Matapos ang klase namin dito sa mataray naming teacher ay lumapit agad si Bea sa akin.
Bestfriend ko siya simula nung second year college kami.Nagkakilala kami dahil sa isang bata na tinulungan namin.
Umupo siya dito sa katabi kong upuan.
"Uy babae akala ko ba pupunta ka lang sa Cr?Bakit naman antagal mo at kasama mo pa yung lalaki na 'yun?"mala detective kasi 'tong bestfriend ko.
"Kasi naman itong sapatos ko bigla na lang naputol ang takong kaya 'yun medyo sumakit itong paa ko,"paliwanag ko sa kanya habang inaayos ang mga gamit ko.
"Sabi na kasi sayo bumili ka na ng bago.May ipon ka pa naman kesa naman lagi ka na lang napapahamak diyan sa sapatos mo,"seseromonan na naman ako nito mas malala pa siya sa nanay ko.
"Pero infairness kahit inis na inis ka sa kanya ay tinulungan ka niya.Nag thankyou ka man lang ba?"napaawang ang bibig ko sa sinabi niya,nakalimutan ko mag thankyou baka sabihin niya sobrang sama ng ugali ko.
"Huwag mo sabihing hindi ka nag thankyou?Ano ka ba naman Mira na late yung tao tapos di ka man lang nagpasalamat.Baka maparusahan pa kayo at dinmay mo pa siya."
At talagang kinokonsensya pa ako nito "Pag nagkita na lang ulit kami at may pagkakataon,"sabi ko sa kanya.
Wala kaming callsign ni Bea kahit mag bestfriend kami.Depende na lang kung anong gusto naming itawag sa isa't isa saka hindi naman 'yun mahalaga ang mahalaga ang tatag ng pagkakaibigan at ang pagmamahal niyo sa isa't isa.
"Nga pala manunuod ka ba ng practice mamaya ng boyfriend mo?"napaisip naman ako kung manunuod pa ako.
"Hindi ko pa sigurado.Baka kasi nasa trabaho pa si Nanay alam mo naman si Kuya hindi maasahan sa pagluluto."tumango siya at bumalik na sa upuan.
Bago maglabasan ay ipinatawag kami sa Office at dahil si Miss Reyes ang Prefect of Discipline sa kanyang office kami pinatawag.
Siya 'yung teacher na hindi naniniwala pag may sakit ng estudyante palusot lang daw.Maaring gingawa 'yun ng iba pero parang pang highschool at elementary lang naman na palusot 'yun.
"So Miss Adecer hindi ko akalain na mapupunta ka sa office ko ng ganito.Im so disappointed."
Paano ba naman ang higpit ni Miss Dalisay na late lang kami ng 20 minutes at valid naman ang reason namin pero hindi man lang niya kami binigyan ng chance.
"So nasaan iyong sinasabi ni Miss Dalisay na kasama mo pa?Huwag mong sabihin na iyong bestfriend mo ang kasama mo.Absent siya kahapon."nasaan na nga ba 'yung lalaki na 'yun.
Tumingin si Miss Reyes sa pinto at pumasok si Nazarene.
"Ikaw pala ang kasama nito Mister Salazar.At late ka na naman sinabi ko na sayo pinagbigyan lang kita kahapon,"umupo siya sa kaharap kong upuan at tumingin sa akin at ibinalik din ang tingin kay Miss Reyes.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa nandito kayo para bigyan ng Disciplinary Action at ang dahilanan nu'n ay sigurado akong alam niyo na.Yung 10 minutes na late malala na 'yun lalo na ang 20 minutes.At ang kaparusahan niyo ay community service for 2 days lang naman...Bukas pagdating niyo sa Area niyo ay may magbabantay du'n sa inyo kaya make sure na agagahan niyo ang pasok."at tumingin si Miss kay Nazarene
"At bago kayo umalis Mr.Salazar sana kung gagawa ka ng kalokohan huwag ka na magsama at mandamay,"dean's lister ako at never ako na late kaya siguro ganun ang tingin ni Miss.
Nahihiya ako sa kanya kasi siya pa 'tong nasisi ay ako naman talaga ang dahilan.
"Understood Mr.Salazar?"tumango si Nazarene.
YOU ARE READING
Love Works That Way
RandomThis is the Salazar Series #2.The story of Psalms Nazarene Salazar and he will show us How Love Works That Way😊