Kabanata 2

9 3 0
                                    

Masyado talagang sinuwerte  ngayong araw si  Ate sa akin.Nauto na naman ako ni ate kasi naman ang dami niyang pinagawa sa akin hindi ba niya alam na estudyante pa lang din ako.

Pero dahil Mahal ko  si Ate syempre tutulungan ko siya yieee kiligin ka na ate.

Nakuha ko na kanina yung Requirements ko  na  kailangan para sa papasukan kong school.Gusto ko kasi kapag pumasok ako bukas ay ibibigay ko na lang 'to at okay na.Hindi yung kadami pang kung ano-anong  kulang.

Busy ako ngayon sa paggamit nitong laptop ni ate ng may biglang nagbukas ng pinto.At nandito na pala ang Ate kong palaging may regla simula ng umalis si Frederich ata 'yun.

"Haysst kapagod,dami ko pang kailangang gawin,"sabay upo niya sa couch at buntong hininga.

"Ate kung nagpaparinig ka huwag naman sa'kin oh!Kasi di naman ako tatablan sayang lang laway ate,"syempre biro  lang sinabi ko pero kapag kailangan niya talaga ng  tulong syempre tutulungan ko siya.

"Tigil-tigilan mo ako Nazario,"napatayo ako sa sinabi niya at pumunta sa harap niya  i-check kung siya ba talaga 'yun.

"Ikaw ba talaga ate 'yan?Hindi ba kayo nag switch ng soul gaya sa mga movies?"tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa mukha niya.

"Ikaw ba talaga may saltik?Sa tingin mo sino pa ako?Sa katayuan kong 'to  baka wala ng makipag switch sa akin,"drama naman talaga ng babaeng 'to porket 10 years ng broken hearted.

"Akala ko si Mama ka may pa Nazario ka na din 'te"ni hindi siya tumawa sa'kin at halatang stress na stress siya.

Umupo ako sa tabi niya at minasahe ang balikat niya.Sipsip muna para libre ulet pamasahe pagbalik.

"May kailangan ka na naman ano?"paghihinala niya"May kailangan agad 'te.May gusto lang akong itanong sayo at  sure gagaan ang loob mo,"paliwanag ko sa kanya.

Humarap siya sa akin at binalaan ako"Ayusin mo Psalms Nazarene kung ayaw mong  maglakad pauwi,"banta niya  at para makasigurado tiningnan ko sa wallet ko at may pera pa naman ako.

Tuloy pa din ang tanong"Eto na 'te Mahal mo pa?"kitang -kita ko ang pagkaasar niya.

"Umalis ka muna dito,ako na bahalang tumapos nito at baka pag nandito ka ay lalong hindi ako matapos,"lumabas na agad ako,masunurin ako ehh saka baka vacant ngayon ng mga kaklase ko.

Nagpunta na ako sa Room namin para  magpaalam na lilipat na ako.Kung wala silang pake ay  di para na lang du'n sa may pake.

Malayo pa lamg ako ay  may naririnig na akong mga baboy na nakawala sa kural.Mali pala mga kaklase ko lang pala 'to na ang lalakas ng ingay.Nung pumasok ako ay napansin agad ako ni Gian isa sa mga kaibigan ko.

"Tol,kamusta? Ilang araw ka na hindi napasok?Totoo ba na lilipat ka na?"tanong niya.

"Oo,tol.Nandito lang  talaga ako para magsabi sa inyo baka kasi hanapin niyo ako at ma depress kayo pag hindi niyo ako nakita"biro ko  sa kaniya.

"Tol,hindi na kailangan hindi ka naman namin hahanapin"pang- asar din ito.

Pumunta sa unahan si Gian  at inagaw ang attensyon ng mga kaklase ko  "Guys,attention"sabi ni Gian parang mga high school ehh"Announcement ikakasaya niyo'to kaya huwag kayong ano diyan,"kaibigan ko ba talaga 'to,ang sama naman niya sa akin.Nakinig naman sila basta  talaga  sa ganito.

"Lilipat na si Naz ng  school,"tumahimik sila at  nalungkot ang mga mukha Alam ko na trip ng nga 'to.

Maya-maya ay sumigaw  sila at sabay-sabay pa "Party!Party!"at akala mo ay nagwawala  pero ganito lang talaga mga 'yan.

Lumapit sa akin si  Rhon"Pre,alam mo naman na ganito  lang kami pero ma mimiss ka namin.Tingnan mo pag wala ka na saka sasabihin ng mga 'yan na.Nakakamiss pala si Naz,kung nandito lang siya,"pagkasabi niya nu'n ay  tumahimik  sila at sunod  sunod  na nagsabi ng mamimiss ka namin.

Pang teleserye na din sila.

"Aarte niyo,sige na baka dumating na next prof. Alis na ako,"magpapaalam na sana ako ng makita ko  'yung isa kong kaklase na iyak na iyak na.Niloloko ba ako neto?Lilipat  lang naman ako hindi pa mawawala dito sa mundo.Nilapitan ko siya at tinanong.

"Allysa,right?Okay ka lang ba?"tanong ko sa kanya.Hindi kasi kami close at ngayon ko lang siya naging kaklase  kaya  nagtanong muna ako kung tama ba ang pangalang binanggit ko.

Bigla niya akong niyakap at 'yun naman ang ikinagulat ko.Pero nung mapansin niya na  naiilang ako ay agad din siyang bumitaw"Sorry!nadala lang ako.Masyado akong malungkot na  lilipat ka na,"nagtaka naman ako sa sinabi niya kasi hindi naman kami close . 

"Salamat sa concern mo sa akin.Kahit ngayon lang tayo naging magkaklase,"ngumiti pa ako at medyo na awkwardan.

"Di mo ba talaga ako naalala?"tanong niya.Teka pinagtitripan ba ako nito.Naalala ko siya si Allysa "Di naman ako nagka amnesia,"sagot ko sa kanya.

Napansin ko naman yung sipon niya kaya para di siya ma offend  tinuro ko na lang at agad naman niyang pinunasan.

"I mean,We're classmtes during our elementary days,"masungit kasi ako dati kahit nga si Ate Ac at Lola ay hindi ko nakakausap

"Kadalasan mag isa lang  kasi ako nu'n saka wala akong pakielam sa iba.Tahimik lang  kasi ako dati unlike ngayon,"paliwanag ko sa kanya.

"Alam ko.Actually lagi nga kitang tinitingnan nu'n kasi kahit suplado ka alam kong mabait ka.Crush na crush kaya kita hanggang ngayon kaya nga ako lumipat dito e kasi nakita ko sa fb mo na dito ka nag-aaral tapos ngayon  aalis ka naman,"aniya first time lang may nag confess sa akin ng ganito".

Thankyou na appreciate ko.Baka gusto mong sumunod sa akin,"biro ko.

"Laki na talaga ng pinagbago mo pala biro ka na ngayon.Pero  susunod talaga ako,gusto mo ba?"binibiro ko lang naman siya aba at naniwala nga.

Sakto namang papunta na daw ang prof nila kaya  nagpaalam na ako na aalis na.

Pagbalik ko sa office ay busy na busy pa din si ate sa mga gawain niya.Ng pumasok ako   ay hindi man lang niya ako napansin.

"Ate!kailangan mo ng tulong?"sabi ko sa kanya.

"Puso!"sigaw niya,nagulat pala  siya at 'yan ang lagi niyang sinasabi pag nagugulat.

"Ano ka ba Naz?Aatakihin ako sayo ehh Ba't ka ba nangugulat?"ako pa sinisi ay siya nga etong sobrang busy kung magnanakaw nakapasok dito ay nakuhanan na siya ng gamit.

"Nga pala nakapag paalam ka na?"pagbubukas niya ng usapan.

Umupo ako sa couch "Oo"maiksing sagot ko.

"May pakielam ba  talaga sila  kung lilipat ka na ng school?"tanong niya sa akin.

"Di ka maniniwala ate may   kaklase pa akong hagulhol na at tulo na ang sipon,"sabi  ko sa kaniya.

"Yabang naman neto"sabi na di siya maniniwala na kwento ko pa"Di kita pinipilit  maniwala pero sana na videohan ko para ebidensya,"nang irap na lang siya.

"Umalis ka na ulet iniistorbo mo ako,"siya nga etong nag kwento.

Lumabas na ako paara walang gulo.Intayin ko na lang siya dito.

Matapos ang 100000000000006655444 years joke lang syempre 'yun lumabas din.At hindi pa pala uuwi at mag out pa daw siya.Pagkatapos niya mag out ay umuwi na kami at libre niya pamasahe.Pinaghintay niya ako dito  dapat lang.







Love Works That WayWhere stories live. Discover now