Kabanata 14

2 1 0
                                    

                      Mira
Tapos na ang pagpre-prepare namin sa location ng  pagtatayuan ng lalagyan ng food sa Sport fest.Excuse daw naman kami sa klase kaya  sinusulit na namin.

Nakatunganga lang kami dito.Pinagmamasdan ang bawat  dumadaan.

"Mira,matanong ko lang. May alam ka pa ba sa mga programs or activities na gagawin  during the sport fest?"
Ako pa 'tong tinanong niya ay di naman ako mahilig sa mga sports.

"Wala din, pero sure na 'yung mga sports.For this year hindi ko lang din alam kung ano ang pakulo nila,"sagot ko sa kaniya.

Nakuha ng attensiyon namin si Andrew na papunta dito sa tent.Akala ko ba  aatend siya ng klase.Classmate din namin siya  at kasama namin siya dito  pero dahil hindi gaya namin kagit excuse umatend siya ng klase.

"Oh!Akala ko ba aatend ka ng klase?Sinabi mo bang may ginagawa pa kami dito."

Ito talagang si Bea  minsan akala mo lalaki umasta.

"Oo kakahiya naman sa inyo kahit tinatamad lang kayo.Vacant tayo ngayon at nagpunta ako sa inyo para ipaalam na may meeting tayo mamaya about sa gaganaping mga program sa Sport fest."

Mabuti na lang at sinabi niya  kahit  inis na siguro siya sa amin.

"Salamat Andrew sa pag-inform sa amin.Pero hindi ba  nagduda ang nga prof natin dahil pumasok ka na tapos kami ay nandito pa,"tanong ko sa kaniya maganda na ang sigurado.

"Hindi naman sinabi ko kasi na tapos na 'yung ginagawa ko  and beside decor na lang at sabi niyo kayo nang dalawa ang gagawa nu'n."totoo naman ang sinabi niya pero natapos na din namin ni Bea ang   decor.

"Sige thankyou ulit"umalis na siya.Ang alam ko dean's lister si Andrew saka kitang-kita naman sa sipag niya.

"Paano  sis ready ka na ba mamaya?"napatingin ako kay Bea hindi ko  ma-gets ang sinasabi niya.

"Saan?Wait,huwag mo sabihing may exam tayo.Patay hindi ako nag-aral."kinuha ko ang bag ko at magbabasa na sana ako ng notes ng humagakhak ng tawa si Bea.

"Porket ready lang ang tanong exam agad.Exam lang ba ang kailangang paghandaan hindi ba pede ang date?"pinakaba naman ako ng babaeng 'to.

"Huh?Date?"nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Di ba remember may date kayo ng Jowa mo right?"sinaman ko siya ng tingin.

"Jievea tumigal ka nga.Bunganga mo talaga kapag may nakarinig sayo.Hindi naman kasi 'yun date kakain lang kami sa labas  and treat ko na din 'yun sa kanya for saving me,"paliwanag ko sa kaniya.

Inaya ko kasi kanina si Naz na kumain kami sa labas para na din  makabawi ako sa lahat ng ginawa niya.Kahit nito lang kami nagkakilala magaan na ang loob ko sa kanya at ang dami na niyang natulong sa akin.

"Anong save 'yan sa  pagkahulog  ba nung bakal kanina?O pagkahulog sa maling tao."

Eto talaga  minsan di mapigilan.

"Pede both,"biro ko sa kanya,sinakyan ko na ang trip niya kakaawa naman kasi char.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa Room 402  syempre sa Room  namin.Aatend kami ng meeting about sa Sport fest kasi kahit   naman  ayaw ko wala akong magagawa.

Ayaw ko namang pumunta ako dito sa araw na 'yun ng walang kaalam-alam.

Mukhang kami na lang ang iniintay sa bagal ba naman naming maglakad dahil  syempre ganun talaga kapag wala kang gana sa  pupuntahan  mo.Pero kung si Daniel Padilla siguro ang nandito   baka sobrang bilis ng takbo namin.

Love Works That WayWhere stories live. Discover now