liz.

        Agad akong tumakbo papunta sa kanila at umawat nang marinig ko ang mga binitawang salita ni Liz. “Mayumi, Elizabeth! Stop it you two if you don’t want me to kick the both of you out of my house!” Buti naman at nakawala rin ang buhok nang isa’t isa. Gulong-gulo ang mga buhok nila pagkatapos nilang maawat.

        Nasa tabi ako ni Liz pagkatapos nilang maawat kaya bigla niya akong niyakap. “Murderer’s daughter!” Nagulat ako nang sabihin ni Liz kay Yumi yun.

        Nakita ko rin ang namuong galit sa mukha ni Yumi. Agad niyang sinugod si Liz at akmang sasabunutan niya ulit ito ngunit maagap kong kinuha ang mga kamay niya at hinila siya paakyat. Tiningnan ko pa si Liz at pinagsabihan “You, stay there!” At patuloy kong kinaladkad paakyat si Yumi.

        “Ano ba Red! Please, bitawan mo na ako. Nasasaktan ako!” Pagmamakaawa ni Yumi.

        Pabalibag ko siyang tinulak papasok nang kwarto niya. Sa sobrang lakas, kitang-kita ko ang pagbangga nang balikat niya sa dresser. Agad naman siyang napangiwi at hinawakan ang tumamang balikat. Akmang sasampalin ko na sana siya ngunit tinaas niya ang mga kamay niya at nagmakaawa. 

        “Tama na Red, please” Pagmamakaawa niya.

        “Ang aga-aga, ang ingay-ingay ninyo. Masakit na nga ang ulo ko, dadagdagan mo pa” Dinuro ko siya.

        “Pero hindi naman ako nagsimula Red, lumaban lang ako. Sinabihan niyang murderer ang daddy. Hindi naman totoo yun. Hindi totoo yun Red!” Paliwanag ni Yumi. She was sitting on the floor and hugging her knees beside the dresser where her shoulder was hit.

        Nang marinig ko ang sinabi ni Yumi, mas nadagdagan ang init nang ulo ko. I rushed to her, grabbed her from her hair and slapped her hard she fell on her bed. Nakita kong hinwakan niya ang nasampal niyang pisngi. Bago ko pa siya masaktan nang tuluyan, napag-isipan ko na lumabas na lng ng kwarto. Pero bago pa man ako makalabas nang tuluyan, bumalik ulit ako sa kanya and grabbed her arm bringing her to sit on her bed.

        “Everything she said is true. Your father is a murderer. He might have gotten away from justice, but I will make sure, he will also feel the pain of losing that person he loves so much it’s going to kill him little by little” Then I pushed her back on the bed.

 

To be continued…

---------

A/N: Awwww… vacation’s over. Back to being a student na. Hope I can update as frequent as I wish I could (like once a day)… Thanks sa more than 10 na nag-read at 2 na nag-add sa reading lists nila… Masaya talaga ako everytime I check kasi nadadagdagan ang nag-rread kahit paisa-isa lang. At least may nag-rread other than myself. Hehehe… Seriously, thank you, thank you… Labyu all… :) 

My Sweet NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon