Maaga akong papasok ngayon mabuti na lang at maaga akong nagising.May taas din ang bahay namin pero hindi pa ito totally na gawa.Si Nanay pa lang kasi ang nagtatrabaho sa amin dahil nag-aaral pa din si Kuya.
Pagpunta ko sa kusina ay naabutan ko na nakain na du'n si Kuya at si Macy.
"Mira kumain ka na dito.Umupo ka na dito,"sa tuwing nakikita ko si Nanay na mag-isang nagpapaanyo sa amin ay mas lalo kong gustong -gusto mag pusrsigi sa pag-aaral.
Mag-isa na lang kasi si Nanay na tumataguyod sa amin dahil bata pa lang kami nung mawala ang tatay namin.
"Uy! Miracle Pinanuod mo na naman 'yung boyfriend mo kaya late ka umuwi kagabi ano?"si kuya talaga ang aga-aga.
"Hayaan mo na.Saka minsan lang naman niya mapanuod,"napakabait ni Nanay kaya nga pinayagan na niya ako mag boyfriend kahit di pa ako tapos ng College.
Naisip ko din na hiwalayan muna si Enzo para kay Nanay.Matagal ko na 'tong pinag-isipan,minsan kasi talagang nakakaapekto na din sa pag-aaral ko.
Sana lang talaga pumayag siya na kapag may trabaho na ako saka namin babalikan ang isa't isa.
"Nay,Kailangan ko na pong umalis."Dali-dali kong kinuha ang gamit ko at naghintay ng masasakyan papuntang University.
Sinabi ko na din kay Bea na magtext siya sa akin para sabay na kaming pumasok.Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay nakita ko na agad si Bea dito sa labas na naghihintay sa akin.
Lumapit ako sa kanya at sabay na kaming pumasok.
"Mukhang matamlay ata ang umaga mo ngayon?May nangyari ba?"tanong niya habang naglalakad kami.
Tulala pa din ako "I want to broke up with Enzo,"sabi ko sa kanya ng hindi pa din tumitingin.
"Mabuti naman natauhan ka,char lang.Pero seryoso bakit?Kahit nayayabangan ako sa kanya alam kong mahal mo siya saka two years na kayo,"paliwanag niya sa akin.
"Naisip ko kasi si Nanay parang nakonsensya lang ako na nagpapakahirap siya tapos ako eto nag boboyfriend.Saka pede namang magbalikan na lang kami pag tapos na kami ng pag-aaral,"tumango siya bilang pag sang- ayon.
"Alam mo Tama ka diyan.Sure naman ako na maiintindihan niya kung mahal ka talaga niya."
Nag dire -diretso na ako maglakad para makarating agad.Hinawakan ako ni Bea at pinigil niya ako sa paglalakad.
"Saan ka ba pupunta?"tanong niya baka sa mall malamang sa Room.
"Sa Room natin alangan namang sa Dean's Office ako mag-aral,"pamimilosopo ko sa kaniya."
"May pa ganyan ka pa sa akin ha.Sige punta ka na sa Room wala namang pipigil sayo pero may naghihintay sayo alalahanin mo."
Kahit ganito kami Bea ay bihira lang talaga kami mag-away.Sanay na kasi kami sa isa't isa at iniintindi namin ang isa't isa.
Napakamot ako ng ulo pero wala akong Kuto ha dahil sa sinabi ni Bea na hindi ko maintindihan.
"Ano bang ibig mong sabihin?"ngumisi pa siya at tinuro ang gilid ng Gymnasiun na may mga tanim na puno.
"Five minutes ka ng late.Remember may Community Service ka ngayon,"aniya kaya naman nasapo ko ang ulo ko.
Nawala sa isip ko dahil sa pag-alala kung paano sasabihin kay Enzo ang gusto kong mangyari.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa Area.Pagdating ko sa Area ay nandu'n na si Naz at siguro itong nakabantay sa kanya ay 'yung inutusan ni Miss Reyes na magbantay.
YOU ARE READING
Love Works That Way
RandomThis is the Salazar Series #2.The story of Psalms Nazarene Salazar and he will show us How Love Works That Way😊