Mira
Ngayon ang date namin ni Enzo.Nandito ako ngayon kina bea dahil may tinapos kaming project,dito ako natulog mabuti nga at pinayagan ako ni Kuya at ni Nanay.Sabagay kapag kina bea lagi nila ako pinapayagan.
Sa kwarto ako ni Bea natulog.
"Mira may dala ka bang damit para sa date niyo?"
Nakahiga pa din siya sa kama niya at hindi bumabangon habang ako nakaupo sa harap ng salamin niya at nag-aayos.
"Oo meron saka kahit ano naman."
Ang tinutukoy ko ay ang dress ko na white na mataas ng konti sa tuhod.Pinakita ko 'yun sa kanya. "Sigurado ka ba?'Yan ang isusuot mo?"
Napatingin ako sa damit ko at okay naman.
"Maganda naman di ba?"tanong ko sa kaniya.
"Maganda kung aatend ka sa binyag pero date ang pupuntahan mo sis,remember!"
Eto na ang pinakaayos kong dalang damit at okay na 'to saka nakakahiya kung hihiram pa ako kay bea.
"Okay na 'to saka kung mahal niya talaga ako kahit pa anong suot ko."ayaw na ayaw niya ng mga ganitong banat.
"Eww!Corny mo sis.Bakit ka pa nag-aayos kung ganun?"
Porket wala siyang lovelife napaka bitter niya sa linyahang pagmamahal .
"Kasi para mas lalo niya akong mahalin,"biro ko sa kanya.
Syempre date ito saka maraming tao sa Mall para naman presentable.
"Pede kangmanghiram sa akin ng damit diyan if you want.Pero matanong ko lang sure ka ba sa gagawin mo?I mean sa desisyon mo for a whole?"
Di ko masyado naintindihan ang sinabi niya.
"Sure ako na makikipagdate ako sa kanya bakit?"
Ako namanang nagtanong.
Umupo siya at ako'y nakaharap pa din sa salamin.Nakikita ko ang repleksiyon niya sa salamin at du'n ko siya tinitingnan at kinakausap.
"Wala lang pero pag-isipan mong mabuti kung siya nga ba talaga ang gusto mo?O nadadala ka lang sa kung -ano."
Di ko siya magets bala na.
Tumayo na ako at kinuha ang nakasampay na damit ko.
"Magpapalit na ako,"pagpapalam ko sa kanya at pumasok na sa Cr ng kwarto niya.
"Sure ka bang 'yan na ang susuot mo?Pede kang manghiram!"sigaw niya mula sa labas.Ano ba problema sa suot ko?
"Okay na 'to.Thanks!"sigaw ko paglabas ko ng kwarto ay nakabangon na siya nakaupo siya sa couch habang may hawak na phone.
"Kumain ka kaya muna bago umalis?Pinapababa na tayo ni Manang,"umiling ako at isinuot ang sandals ko.
"Hindi na baka kumain din naman kami.Baka daanan ko na lang mamaya ang gamit ko.O kaya si Kuya na ang pakuhanin ko"tumango siya kinuha ko na ang sling bag ko at nagbeso sa kanya.
"Bye aalis na ako!Thanks again!"
"Mag-iingat ka!"
Lumabas na ako ng kwarto niya at bumaba na.Nasabi ko kay Enzo na dito na lang sa tapat ng bahay nina Bea ako sunduin kasi nandito ako.Hindi ito ang unang beses na natulog ako sa kanila at masasabi kong sa madaming beses na lagi akong napunta dito ay super welcomed ako lagi.
Pagbaba ko ay nakasalubong ko si Tita Miranda siya ang Mommy ni Mira.
"Ohh Mira?Aalis ka na?Mag breakfast ka muna."
YOU ARE READING
Love Works That Way
RandomThis is the Salazar Series #2.The story of Psalms Nazarene Salazar and he will show us How Love Works That Way😊