Kabanata 1

84.1K 2.6K 391
                                    

Kabanata 1

Mabilis kong dinampot ang bag ko mula sa ibabaw ng lamesa at umisang higop pa ng kape sa puting tasa.

"Nanay, pasok na ako!" sigaw ko sa may katamtamang lakas para lang marinig niya dahil nasa likod bahay siya at nagluluto.

"Dali una dinhi, Dreya.  Aduna koy isugo nimo."

Nanghaba ang nguso ko dahil kalahating oras na lang ay mahuhuli na ako sa pang unang klase ko ngayong umaga. Sasakay pa ako ng habal-habal para makarating sa escuelahan at ilang minuto rin ang itatagal noon.

"Ma-late na ako kaeskwela, nay!" nagkakamot sa ulo na sabi ko ngunit naglakad na rin naman patungo sa likod bahay.

"Sandali lang ito,"

Pagkarating ko sa likuran ay naabutan ko siyang nakapameywang at naghahalo pa ng iniluluto niya. Hinarap niya ako, hawak pa ang siyanse.

Mula sa kahoy at bulok na lamesa namin ay may ibinigay siyang isang papel sa akin.

"Ibigay mo ito sa tatay mo. Listahan iyan nang mga kailangang bilihin para sa palayan. Hinihintay na ni Mang Abner kaya lang ay nakalimutan naman ng tatay mo. Nagmamadali kasi."

"Asa si tatay karon?"

"Naroon sa mansyon. Ipinatawag ni Sir Dashiel at may paguusapan. Pumunta ka na roon at siguradong kanina pa hinihintay 'yan. Baka mahuli ka pa sa escuela."

Mabilis na nanghaba ang nguso ko. Hindi dahil sa ayaw kong sundin ang utos na iyon ni nanay. Wala naman sanang kaso kaya lang ay hindi ako kumportable sa ideyang doon mismo sa mansyon nila Sir Dashiel ako tutungo.

Simula nung nakakahiyang interaksyon namin kahapon, hindi ko maiwasan ang ulit-ulitin sa isip ko kung paanong walang arte niyang kinuha ang putikan kong kamay at inilapat sa kanya. Remembering how smooth and fair his hand was compared to mine, I couldn't help but to feel ashamed for myself. Marumi at ubod ng dami ng putik ang akin, paano niya nasikmurang hawakan iyon at umastang wala lang?

Sa itsura pa lang niya ay halata ng may kaartehan siya sa katawan. Although some part of me tells the otherwise. Na siya iyong tipo ng lalaki na walang arte. Pero malabo ata iyon. He's the heir of this huge land, and probably not just this property alone. Siguradong ang katulad niya ay pihikan at maselan.

"Bagay lang naman sa kanya mag inarte. Gwapo siya-"

"Unsa man kana, Dreya?"

Mabilis akong nag angat ng tingin kay nanay at naabutan itong kunot noong nakatitig sa akin.

"Wala, nay. Aalis na ho ako at dadalhin ito sa mansyon."

"Oo, sige. Mag ingat ka at mag aral ng mabuti.

Tumalikod na ako at lumabas na ng bahay. Muli akong sinalubong ni Browny. Sinipat ko ang mga alagang halaman at inisang haplos ito.

"Pakabait kayo mga halaman," nakangiting sabi ko saka nagtuloy-tuloy palabas.

Umihip ang pang umagang hangin. Bahagyang nililipad ang hanggang bewang kong buhok. Marahan kong sinisipa ang ilang maliliit na bato habang naglalakad, ang isip ay naglalakbay pa rin kung dapat ba akong tumuloy sa mansyon.

"Narito na ako, heto nga at naglalakad na papunta roon."

Narinig ko ang tahol ni Browny na hindi ko namalayan na kasama ko pala.

"Browny, tutuloy ba ako? Kung magdahilan na lang kaya ako na mahuhuli na talaga ako sa klase?"

Dalawang beses siyang tumahol na tila ba hindi payag sa suhestyon ko.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon