Kabanata 8

4 2 0
                                    

"Makikiraan kami nga Miss ha,"sabi niya kasi hinihila ko siya dinala ko siya sa may gilid sa pader at kinausap.

"Hoy!Ano bang pinagsasabi mo diyan?Baka malaman ni–Baka malaman ng buong University,"mahinang sabi ko sa kanya at nasapo ko ang noo ko.

"Bakit e ano naman ngayon?Ayaw mong malaman niya  na may mahal ka ng iba kasi takot ka na baka hindi ka na niya balikan."

Hindi ako nakaimik dahil parang ganun na nga  kasi hanggang ngayon umaasa pa din ako na magbabago siya at babalikan niya ako.

Sininuntok niya ang pader  may lahi ba siyang boksingero.

"Bakit ba ganyan kayong mga babae?Huh?Pinapaasa niyo lagi ang sarili niyo na  magiging kayo pa din ng mga ng iwan sa inyo.Magaling, kung kayo talaga gaya ng nababasa o napapanuod niyo sa mga  lovestory.Pero paano kung hindi?...Paano kung yung tao pala na nakatadhana sa inyo ay lumalapit na sa inyo pero tinataboy niyo?Sabihin mo sa akin ha!"sigaw niya sa akin  at biglang tumahimik.

Nagsalita ako ng mahinahon.

"Bakit?Lalaki ka di ba?Anong pakielam mo?Saka ngayon lang tayo nagkakilala kaya huwag mo ako pakielaman.Mamahalin ko siya hanggat gusto ko."

Madali lang para sa kanya ang sabihin kasi hindi siya ang nagmahal.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan!"giit niya.

"Ikaw ang hindi nakakaintindi sa akin!"sigaw ko sa kanya .

"Ikaw ba ang nagmahal ng sobra?Ikaw ba ang kasama niya  ng dalawang taon?Paano mo nasasabi 'yan?Sa tingin mo ganung kadali 'yun...Dalawang araw pa lang ang nakakaraan,uyy."

Pilit kong pinapa-intindi sa kanya ngunit himdi niya ako naiintindihan.Saka wala din naman siyang pakielam dahil bago pa lang kaming magkakilala.

" Hindi kagaya ng isang laro na matalo man ako pede ko ulit malaro.At sa huli ay  maiipanalo ko.Kung hahayaan ko yung pamato ko na  may iba ng pinaglalaban.Sa tingin mo anong mararamdaman ko?"tumulo na muli ang luha ko.

Lumapit naman siya para patahanin ako at muli siyang nagsalita ng mahina.

"Oo malulungkot ka pero may iba ka pa namang pagpipilian.Malay mo mas okay kayo ng bago mong magiging pamato at kayo pala ang mas swak sa isa't isa."

Sa laro ng buhay ko manalo man o matalo  ang mahalaga ay  buhay ka at  patuloy kang lumalaban.Kasi pag hinayaan mo talo ka pero may mga bagay din na dapat nating ipatalo.Pero sa  laro ko kay Enzo,siya ang larong gusto kong ipanalo.

Marahil sa tingin  ng iba pag sinabi nating laro ay trip trip lang pero  para sa akin malalim ang kahulugan nito.

Sabay  kaming pumasok ni Naz sa Room namin medyo nagtaka ang mga ma- issue.

Kasi bago pa lang siya  ay magkasama na kami.Pero kung iisipin naman ng mabuti at di ka ma-issue pedeng magkasabay kami kasi we have a punishment.

At sa usapang ma issue ito na  nandiyan na nangunguna ang aking matalik na kaibigan.

"Ikaw ha.Baki't kasabay mo siya?Akala ko ba mainit ang dugo mo du'n?"maissue na detective pa.

"Nagkasabay lang kami  kasi pareho kaming galing sa paglilinis.Saka alam mo mabait naman pala sila ang pagkakamali ko hinusgahan ko agad siya."hinampas niya ako  sa braso na nanunukso.

"Uyy inlove ka na agad no?Alam mo ganyan mga nababasa ko nagsisimula sa away  yung suklam na suklam kayo sa isa't isa pero kayo din naman ang magmamahalan sa huli,"panunukso ni Bea.

"Alam mo iba kami sa mga 'yun.At remember story 'yun kaya  kung naging happy ending sila  it is because of the author,"paliwanag ko sa kanya.

"At ang author niyo ngayon ay si God malay mo kayo talaga  ang bida sa story."

Ang dami niyang alam kaya nagkibit balikat na lang ako.

Lumipas ang buong hapon at may natutunan naman ako kasi mas gusto kong magpaka busy kesa mag isip ng kung ano- anong bagay.

At ito na ang pinakapaborito ng lahat kung sa story ay yung kahihinatnan.Lalabas  na ito ang pinaka paborito.

"Babaita mauna na ako sayo susunduin ako nina Daddy! May pupuntahan daw kami,"pagpapaalam sa akin ni Bea.

"Sige,Mauna ka na ingat ka,"sabi ko sa kanya halata kasing nagmamadali.

"Sumabay ka na sa amin.Tara na bilisan mo diyan."

Para makalibre na din ng pamasahe paminsan-minsan lang din naman 'to kaya sasabay na ako.

Naglalakad na kami palabas ng may humigit sa akin at sinandal ako sa pader.Sisigaw na sana ako ng takluban niya ang bibig ko.

"Ako 'to si Nazarene kaya wag ka na sumigaw."nakahinga ako ng malalim ng malaman na siya.

"Ano ka ba?Pede namang sabihin ng maayos hindi yung bigla bigla ka na lang manghihila."hindi siya nagsalita at nakatingin lang sa akin.

"Ano bang kailangan mo?Nagmamadali ako at hinahanap na ako ni Bea,"sabi ko sa  kanya.

Sasagot na siya ng biglang sumulpot si bea.

"Nandito ka pala at bakit kasama mo 'yan?Btw tara na nagmamadali kami."

Hindi na niya hihintayin ang sagot ko dahil takot siya sa daddy niya kaya ayaw niyang malate.

"Mauna ka na.Ako na maghahatid sa kanya,"sabi ni Naz at dahil nga di pa namin siya ganuong kakilala ay nagdududa pa si Bea.

"Para hindi ka mag-alala magtetext siya sayo pagpaalis na kami at pag nasa bahay na siya.At pag hindi siya nagtext  tumawag ka na ng police."sumang-ayon si Bea at nagmamadaling umalis.

"From now on ...Girlfriend na kita, 'yan ang sasabihin mo sa lahat para hindi ka na kulitin ng Enzo na 'yun.Saka mahal mo naman siya  kaya di ka magkakagusto sa akin,"diretsong sabi niya.

"Bakit mo ginagawa 'to?"tanong ko.

"Kasi alam ko pinagdadanan mo.At ganyan ang pinagdaanan ng Ate ko kaya naiintindihan kita at gusto kitang matulungan."

Sa di maipaliwanag na dahilan ay pumayag ako sa gusto niya at kahit anong mangyari gusto kong magbalikan kami ni Enzo.

Hinawakan niya ako sa wrist at hinigit.

"Tara na,hatid na kita."

Bakit ba ang hilig niyang manghigit.

Pagdating namin sa labas ay nagpunta kami sa sakayan.

"Pasensya ka na dito lang kita maiihatid di kasi mayaman ang boyfriend mo.Pero pag may trabaho na ako at pera hayaan mo isasakay kita sa kotse ko,"biro niya.

Bakit  kaya sila paiba-iba ng  mood pero  mas ayos ata pag yung Naz na palabiro.

"Dito na ako.Sumakay ka na din."
Hindi siya pumayag.

Sumakay na ako at sumakay din siya at nagsakayan kaming dalawa,charr wag madumi utak.

"Baka makulong pa ako kapag hindi ka nakarating ng ligtas kaya ihahatid na kita,"paliwanag niya.

"Saan ba ang inyo?"

Sinabi ko sa kanya at siya na din ang nagbayad.Pagkatapos niya ako maihatid ay saka pa siya  umuwi sa kanila.Masyado naman siyang ma effort.












Hope you like it🤗Na appreciate ko po ang  pagbabasa niyo kaya salamat po sa oras na iginugol niyo dito.Lalo na po sa mga nag votes and comments💖

Love Works That WayWhere stories live. Discover now