Kabanata 10

2 1 0
                                    

"Uy Bro!Thankyou ha at pasensya na mukhang kami pa ata ang dahilan ng pagbagal ng signal ni Ac."

Tinapik ko siya  sa balikat.

"Okay lang 'yun Ky atleast panalo kayo di ba? Saka hindi na kayo iba."

"Hayaan mo para di ka ma guilty next time ako naman dadayo sa inyo,"pagkukumbinsi ko sa kanya.

"Eh kelan pa sabi mo nandito ang alaga mo every week,"hindi naman every week minsan naman wala.

"Basta ako  na bahala du'n Bro!"ngumisi naman ako na akala mo my binanalak.

"Aasahan  namin 'yan ha,"hinatid ko na sila sa labas ng gate at  may dala din namang sasakyan si Ky  kaya di na nila kailangan mag-abang.

Teka may nalimutan pala akong itanong.Kinatok ko ang bintana kaya agad niya itong binuksan.

"Oh!Bakit?"si Kyenne na uwing-uwi na at tutulog daw  siya .

"Ky tanong ko lang kung may number ka ni Mira?"napangisi naman si Kytler sa tanong ko.

"Text ko sayo mamaya.Bilisan mo pre unahan kita diyan e,"mayabang na sabi niya.

Depende kahit mauna pa siya kung nasa huli ang gusto.

"Sige na alis na  kayo dami mong alam."Sinara na niya ang bintana ng kotse at  umalis na.

Sinundo na din si Sery ng maghapon na at dahil mahal na mahal ako ni Mama at si Ate naman ay di mauutusan.Ako ang naglinis ng kalat ni Sery.

At dahil pagod nga ako ay maaga akong nagpahinga  at pumunta na agad ng kwarto.Nakita ko naman  na may message galing kay Kytler kaya agad ko 'tong binuksan.

Ky

.

Takte tuldok lang pala akala ko naman importante.Gusto niya ng asaran ha pwes bibigyan kita.

Ako

?

Sa aming magpipinsan ay si Kytler ang pinaka close ko.Kahit lagi ko din namang kasama si Kyenne ay mas close ko pa din si Ky.

10 minutes na ata ay hindi pa din siya nagrereply.Mukhang niloloko talaga ako ng lalaking 'to.Tawagan ko nga  'to.

Tinawagan ko siya pero tut-tut-tut 'yan ang nalabas baka may lahi siyang torotot.

Pinuntahan ko si Ate sa kwarto niya  mangiistorbo muna ako teka bakit ko ba ginagawa 'to?Mas maige na din kesa naman pilitin ko ang sarili kong tumulong kay Mama sa mga experiment niya sa kusina ay di ko naman hilig 'yun.

"Ate!Busy ka alam ko.Pero pede ba kita maistorbo madali lang?"tanong ko kay Ate  sana naman pede.

Hindi siya sumasagot siguro may kausap pa.Maya-maya saka siya sumagot.

  "Sige pumasok ka na.Tapos na din naman ako."

Hapon na nga pala kaya tapos na sila.

Pagpasok ko ay kalat  na kalat pa din ang mga gamit ni Ate.Pero nakahiga na siya,bukas ang  laptop niya at sobrang daming mga papel ang nakalagay sa table.

"Bakit ka ba nandito?"tinatamad na tanong niya.

"May load ka naman di ba?Pede tawagan mo naman si Kytler oh!"pakiusap ko sa kanya.

"Iabot mo sa akin ang phone ko  nasa ibabaw ng lamesa ko,"utas niya.

Agad ko din naman 'tong kinuha  at iniabot sa kanya.Dumapa siya sa kama niya at idinial ang  number ni Kytler,itinapat niya sa tenga ang phone niya.

"Sinasagot ba 'te?"tanong ko  hindi umumik si Ate at itinuloy ang pagtawag.

"Busy 'to siguro may  kausap ngayon kaya hindi matawagan.Mamaya mo na lang ulit tawagan may kausap pa."

Kaya pala, sino naman kayang kausap nu'n.Baka si...Napaisip ako baka si Mira ang kausap niya.

"Salamat 'te.Tawagan na lang kita mamaya sa dinner natin,"pagkaalis ko ay pumikit na siya at tutulog ata.

Sinara ko ang pinto ng kwarto niya at pumunta ako sa kwarto ko.

Ibinaba ko ang phone ko  at nagbasa ng libro.Ito talaga ang  isa sa mga hilig ko kaya din ako nag law kasi more on basa din naman ako.

Mga ilang minuto ay may tumatawag sa akin kaya kinuha ko ang phone ko at si Kytler pala.Siya na ang tumawag.

"Hello Bro!"sabi niya hindi ako sumagot kahit narinig ko siya asaran pala ha .

"Hello!Hello!Mahina ba signal diyan?"tanong niya pero hindi pa din ako nasagot kaya tinakpan ko na ang bibig ko para hindi  niya marinig ang tawa ko.

"Mahina ata ang signal niya,"bulong niya sa phone.

"H-Hello K-ky!Choppy d-dito  wait p-patay-yin mo muna tapos s-aka ka ulit t-tmawag"sabi ko sa aktong choppy talaga pero hindi naman

.At nakinig nga sa akin ang loko pinatay nga niya at saka tumawag ulit.

Sinagot ko siya"Hello Bro!Ayan naririnig mo na?"mapapatawa na ako buti na lang   at napigilan ko.

"Oo bro okay na.Malinaw na siya,"sagot kong casual sa kanya.

"Nga pala tumawag ako dahil gusto ko  marinig reaksiyon mo sa ibibigay ko sayo."

Hindi na ako nakatiis at inilabas ko na ang kanina ko pang pinipigilan na pagtawa.

"Bakit ka natawa diyan?"tanong niya na curios na ata kung siya nga ang pinagtatawanan ko.

"Wala wala sige diretso,"nag breath exercise ako para mawala ang pagkautas ko sa katatawa.

"Kapag hindi mo sinabi ang totoo  hindi ko'to bibigay sayo."na block mail agad ako e .

Inayos ko ang pagkakahiga ko at  huminga ng malalim para hindi na matawa.

"Kasi kanina bro! hindi talaga chopy.Im just teasing you."
Kahit di ko siya nakikita alam kong usok na naman ang ilonhmg niya.

"Gago ka Bro!Paniwalang-paniwala pa naman ako sayo,"humagakhak lalo ako dahil sa sinabi niya.

"It's okay Ky."

Di ko pa nga pala natatanong kung bakit hindi ko siya ma contact.

"Ky!Kanina nga pala tinawagan ka namin ni Ate pero  di ka namin ma contact.Sino ba kausap mo kanina?"

Napatahimik naman si Ky at hindi agad sumagot .

"May kailangan ba si Ac.Sabihin mo pag meron tawag na lang ulit siya,"paliwanag niya.

"Wala naman.Hindi kasi kita ma contact kaya baka siya  ma contact ka pero hindi pa din pala.Sino ba kausap mo kanina?"pag kay Ate talaga gora na gora mga 'to.

"Ahh si Hera kasi may problema.Kaya tinawagan niya ako .Sabi ko kasing hindi ko siya mapupuntahan kaya  tumawag   na lang siya."

Close kami pero minsan lang niya mabanggit si Hera sa akin.Mas close kasi sila kesa sa amin.

"Nagkausap kami ng medyo matagal ni Hera"sabi niya.

"Ano nagkausap kayo ni Mira?"tanong ko.

"Bro maglinis ka na ng tenga uso 'yun.Si Hera kasi hindi Mira ."nabawian ko dun ah.

"Sige na tawagan mo na ulit ang Hera mo.Send mo sa akin ang number ha."

Pinatay na niya ang phone at nagtext sa akin.

Sinend niya sa akin ang number pero kulang ng isa sa dulo.

Ako

Kulang ng isang number

Ky

Ikaw na bahala manghula dahil inasar mo ako parusa mo na 'yan

Alam ko na ang gagawin ko na lang ay itry ang number na 1-9 at itanong sa tatawagan ko kung siya ba si Mira.

Akala niya ha maiisahan  niya ako kahit magaling siya sa math at engineer siya ay mautak naman ang mga abogado.

Love Works That WayWhere stories live. Discover now