Simula

24 4 0
                                    

DISClAIMER:This is a work  of fiction,names,characters,business,places,events,locates, and incidents are either the products of the authors imagination or used to a fictitious manner.Any resemblance to actual person living or dead or actual events  is purely coincidential.

Expect typographical and gramatical errors.

                     
                       ***

                     
                      NAZ

Maaga akong umalis ng bahay  para sundin ang sinabi sa akin ni Ate Ac.Hindi pa huli ang lahat para ipaglaban ang meron kami.Gagawin ko ang lahat huwag lang siya mawala sa sa'kin pero sana  ganun din siya.

Hindi na ako nagpakaayos-ayos pa ng sarili para maabutan ko pa siya.Sinuot ko na din ang attire ko mamaya sa kasal ni ate baka kasi kulangin sa oras para diretso na din ako.

Ngayon ang alis nila,papunta silang ibang bansa.Pagbaba ko ay madami ng  bisita sa amin  uso kasi dito sa batangas ang   mga nanunulungan.

"Ohh Nazario masyado ka naman atang excited alas singko pa lang ng umaga,ala una ang kasal ng ate mo,"sabi nga ba at mapapansin pa din ako ni Mama kahit busy siya sa pagtulong sa pagluluto.

Ewan ko ba dito kay Mama minsan talaga hilig niya akong tawagin sa pangalan na 'yun.

"Alam ko naman po Ma,may kailangan lang po akong puntahan,"pagpapalaam ko,sana payagan ako lord.

Nakapikit pa ako habang humihiling sa isip baka kasi hindi ako payagan kasi kasal pa ngayon ni ate.

"Sige na anak,basta siguraduhin mong aabot ka sa kasal ng ate mo ha.Teka saan ka ba pupunta?O mas maganda siguro kung  sino ang pupuntahan mo?"tanong  ni Mama

"Sa airport po ,alam na naman po ito ni Ate.Saka yung kotse  iniwan ko na lang kaya magcocomute ako,"inaayos ko ang buhok ko dito sa salamin  malapit sa dining area namin habang nakikipag-usap kay Mama.

Oo,sinanay ko na ang sarili ko na itawag na din ay Mama feeling ko kasi pang sobrang yaman lang 'yung Mommy na kinagawian namin dati nung nasa puder pa kami ni Daddy.

Lumapit ako kay Mama at nagmano.Isa yan sa mga bagay na natutunan ko kay ate sa sampung taon na  magkasama na kami dito sa bahay.

"Mag-iingat ka anak,Text na lang kita mamaya,"tumango at naglakad na.

Lumaki ako sa puder ni Daddy Samuel,dad pa din ang tawag ko sa kanya.Medyo  nasanay ako nu'n sa marangyang buhay pero nung bumukod kami nina ate  sobrang dami kong narealize.

Hanggang ngayon wala pa din naman kaming balita sa tunay naming ama saka wala pa kaming oras para hanapin siya.

Mabuti na lang at may  dumadaang sasakyan dito sa labas ng bahay namin.Paglabas ko pa lamang ay may dumaan na agad na trycicle.Di naman uso dito ang taxi kasi probinsya ito.

Pinara ko ang trycicle at tumigil si Manong.

"Boss pede po ba magpahatid hanggang sa sakayan papuntang airport?"tanong ko sa kanya.

"Mukha naman  ho na hindi kayo papuntang airport mukhang may pupuntahan  kayong kasal,"napansin pa niya talaga ang suot ko   at  masama ba magpuntang airport na ganito ang suot.

Love Works That WayWhere stories live. Discover now