Kabanata 7

5 2 0
                                    

Pangalawang araw ng punishment namin ngayon.At sa wakas ay ito na din ang huli.Ang hirap kasi na kadadating mo lang tapos pawis na pawis ka na agad.

Mas inagahan ko na ngayon  at para hindi ko makalimutan nilagay ko na siya sa notes ng phone ko tapos  ini-screenshot ko at ginawang lockscreen.

Palagi ko kasing tinitingnan ang phone ko  dahil sa oras,hindi na nga ako makabili ng relo  tapos maling tao pa ang nabigyan ko ng sapatos kung alam ko lang dapat ukay-ukay na lang binigay ko sa siraulong Enzo na 'yun pero wala e mahal ko pa din.Ganito ata talaga pag marupok.

Maaga akong nakarating sa University at  pagdating ko du'n sa area ay wala pa 'yung dalawa pero hindi ko na sila inintay at nagsimula ng maglinis.

Maya-maya pa ay  may narinig akong mga yabag at si Kytler pala.

"Hi!Aga mo ah,"bati niya sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya "Late kasi ako kahapon,"sagot ko.

Nagdadakot na ako ng mga dahon gamit ang dust pan  at pagkatapos ay  inilalagay ko ito sa garbage bag.

"Tulungan na kita diyan."hinawakan ni Kytler ng mabuti ang garbage bag  para hindi magsala ang mga nilalagay kong mga basura.

Ng  matapos mailagay ay kinuha ko na sa kanya.

"Salamat.Pero teka allowed ba na tumulong  ang nagbabantay?"tanong ko sa kanya baka kasi may makakita sa kanya at  mapagalitan pa.

Umupo siya sa isang tabi.

"Sabi nila hindi daw kasi parusa niyo daw kasi 'to.Pero pag may nagsumbong ganito ang sasabihin ko.Masama po ba na tumulong?Ang alam ko tinuturo ng university na 'to ang kagandahang asal."

Napatawa naman ako sa  sinabi niya at tumawa din siya.Masarap din pala siyang kasama akala ko boring siyang kasama.

"Ang aga ata ng tawanan niyo.Tapos ka na bang  maglinis?"sabi niya sa akin.

Minsan talaga hindi ko siya maintindihan minsan ang lakas niya mang-asar pero kapag seryoso siya ang sungit niya masyado.

"Tapos na si Mira,di ba Mira?"tanong sa akin ni Kytler at  sumenyas siya na mag oo ako kaya tumango ako.

"Kanina pa siya dito kaya ikaw na ang tatapos niyan, Bro!Intay ka na lang namin ni Mira dito."

Hindi na nagsalita si Naz at nagsimula na sa paglilinis.

Uupo na sana ako sa mga ugat ng puno ng magsalita si Kytler.

"Dito ka na Mira.Baka magdumi ka  diyan."sumang- ayon ako at umupo sa tabi niya.

Nakita kong napatingin sa amin si Naz pero muli ding ibinalik ang  attensyon sa ginagawa.

Kinuha ko ang tumbler ko sa bag at uminom.

"Btw,Mira.Kamusta na kayo ni Enzo?"muntik ko ng maidura sa kanya ang tubig sa tanong niya nalunok ko ito kaya nasamid ako.

"Okay ka lang?"nagpunas ako ng panyo ko sa bibig at tumango sa kanya.

Ibinalik ko sa bag ko ang tumbler ko at sinagot siya.

"Actually,we broke up yesterday."
Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero ngumiti na lang ako.

"I'm really Sorry!"sabi niya nung napagtantong mali ata ang natanong niya.

"It's okay."

Napatingin ako kay Kytler.

"Ahh Mira,Ba't–"tinanong ko siya kung ano ang itatanong niya ngunit hindi na niya itinuloy.

Alam ko naman na gusto niyang  malaman kung bakit kaya sasabihin ko sa kanya  alam kong  tahimik naman siya at hindi 'to kakalat sa buong University.

Tumimgin ako kay Naz at halatang nakikinig din naman siya.Bumuntong hininga ako habang nakatingin pa din sa mga paa ko na  pinapagalaw ko at  inaapak sa damo.

"We broke up because I saw him kissing other girl,"pagsisimula ko  ramdam kong  napatingin sila sa'kin pero nasa baba pa din ang tingin ko.

"Mira Stop it!Huwag mo na ikwento,"utos ni Naz pero umiling ako.

Tumunghay ako at tumawa ng sarkastiko.

"Ang saya no?We've been together for two years  but still wala pa din.Maybe dahil hindi siya ang para sa akin,malay ko ba na manloloko siya  e di sana ikaw na lang Kytler niligawan ko HAHAHA!"biro ko sa kanya.

Habang pumapatak ang luha ko.Hinagod niya ang likod ko   pero pinigilan ko din  siya.Pinahid ko ang mga luha ko at muling ngumiti.

"Bakit ko ba 'yun  iniiyakan?"parang syonga na  tanong ko sa sarili ko.

"Mahal mo Mira e.Nagmahal ka ng manloloko,"sagot na sigaw ko .

Lumapit na din sa akin si Naz.

"Huwag  mo siyang iyakan di niya deserve."tumayo  na ako at kinuha ang gamit ko.

"Pasensya na kayo!Nadamay pa kayo sa kadramahan ko.Hayaan niyo pag pinadala ko 'to sa Mmk ayaw niyo nu'n kasali kayong dalawa sa kwento."ngumiti sila pero alam kong peke lang 'yun.

Kahit konting araw pa lang na nakakasama ko sila magaan na ang loob ko sa kanila  at alam kong naiintindihan nila ako.

"Paano ba 'yan?Mauna na ako.Tapos na naman ako.Bantayan mo na lang etong si Naz Kytler."
Hindi pa sila nakaka oo ay naglakad na ako.

Habang naglalakad ay marami ng tao ang nakakauna sa akin sa bagal ko baka nga malate pa ako sa bagal ng lakad ko.

Napatingin ako  sa palagid at iyon ang pinagsisihan ko dahil nakita ko si Enzo at Chelsy na magkasama at magka holding hands pa.Bilis naman niya magpalit bagay sa kanya yung kantang natatawa ako.

Naglakad na uli ako  ng makasalubong ang mga alagad ng higad este nung chelsy na 'yun.

"Wait girls!Nandito na pala ang Loser.Sabi na nga ba at   niligawan lang 'yan ni Enzo kasi maganda."

Humarang pa sila sa dinadaanan ko .

"Umalis kayo diyan sa dinadaanan ko,"utos ko pero hindi sila umalis.

"Bakit naman kami susunod sa Loser na ganda lang ang habol ni Enzo?Siguro masama ang ugali mo."sabi nitong babaeng nasa kanan ko.

"Huh!Wala ba  kayong ibang maitawag?Loser,"pagdidiin ko.

"Pang elementary 'yun.Saka atleast ako may ganda  kaya kung wala kayo nito ay mas mabuti siguro na kahit magpakabait man lang kayo."

Sasampalin na sana ako nitong babaeng nasa kaliwa kaya pumikit ako.Pero ilang segundo pa ay walang lumapat sa mukha ko kaya  napamulat ako.

At nakita ko si Naz na hawak ang kamay nung babae.

"Sino siya?Ang gwapo niya sis at ngayon ko lang siya nakita"sabi nitong isang babae.

Binitawan niya ang kamay nito.

"Don't you dare to touch her."sabi ni Naz na nakapagpanga nga sa kanila.

"Anong ginagawa mo?Kaya ko ang sarili ko ayaw ko lang talaga magsimula ng away at manakit,"sabi ko kay Naz.

Ayaw ko kasing magmukha lalo akong kaawa-awa  lalo na't wala akong ginagawang masama.

"Sino ka ba?At ano  mo siya?"pabebeng tanong ni alagad number one.

"Huwag ka sumama sa kanya, she's a loser"si alagad number two.

Tumingin siya sa akin at  hinawakan ang kamay ko.

"I like her and nililigawan ko siya."nagulat ako sa sinabi niya.

Ano daw nililigawan niya ako?Siraulo ba talaga 'to.



Love Works That WayWhere stories live. Discover now