Ilang linggo na din matapos ang Sport fest at medyo pahinga na kami sa gawain.At dahil wala nga kaming masyadong ginagawa madalas na nakakasama ko si Naz at ang dami naming nadidiskubre sa isa't isa.
Vacant na ulit namin dahil may pinuntahan ata ang aming prof.And I'm sure mas mahalaga 'yun sa amin.Kelan ba kami naging mahalaga?Char.
Lumapit sa akin si Bea kapag wala kasi siyang magawa ay lagi niya akong dinadaldal.
"Uy!San ka pupunta?"nakatayo na kasi ako at paalis na .
"Kay Naz lang ibabalik ko lang 'tong book na hiniram ko.Tapos ko an din kasing basahin."
Sa tuwing vacant namin hindi sumasama si Bea sa'min ni Naz kaadikan kasi niya sa Kdrama.
Minsan nga nag-skip siya ng lunch matapos lang ang lahat ng episodes.
Hilig talaga naming dalawa ang manuod ng K drama at ang sa akin naman ay nakakapagpuyat ako hindi naman ako nag-skip ng pagkain.Hindi ko matitiis hindi kumain.
"Hindi nga,akala ko kasi aalis n naman kayong dalawa.At eepal muna ako kasi namiss ko na ding makasabay kayo sa pagkain.At alam mo ang gwapo talaga ni Ji-Chang Wook at tapos ko na ang palabas niya."
Kaya pala sasama na tapos na niya.
"Sige mamaya kapag lunch na.Saka du'n lang ako ang lapit lang sis."
Tinuro ko ang kinauupuan ni Naz na as usual wala naman siyang ginawa kundi magbasa.
Lumapit ako dala-dala ang libro niya at sa sobrang tutok ay hindi niya namalayan ang presensya ko.
Kaya kinulbit ko siya.
"Tama na 'yang kasipagan mo.Girlfriend muna bago libro,"pang-aasar ko sa kanya hindi na kasi ako naiilang kahit sabihing pakana lang namin 'to.
Madalas na nakikita kami ni Enzo na magkasama pero syempre hindi naman niya kami pinapansin.
Pero nagtataka nga ako kung bakit palaging 'yung mga ka team niya na lang sa basketball ang kasama niya.
Isinarado niya ang libro at tumingin sa akin"Why?I think it's better when I love both.And If I am going to choose if Girlfriend or Book?Huwag na nating pag-usapan ang hirap pumili."
Natawa naman ako sa sinabi niya .
"So iiwan mo talaga ako para sa libro?"
"Wala akong sinabi kasi pede namang may girlfriend ako tapos may libro din. Wait!Are you jealous in a book?"sira na talaga ang ulo niya.
"Hindi ha!As if naman totoo 'to"napatigil ako ng mapagtanto ang sinabi ko.
"Pero If you believe it or not lahat ng pinakita ko sayo ay totoo"napahawak ako sa dibdib ko dahil bumilis ang tibok ng puso ko.
Kailangan ko na atang magpatingin sa doctor kasi napapansin ko napapadalas ang mga ganitong pangyayari.
"Okay ka lang ba?"tumango ako at nirelax muna ang sarili.
"Ang sadya ko talaga dito is may ibabalik lang ako.At ito na ang tamang oras kasi sure akong makakapagpasaya ito sayo ng sobra."
Medyo nag-iba ang ekspresyon niya.
Ayaw pa niya ibabalik ko na ang pinakamamahal niyang mga libro.
"So decided ka na palang balikan siya.Kung 'yan ang gusto mo wala akong magagawa.Pero Im so happy na nag-work pala 'to para sayo."
Natawa ako sa sinabi niya at tiningnan niya ako ng tingin na ano ang nakakatawa.
"Kung ano-ano ang iniisip mo.Hindi pa tayo successful sa plano 'no,hindi pa nga niya ako nilalapitan.Sabi ko ibabalik ko lang 'tong libro mo alam kong namiss mo na 'to at ang tagal niya sa akin."
YOU ARE READING
Love Works That Way
RandomThis is the Salazar Series #2.The story of Psalms Nazarene Salazar and he will show us How Love Works That Way😊