Nazarene
Matapos ang nangyari kahapon ay ewan ko ba kung bakit nabalita na kaagad sa buong campus na kami ni Mira.Ang pagkakaalam ko tatlo lang kami duon so masasabi ko na may isang reporter o nagkalat ng balita.
Ang sigurado lang ako ay hindi ako 'yun imposibleng si Mira 'yun kasi ang gusto pa nga niya ay si Enzo.Isa na lang ang natitira at posibleng siya pero bakit naman niya gagawin 'yun.
Posibleng may iba pang tao du'n bukod sa amin.Pero teka bakit ko ba iniisip ang bagay na 'to bahala na nga.
Ang aga-aga itong mga pinsan ko nandito na sa bahay at sasabay daw sa akin pagpasok.Malakas din talaga trip nila at dito na din sila nag-umagahan sabi ko nga da't dito na din sila natulog.
"Tita ang sarap po talaga ng luto niyo,"papuri ni Kyenne sa luto ni Mama.
Hindi ako sure kung sinasabi niya lang 'to dahil kaharap niya si Mama o talagang ngayon lang niya natikman ang luto ni Mama.
"Sus ikaw na bata ka nambola ka pa.Ang alam ko masarap din naman magluto si Katherine ahh,"sabi din ni Ate kasi natikman na niya ang luto ni Tita Katherine pero sa tuwing pupunta ako sa bahay nila yung cook nila ang nagluluto kaya di ko pa naatitikman ang luto ni Tita.
"Alam niyo Tita talagang masarap ang luto ni Mom, parang pareho kayo magluto.Pero matagal na din po naming hindi natitikman ang luto niya,"paliwanag ni Kytler.
"Bakit naman?Paano sino ang nagluluto ngayon sa inyo?"tanong ni Mama sa kanilang dalawa.
Uminom si Ky ng tubig at pinunasan ang kanyang labi at saka sinagot ang tanong ni Mama.
"May cook po kami sa bahay,okay lang din po ang luto niya.Pero namiss po talaga namin ang masarap na luto gaya nito.Sana nga po sa birthday ko e luto ni Mom ang matikman namin."
Nakita ko kina Kytler at Kyenne ang pagkamiss nila hindi lang sa luto ni Tita Katherine pati na din kay Tita mismo.Kadalasan kasi wala talaga sa bahay nila si Tita dahil isa din siyang Engineer.
"Kung gusto niyo pede namang dito kayo mag breakfast o dinner kahit kailan niyo gusto.Basta sabihin niyo lang kay Nazarene para madamihan ko ang luto."Napangiti naman ang dalawang mokong.
"Thanks tita.Mauna na po kami,"
Mga lokong 'to porket tapos na kumain kitang nakain pa ako dito.
Tumayo na ang dalawa at nagmano pa kay Mama.
Marunong din pala ang dalawang 'to magmano.
"Bro,tara na!"napilitan tuloy ako na tapusin na ang pagkain ko at nagpaalam na din kay Mama.
May sasakyan si Kytler kaya sa kanya kami sumakay.Hindi ata namin mabibigyan ng espasyo ang katahimikan kapag kaming tatlo ang magkakasama.
Lalo na 'tong si Kytler nahawa na ata du'n sa bestfriend niyang babae.
"Kyenne, mamaya may practice kami.Kung mahihintay mo ako e di maghintay ka.Kung hindi ay di umuna ka na,"sabi niya dito kay Kyenne na mukhang hindi naman siya pinapakinggan dahil busy sa phone niya.
"Tol,nakita mo na ba 'to?"napatingin ako kung ako ba o si Kytler ang sinasabihan niya pero ako nga.
Iniabot niya sa akin ang phone niya.
"Kalat na kalat ang video na 'to"pero bago 'yun nakita ko ang ekspresyon ni Kytler at mukhang alam na niya 'to.
Pinanuod ko ang video na nagkasagutan kami nung Enzo na 'yun at nung sinabi kong girlfriend ko siya.
YOU ARE READING
Love Works That Way
RandomThis is the Salazar Series #2.The story of Psalms Nazarene Salazar and he will show us How Love Works That Way😊