DISClAIMER:This is a work of fiction,names,characters,business,places,events,locates, and incidents are either the products of the authors imagination or used to a fictitious manner.Any resemblance to actual person living or dead or actual events is purely coincidential.
Expect typographical and gramatical errors.
***
NAZMaaga akong umalis ng bahay para sundin ang sinabi sa akin ni Ate Ac.Hindi pa huli ang lahat para ipaglaban ang meron kami.Gagawin ko ang lahat huwag lang siya mawala sa sa'kin pero sana ganun din siya.
Hindi na ako nagpakaayos-ayos pa ng sarili para maabutan ko pa siya.Sinuot ko na din ang attire ko mamaya sa kasal ni ate baka kasi kulangin sa oras para diretso na din ako.
Ngayon ang alis nila,papunta silang ibang bansa.Pagbaba ko ay madami ng bisita sa amin uso kasi dito sa batangas ang mga nanunulungan.
"Ohh Nazario masyado ka naman atang excited alas singko pa lang ng umaga,ala una ang kasal ng ate mo,"sabi nga ba at mapapansin pa din ako ni Mama kahit busy siya sa pagtulong sa pagluluto.
Ewan ko ba dito kay Mama minsan talaga hilig niya akong tawagin sa pangalan na 'yun.
"Alam ko naman po Ma,may kailangan lang po akong puntahan,"pagpapalaam ko,sana payagan ako lord.
Nakapikit pa ako habang humihiling sa isip baka kasi hindi ako payagan kasi kasal pa ngayon ni ate.
"Sige na anak,basta siguraduhin mong aabot ka sa kasal ng ate mo ha.Teka saan ka ba pupunta?O mas maganda siguro kung sino ang pupuntahan mo?"tanong ni Mama
"Sa airport po ,alam na naman po ito ni Ate.Saka yung kotse iniwan ko na lang kaya magcocomute ako,"inaayos ko ang buhok ko dito sa salamin malapit sa dining area namin habang nakikipag-usap kay Mama.
Oo,sinanay ko na ang sarili ko na itawag na din ay Mama feeling ko kasi pang sobrang yaman lang 'yung Mommy na kinagawian namin dati nung nasa puder pa kami ni Daddy.
Lumapit ako kay Mama at nagmano.Isa yan sa mga bagay na natutunan ko kay ate sa sampung taon na magkasama na kami dito sa bahay.
"Mag-iingat ka anak,Text na lang kita mamaya,"tumango at naglakad na.
Lumaki ako sa puder ni Daddy Samuel,dad pa din ang tawag ko sa kanya.Medyo nasanay ako nu'n sa marangyang buhay pero nung bumukod kami nina ate sobrang dami kong narealize.
Hanggang ngayon wala pa din naman kaming balita sa tunay naming ama saka wala pa kaming oras para hanapin siya.
Mabuti na lang at may dumadaang sasakyan dito sa labas ng bahay namin.Paglabas ko pa lamang ay may dumaan na agad na trycicle.Di naman uso dito ang taxi kasi probinsya ito.
Pinara ko ang trycicle at tumigil si Manong.
"Boss pede po ba magpahatid hanggang sa sakayan papuntang airport?"tanong ko sa kanya.
"Mukha naman ho na hindi kayo papuntang airport mukhang may pupuntahan kayong kasal,"napansin pa niya talaga ang suot ko at masama ba magpuntang airport na ganito ang suot.
YOU ARE READING
Love Works That Way
RandomThis is the Salazar Series #2.The story of Psalms Nazarene Salazar and he will show us How Love Works That Way😊