Ihahatid na daw ako ni Mama papaluntang school.Dun na lang kami magkikita-kita ng mga pinsan ko.At si Ate takot din pala maiwan mag-isa kaya dinalian ang kilos at sasabay na daw siya sa amin.
"Aisle Chandria dalian mo diyan kumain ka na dito,"sigaw ni Mama. Pa
ano ba naman ang tagal bumaba ni Ate nakadalawang bulos na ako ng kanin wala pa din.
"Nandiyan na po,"buti naman bumaba na din.
Umupo siya dito sa tabi ko at nagdasal muna bago kumain.Nakatingin lang ako sa kanya dahil tapos na ko kumain at parang hindi ako kumain dahil wala man lang natira sa plato ko.
"Bakit nakatingin ka lang?Kumain ka na kaya baka malate pa tayo dahil sayo."wow coming from her.
"Tapos na po senyorita.Kayo na lang po ang hinihintay.Ayaw naman po namin kayo iwan kahit sanay ka na namang iniiwan,"di ata natatapos ang araw na hindi ko siya naasar.
"Ang aga-aga saka nagkakalalake ka ang daldal mo Naz,"inis na 'to sure ako basta ganyan ang salita niya.
"Tara na umalis na tayo,Ma ayaw ata ni Ate sumabay,"sabi ko kay Mama.
Tumayo na kami at agad naman uminom si Ate ng tubig at tumayo na din.
"Tara na,tapos na din ako kumain,"sabi niya kay Mama at sabay tumingin sa akin.
Nauna sa amin si Mama kaya lumapit ako sa kanya.
"Bitin ang kain mo Ate 'no?Hayaan mo samahan kita kumain mamaya basta libre mo,"suhestiyon ko.
"Shut up Naz!"pagkasabi niya nuon ay umuna na siya sa paglalakad sa akin at sumakay na ng kotse ni Mama.
Sumakay na din ako at dahil sa hulihan siya sumakay du'n ako tumabi sa kanya.
Pag teacher ata talaga laging busy.O busy lang talaga ang mga teacher na broken hearted gaya ni Ate para hindi maisip si Frederich.
Naka headset siya ano kayang pinapakinggan nito.
"Ate, share naman diyan,"sabi ko sa kanya pero hindi niya narinig.
Abogado na 'to grabe hindi ko iyon naisip.Kinulbit ko siya at may regla na naman ata 'to ang taray.
Tinanggal niya ang headset niya "Ano ba Naz?Kitang nanahimik ang tao. "hindi ko naman siya aasarin.
"Pa share lang naman 'te hindi ko kasi dala ang headset ko."kinuha ko ang tinggal niyang headset at pinalsak sa tenga ko.Agad naman niyang kinuha sa akin.
"Epal ka talaga.Patugtog ka kasi ng sayo."epal pala,sige paninindigan ko.
"Before I let you go.I want to say I love you,"pagkanta ko at asar na asar siya.
"Ano ba talagang problema mo?"tanong niya sa akin.
"Ikaw nga ata may problema.Sabi mo kumanta ako ng akin,"sabay ng irap siya.
"Sinabi ko kumanta ka ng sayo.Huwag mo ako gayahin."sungit talaga .
"Sige na nga pero relate ka ba ate?"tanong ko sa kanya at hinubad na niya ang kanyabg sapatos.
"Batuhin kita diyan nito,kapag hindi ka pa tumigil."Sinangahan ko na ng kamay ko ang mukha ko.Mahirap na baka maibato pa nga sa akin.
Si Mama naman nanahimik,ayaw na madamay dahil wala akong magawang matino si Mama naman ang kinausap ko.
"Ma!"tawag ko sa kanya.
"Tumahimik ka Nazario kita mo ng nag da-drive ako dito."Di ba 2 strike na ako.
YOU ARE READING
Love Works That Way
RandomThis is the Salazar Series #2.The story of Psalms Nazarene Salazar and he will show us How Love Works That Way😊