Nasa'n na ba yu g lalaki na 'yun.Nagpunta ako sa Cr malapit sa kinatatayuan ko kanina syempre bawal naman akong pumasok.Saktong may lumabas na lalaki kaya sya na lang ang tatanungin ko.
"Kuya,may napansin po ba kayong lalaki na pumasok sa loob na mga kasing edad ko?"tanong ko sa kanya sana naman hindi ito snob.
"May tatlo pong lalaki sa loob.Pero di ko sure kung sino sa kanila di ko din po napansin kung may iba pa.Ano po bang itsura ng hinahanap niyo?"
Kailangan ko pa ba talaga i-describe syempre Mira pano niya malalaman di ba.
"Matangkad po siya,maputi din po,matangos ang ilong saka kissable po yung lips niya kasi manipis na maganda.Mukha po siyang matalino though masungit po siya pero mabait naman siya."
Ano ba yan?Nasabi ko na lahat nagiisip pa din 'tong si Kuya.
"Para namang artista ang hinahanap mo Miss."
Di ko naman tinatanong.
"May itsura po talaga siya.Kung hindi nga po siya masungit kapag seryoso siya ay okay na okay na siya."
"Ako ba ang hinahanap mo?"napatingin ako kung saan nanggaling ang boses at nasa labas na pala siya at nakangisi.
"'Yan na pala siya Miss.Napansin ko nga siya kanina."
Umalis na siya at saka pa niya sinagot ang tanong ko kung kelan nandito na siya."Tara na.Madami ka bang kinain kanina?Akala ko ba gutom ka?"
Sumabay na siya sa akin sa paglalakad."Kissable pala ha saka gwapo."
Narinig pa niya ang sinabi ko."Kanina ka pa pala du'n bakit pinaghintay mo pa ako?Alam mo hapon na kaya tara na."
Hindi ko na siya pinansin at nauna na sa kanyang maglakad.
"Palabas na sana ako tapos nakita kita at narinig ko mga sinasabi mo.Magandang pakinngan kaya pinatapos muna kita."
Kunwari ay hindi ko siya naririnig dahil nakangiti siya sa akin at nangaasar.
Nang makarating kami sa isang kainan ay humanap na kami ng mauupuan.
"Mabuti na lang at okay na ang tiyan ko,"sabi niya sa akin iniabot ko ang menu sa kanya at siya na ang pinapili ko.
"Bakit nga pala nasira ang tiyan mo kanina?Kung ano-ano siguro kinain mo"sabi ko sa kanya .
"Di na kasi ako nakakain ng maayos nung umaga.Kaya napadami kain ko kaninang tanghali."
Lumapit sa amin ang waiter at kinuha ang order namin.Habang naghihintay kami ay nag-usap muna kami .
"Pero okay lang din naman sulit naman."Paano naman naging sulit'yun.
"Alam mo kung bakit?"di ako sumagot at siya na din ang sumagot ng sarili niyang tanong.
"Nalaman ko kasi na kissable yung lips ko pero yung may itsura given na 'yun nasa lahi na namin."
Masyado naman atang na flattered 'to sa sinabi ko."Alam mo magaling ka din palang mang-asar saka palabiro ko din pala.Infairness natawa ako sa joke mo,"tumawa ako ng peke at nahalata niya ata.
Actually ngayon ko lang ata nakita ang side niyang 'yan.Kasi kapag seryoso siya talaga 'yung hindi siya nangiti tapos ang sungit pa.
Dumating na ang order namin at inayos ko na 'yung sa akin.
"Thank you Lord sa blessing na 'to"di ko na siya pinakeelaman at nagsimula na akong kumain.
Napansin ko na nakatingin lang siya sa akin habang kumakain dahil siguro ang daming laman bibig ko.
Dati sa tuwing si Enzo ang kasama ko talagang dalagang pilipina ako,konti lang talaga kinakain ko saka mahinhin ako.Sinasabi kong okay na ako pero pagdating ko sa bahay kakain ulit ako.Teka bakit ba siya na naman nasa isip ko.
YOU ARE READING
Love Works That Way
RandomThis is the Salazar Series #2.The story of Psalms Nazarene Salazar and he will show us How Love Works That Way😊