MIRA
Maaga akong pumasok at nagtataka nga si Kuya at naunahan ko siyang umalis ngayon.Kadalasan kasi siya lagi ang nauuna,pero tunay ang kasabihang umiikot ang mundo at maaring nandiyan ka ngayon at bukas ako naman.
"Miracle sigurado ka bang estudyante ka?"tanong ni Kuya syempre obvious naman akala niya siguro ay teacher ako.
"Kuya ikaw ba sigurado?"balik na tanong ko sa kanya.
"Huwag mo ibalik sa akin ang tanong ko.Aba malay ko ba na ikaw na pala ang guard ng university at ikaw ang taga bukas ng university sa sobrang aga mo."Akala mo naman papayag siya pag umextra ako sa pagiging guard.
"Akala ko din kasi ikaw ang couch ng basketball team,"bulong ko.
"Anong sabi mo Miracle?"nagkunwari akong walang sinasabi.
"Huh?May sinabi ba ako?Ahh sabi ko paalis na nga ako."
Hindi siya nakumbinsi at kung ano-ano pa ang itatanong kaya aalis na lang talaga ako.
"Nay,alis na po ako,"nagmano na ako at umalis.
Pagdating ko sa school sa kaswertehan este kamalasan pala.Hayst bakit ba ang rupok mo Mira ay nakasalubong ko si Enzo.
At dahil hindi ako yung Ex na pa bitter at kung ano -ano ang sasabihin pag nakasalubong ang ex niya na as if naman babalikan sila pag ganun sila umasta.Pero minsan effective naman 'yun pero hindi ko pa din itatry.
Nagkatinginan kami at ako na din ang naunang umiwas at dumiretso sa paglalakad.Himala hindi niya ata kasama si Chelsy.Pero bakit ang aga niya ngayon?Maaga lang naman siya kapag may practice sila pero ayon sa kataas-taasang coach ng basketball team char .
Sa kuya ko pala sabi niya wala daw naman silang practice.Kung nagtataka kayo kung bakit kasali si Kuya ako nga din e.Ano kayang pinakain nu'n kay Coach?
Wala pang masyadong estudyante at mamaya pa din naman ang time kaya para exercise din naglibot-libot muna ako.
"Goodmorning Miss!"bati ko kay Miss Reyes ng nakasalubong ko siya.
Bumati naman siya pabalik at kapag hindi ka bumati sa kanya tandang-tanda niya ang nakakasalubong niya na estudyante niya na hindi nabati.
"Teka Miss Adecer."Napatigil naman ako sa sinabi niya.
"Bakit po Miss?"tanong ko sa kanya.
May iniabot siya sa akin na isang box pero medyo magaan 'to siguro mga papel lang ang laman.
"Pede padala niyan sa Stock Room.Magaan lang naman 'yan saka mamaya pa naman ang time.Thankyou Miss Adecer."
Hindi naman ako tamad para tumanggi sa kanya pero kahit tamad ako susunod at susunod ka pag siya ang nag-utos.Siya kasi ang teacher na halos kinatatakutan ng mga estudyante.
Dulo pa nga pala ng building 3 ang Stock Room.At pagdating ko sa building 3 sa may third floor ang pagkakaalam ko ay dulo 'yun.
Alam kong dulo 'yun pero hindi ako aware na wala na palang nagro-room na estudyante dito halos lahat ay tengga na at kung ano-anong ginawa sa kada Room.
Sobrang tahimik at walang tao mabuti na lang at umaga dahil kung hapon baka bumalik na ako at hayaan na lang na pagalitan ako ni Miss Reyes.
Nang makarating sa may harap ng pinto ng Stock Room ay binuksan ko ito.Dahil ang swerte ko naman talaga naka lock pala 'to so kailangan ko pa bumalik para hiramin ang susi.
Si Miss kasi hindi naman sinabi na kailangan ng Susi dito pero sabagay mga lumang forms ang nakalagay dito kaya kailangan naka- lock.Pero bahala na kung malate man ako siya naman ang first subject teacher namin kaya hindi niya ako masisi.
YOU ARE READING
Love Works That Way
RandomThis is the Salazar Series #2.The story of Psalms Nazarene Salazar and he will show us How Love Works That Way😊