Nandito kami ngayon sa canteen kasama ko 'tong dalawa kong pinsan si Kytler at si Kyenne.
Umorder kami ng pagkain at pagkatapos ay naghanap ng lamesang mapupwestuhan. Papalapit na kami du'n sa upuang malapit sa pinto ng canteen ng may dalawang babae ang nag-alok sa amin ng pwesto.
"Kytler dito na kayo.Sino 'yang kasama niyo?Transferee siya siguro?"tanong nung babaeng nakasalamin kay Kytler.
"Bro,pasensya na ganito talaga lagi kaming napapansin dito ni Kuya.Siguro dahil kasali sa banda ng school si Kuya,"bulong sa akin ni Kyenne.
Mag ka batch lang kami ni Kyenne at si Kytler naman ay mas matanda sa amin ng isang taon.
Matagal pa ba ang kwentuhan nila?Ngalay na ang paa ko dito.
"Hi!Im Grace"nagulat naman ako sa pagpapakilala nitong kasama nu'ng babaeng nakasalamin sa akin.
Siguro magkaibigan sila.Inilahad nitong nag- ngangalang Grace ang kanang kamay niya sa akin.
"H-hello!Ako si N-naz"nauutal pa na pakilala ko,hindi kasi ako sanay na may nakikipagkilala sa akin at babae pa.
Ngumisi sa akin si Grace at bumalik sa pwesto niya kanina.Bumalik ang attensiyon ko dito sa kausap ng pinsan ko.
"Sure ka ha?"sabi nitong babaeng nakasalamin.
"Oo,kayo ang nauna dito.Kaya hahanap na lang kami ng sa amin,"sagot ni Kytler.
Pagkatapos ay naglakad na kami papunta du'n sa table na pupuntahan na namin kanina.Mabuti na nga lang at wala pang nakakauna sa amin dito sa amin dito sa upuan.
Magkatabi kami ni Kyenne at nasa harapan namin si Kytler."Ky,Sino ba 'yung kausap mo kanina.Alam mo pinagkwentuhan niyo na ata yung nangyare sa inyo simula umaga."kahit mas matanda siya sa amin ay hindi ako natawag ng Kuya sa kanya.
Hindi naman sa bastos pero sadyang 'yub ang sabi niya saka simula nagkakilala kami ay ang akala namin ay magkasing edad lang kami kaya nasanay na.
"Si Rina 'yun.Kaklase ko siya at Running for Suma Cumlaude siya.At dahil nga nagbabanda ako ay may ilang grades akong kailangang habulin at siya ang nagtuturo sa akin,"paliwanag niya sa akin.
Sumubo na ako nitong Carbonara na kinakain ko pero syempre bago pa lang ako dito kaya kailangan ko magtanong.
"Matagal ka na ba sa banda?"tanong ko kay Kytler.
"Oo,Since First year college ko dito ay kasali na ako sa banda,"sagot niya.
"Alam mo Naz di lang halata pero minsan talaga hirap na hirap na siyang pagsabayin ang passion niya at pagaaral,"sigit naman ni sa usapan.
"Ikaw baka may talent ka sa Music baka gusto mong sumali sa banda namin?"pag-aya ni Kytler.
YOU ARE READING
Love Works That Way
RandomThis is the Salazar Series #2.The story of Psalms Nazarene Salazar and he will show us How Love Works That Way😊