Kabanata 1

15 5 0
                                    

"Ateeeee!Bumangon ka na diyan,"pang sampung beses ko na ata itong sigaw sa tenga niya pero ang himbing-himbing pa din ng tulog niya.

Hinigit  ko  siya sa paa at iyon saka pa nagising"Ano ka ba naman Naz?Five minutes pa,"at isinubsob na naman ang mukha niya sa unan.

"Bahala ka diyan ate,una na ako sayo,"panakot ko sa kanya pero hindi pa din tinablan.

Alam niya kasi na hindi ko siya iiwan  syempre dahil mabait akong kapatid.Pumunta ako sa labas ng kwarto ni ate  at   alam ko na magpapabangon sa babaeng 'to.

"Ohh bro!Kailangan ka pa nakabalik dito sa pilipinas?Gwapo pa rin talaga ang mga Azalte mana sa Salazar,"pagkasabi ko nu'n ay tumingin ako sa pinto at inaabangan ang pagsilip niya at hindi nga ako nagkamali  sumilip pa siya.

Parang nagtataka pa siya kung nasaan ang kausap ko at tumingin pa sa akin at nagsalita ng walang sound kung nasaan daw.Napahalakhak naman ako ng tawa.

"Sino pong hinahanap niyo Mahal na prinsesa?Paumanhin ngunit hindi pa nakakabalik si Prinsipe Edrich,"kitang-kita naman ang pagkaasar  niya at kinuha ang unan at ibinato sa akin.

"Lakas mong mang- asar ha.Sige lang pagbutihan mo pa,"at inirapan niya ako.Mga babae talaga lakas mang irap.Sinarado niya ang pinto ng kwarto niya ng malakas at lalo naman akong napatawa.

Nagbubunyi pa ako dahil nagtagumpay ako sa pangigising sa kaniya at naasar ko pa siya ng muli niyang buksan ang pinto ng kwarto niya at sumilip sa akin.

"Akala ko ba uuna ka na?Go! Umuna ka na at naasar lang ako sayo."ngumisi ako at  hinawi ang aking buhok.

"Hindi kita iiwan syempre napakabait ng kapatid mo tapos gwapo pa.Saan ka pa?"hindi talaga ako ganito actually sa kanya ko lang laging sinasabi 'to  dahil nakikita ko ang mukha niyang  parang hindi maipinta  pag sinasabi kong gwapo ako.

Maitsura naman ako pero dapat humble pa din saka masarap lang talaga asarin si ate.

"Tse!Tigil tigilan mo ko.Iniwan na tayo ni Mama ano? Kaya ka ganyan kasi  gusto mo sumabay sa'kin para libre  pamasahe,"teacher nga si ate basa niya ang tactics ng mga estudyante.

"Alam din,"tugon ko na lalong nakapagpainis sa kanya.

"Alam mo Nazarene  bumaba ka na at duon mo na ako intayin.Naasiwa ako sayo,"asar talo na naman.

Bumaba na ako  at umupo sa upuan sa aming dining table.Hihintayin ko na lang  muna si ate para sabay na din kaming kumain.Nakabihis na naman ako.

Mabuti na lang at nagluto si  Mama ng umagahan namin at  inihanda na din dito sa lamesa.

Kahit palagi kaming nag-aasaran ni Ate  ay hindi naman umaabot sa punto na talagang nagkakasakitan na kami.

Simula din ng dumating sa buhay ko si Ate ay sobrang thankful ako kasi nagkaroon ako ng ate na  katulad niya.Ate kiligin ka naman sa sinabi ko.

Maya-maya pa ay bumaba na siya bitbit ang kanyang bag at dala pa niya ang laptop.

"Ate dalian mo kumain na tayo.Ipatong mo na lang muna 'yan at ako na ang magbinitbit niyan,"umupo siya sa  katapat na upuan nitong kinatatayuan ko  at bago kumain  nagpasalamat muna kami kay Lord.

"Nga pala Naz,akala ko ba sa bago mo ng school ikaw papasok ngayon,"sabi ni ate  habang ngumunguya nitong breakfast naming hotdog.

"May kukunin lang  akong requirments  ate kaya baka bukas na lang.Papaalam pa ako sa mga kaklase ko sa Hillston  baka kasi mamiss ako ng sobra ng mga 'yun ehh hindi alam kung saan ako hahanapin,"pagbibiro ko sa kanya.

"Alam mo ang hangin mo talaga  napasobra naman Naz,"sarap talaga asarin ni ate.

Lilipat na ako ng school kasi  Law ang kinukuha ko teka hindi ba halata?Pero sa maniwala kayo o hindi Law talaga ang kinukuha ko.Lumipat na din ako  para makasama ko ang mga pinsan ko  saka sabi nila  lagi daw nag to-top sa ang school na 'yun sa board.Medyo mas malayo nga lang  'yun kesa sa  HOLLISTIC  UNIVERSITY.

"Ano nga pangalan ng school na papasukan mo?"tanong ni ate "Rhinestone University.Parang pambabae ang dating di ba 'te?"inunahan ko na siya kasi naman  lagi siyang may nasasabi sa ibang school.

Syempre solid Hollistic  'yan du'n pa nga siya nagtuturo ngayon.

"Arte mo Nazarene,Bading ka naman,"pangaasar talaga nito parang bata.

"Ate wala bang bago ay asaran pa namin 'yan nung grade 1 ako,"inirapan na naman niya ako.

"Naz ayusin mo pagaraal mo du'n ha.Di kita mababantayan saka kung sasama ka sa mga pinsan natin ang  manahin mo naman ay magagandang ginagawa ha hindi puro kabalastugan."

Napangaralan na naman ako ng inay"Yes Maam!"sabi ko sa kanya.

Pagkatapos namin kumain ay umalis na agad kami para mag commute iniwan kasi kami ni Mama.Attitude kasi si Mama pag matagal kaming magkapatid ayaw kasi nu'n sa makupad.

Tingin ng tingin sa relo si ate"Naku late na naman ako nito,"bulong ni ate.

Sakay kami ngayon sa jeep at  katabi ko siya sa kanang bahagi kaya naman para makapagsalita ako ay  lumingon ako sa kaliwa at skaa nagsalita.

"Paano ba naman  tulog mantika ka?Tapos kung hindi pa pangalan ni Kuya Frederich  ang babangitin ay hindi pa gigising,"bulong ko  at narinig  niya pala.

"Ang hina naman nung sinabi mo.Lakasan mo naman paminsan,"sarkastikong sabi niya.

"Sabi ko iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig  nakakapagising din pala 'yun ng tulog akala ko kasi ginigising lang ang tulog na puso,"sabi ko sa paraan na parang ngayon ko lang iyon nalaman.

"Alam mo porke ikaw wala pang gusto diyan.Alam mo magpopost na ako finding girlfriend ng kapatid ko para hindi mang asar."nagtitinginan na ang ibang tao dito sa jeep dahil sa ingay namin.

"Basta ate siguraduhin mong hindi ako iiwan para sa iba at para pumuntang ibang bansa,"kinurot niya ako sa bewang  kaya naman napa ipod ako at nasagi ko 'tong katabi ko  na ang sama na ng tingin sa akin.

"Sorry Miss!"sabi ko sa  kanya.

Pagbaba namin ni Ate dito sa school ay tatawa-tawa siya"Ate dala ba 'yan ng pangungulila?"tanong ko sa kaniya.

"Di ka talaga makausap ng matino.Seryoso na kasi Naz,"pakiusap niya sa akin.

"Ano ba 'yun?"tanong ko"Kasi 'yung katabi mo kanina oarang gusto ka ng itulak sa kagaslawan mo,"mas lalo naman siyang tumawa ng tumawa.

"Seryoso na 'yan?"tiningnan ko siya ng lang-asar na tingin.

Hinatid ko muna si ate sa office niya at kadadating palang namin nandito na 'yung manliligaw  niya pero ang alam ko binasted niya.Haba ng buhok ng ate ko ano?"Goodmorning Ac,Naz!"bati niya sa amin at binati din namin siya.

"Ac  kailangan mo pala  gawin 'to,"may iniabot siya kay ate.

"Di ba may pinapagawa pa sa'kin?Ngayon ding hapon ang pasa?Paano ako makakapagturo nito?"sunod na sunod na tanong ni ate"Ano ba 'yan ate?Baka alam ko 'yan kukuha lang naman ako ng requirements gusto mo ako na lang gumawa,"pagaalok ko sa kanya kaawa-awa naman si ate  parang suspect na napagbintingan na walang kaalam-alam.

"Sabi mo yan ha.Papaliwanag ko na lang sayo saka kaya mo'to  magaabogado ka di ba?Saka check ko na lang bago ko ipasa kung tama  para mapaltan ko ang hindi,"paliwanag niya sa akin"Sige 'te."

"Super thankful ko kasi naging kapatid kita kahit mapang-asar ka,"bumait bigla 'no jk lang mabait talaga 'yan kaso wala iniwan pa din.

"Ganito din naman gagawin mo sa akin pag ako nangangailangan.Gasgas na ang linya ko 'te"para na nga akong bading sa nga  linyahan ko.

"Tama na dramahan kakarume na,"sabay pa kami  kaya napatawa kaming dalawa.

Love Works That WayWhere stories live. Discover now