Kabanata 11

3 1 0
                                    

Napagdesisyonan namin ni Ate na puntahan ngayon si Eya.Matagal na din kasi nung huli namin siyang nakita  baka miss na kami nu'n.

Di ko pala sure kung tama bang napagdesisyonan namin o natripan,jk.Baka magtampo  na sa amin si Eya.Baka lungkot na lungkot na 'yun sa bahay dahil bored siya.Ikaw ba naman na maghapong  kaharap mo ang mga pader sa kwarto.

Tapos iisang mukha pa  ang nakikita niya  at iyon ay si Dad May mga kasambahay naman sila pero   madalas nasa kusina at kapag naman maghahanda ng pagkain ay nasa kwarto si Eya o kung hindi man ay huli siya na kumakain.

Minsan nagpapadala na lang siya ng pagkain sa kwarto niya.Madalas na ganysng scenario ang nakukwento niya  kapag tinatanong namin ang mga nangyayari sa kanya sa buong araw kapag wala sa school.

"Naz,Ano ba?Daig mo pa ang babae kumilos!"sigaw ni Ate.

Sa sigaw niya ay halatang nandito lang siya sa harap ng pinto ng kwarto ko.

"Sabi na nga ba tama ang hinala ko kaya di ka pa siya nagkaka-girlfriend kasi bading siya,"dagdag ni Ate sa pabulong na paraan.

Habang hinihimas-himas pa ang kanyang sentido.

Di niya siguro napansin ang pagbukas ko ng pinto  at paglabas ko dahil nakatalikod siya  na patagilid.Bading pala ha.At dahil nga nakatalikod siya dahan-dahan akong bumaba ng hagdan para kung sakali intay siya ng intay nandito na pala ako sa baba.

Nakakadalawang baitang palang ako ng hagdan at sa kamalasan ay nakita  niya agad ako.Ngumiti ako sa kanya at tatakbo na.

At ano bang kadalasang ginagawa sa tumatakbo gaya ng ginagawa ni Ate  hinahabol niya ako.

Nagsisigaw si Ate"Naku Naz,Huwag ka papaabot sa akin.Kapag naabutan kita sinasabi ko sayo kukutusan talaga kita,"pagbabanta niya.

Kaya tumakbo ako sa  kusina at pumunta sa likod ni Mama na busy at kina-career ang pagba-baked.

"Ano na namang  ginagawa mo Nazario?Umalis ka diyan sa likod ko kita mong may  ginagawa ako dito."
Utos niya sa akin pero pilit pa din akong nagtago sa likod niya.

"Ma,paalisin mo 'yan sa likod mo at lagot 'yan sa akin."

Pero sumusunod pa din ako sa bawat galaw ni Mama kaya nasa likod pa din niya ako.

Pumagitna sa amin si Mama na nakaharang pa ang dalawang kamay.

"Ano ba kayo Tama na?Aba mahiya naman kayo ang lalaki niyo na para kayong mga bata.Kapag hindi pa kayo tumigil wala kayong hapunan namaya,"pagbabanta ni Mama

At syempre mas mahalaga naman sa amin ang pagkain kesa makaganti,tumigil na kami.

"Sige  na nga Ma,pero hindi ba  kayo  talaga sasama?"tanong ni Ate sa  kanya.

"Hindi na muna.Sige na umalis na kayo at baka gabihin pa kayo.Magiingat kayo,"aniya.

"Ikamusta niyo na lang ako sa kanya.Galing naman ako du'n last week baka bukas na lang  ako pumunta.May ginagawa pa ako dito,"dagdag pa niya.

Tumango kami at naglakad  na.

Pero si Ate ayaw ata ng hapunan dahil piningot niya ako  sa tenga kaya napasigaw ako.

"Ma si Ate oh!Wala siyang hapunan ha,"sumbong ko.

"Pake ko Naz,pede namang dumaan sa kainan sa labas mamaya saka  baka magpakain sina Eya."

Asa naman siya saka akala mo may  pera.Sana po maiwan niya wallet niya maiingit lang naman siya sa akin ay hindi din niya ako ililibre.

"Naz daig mo pa ang bading e!Para pingot lang."masakit kaya at napatawa tuloy si Ate sa sinabi ni Mama.Isa pa si Mama e  mapang-asar.

Love Works That WayWhere stories live. Discover now