Kabanata 27

57.6K 2.3K 476
                                    


Kabanata 27

Kahit anong pagpipigil ang gawin ko, hindi ko magawang pahintuin ang pagiyak ko habang nakatakip ang mga palad sa mukha. Siguro ay dahil kanina ko pa ito pinipigilan. Simula pa lang nang makita ko siya. Sila.

"I thought we have already talked about Lauren before, Dreya. How many times do I have to tell you that she is just a friend?" tanong ni Dashiel sa gitna ng mga hikbi ko.

"Pero kaibigan lang rin ba ang turing niya sa'yo, Dashiel?"

"What do you mean? Are you saying that she has something special for me?" Hilaw siyang natawa. "You're overthinking."

Umiling ako. Sa tingin ko ay walang patutunguhan ang paguusap naming ito dahil alam kong hindi rin ako maiintindihan ni Dashiel. He doesn't understand what I feel right now. Iisipin niyang binibigyan malisya ko ang pagkakaibigan nila kahit pa... iyon naman ang totoo.

"You misunderstood us because of the way we interact with each other. Not because she's sweet means that she already has something for me. She knows her limits."

Sana nga. Sana nga ay alam niya. Hindi mo maiaalis sa akin na makaramdam ng ganito lalo pa at umpisa pa lang naman ay hindi nagkulang si Lauren ipakita ang pagkadisgusto niya sa akin. I know that she hates me as your girlfriend and upto now, I can't see the reason why.

Sinikap kong punuin ng sariwang hangin ang aking dibdib ngunit palyado. I feel suffocated right now and all I want us to get out of this car.

"P-Papasok na ako sa loob. Mag-ingat ka pauwi."

Dali-dali kong binuksan ang pintuan sa gilid at bumaba mula roon. Kinuha ko agad ang susi sa bulsa ng suot na pantalon at binuksan ang pinto ng apartment. As soon as I get to close the door, another set of tears burst out of my eyes.

Sumandal ako sa pintuan, muling sinalo ang aking mukha at humagulgol. Mula sa labas, narinig ko ang marahas na pagharurot ng sasakyan ni Dashiel.

Bakit pakiramdam ko, mas galit pa siya kesa sa akin? Ako nga dapat ang sumama ng loob dahil simula pa lang nang magkita kami, ipinaramdam niya sa aking hindi siya natutuwa sa presensya ko.

Pero si Dashiel iyon, Dreya. Hindi ba at palagi siyang masaya sa tuwing nagkakasama kayo? Maybe he's right after all. I'm just overthinking. Marahil ay dulot ng pagod at kawalan ng sapat na tulog.

Look how in love and understanding you are when it comes to him. Kahit nasasaktan ka na, binibigyan mo pa rin siya ng pagkakataon sa isip mo. Na sa huli, baka nga ikaw pa rin ang mali.

But I wasn't overthinking when I thought that Lauren has something for Dashiel. And it's not just about friendship.

Ilang sandali ko pang kinalma ang sarili. Sa halos isang taon na relasyon namin ni Dashiel, ngayon lang kami nag-away ng ganito. At sa tingin ko, nasa tama lang ang mga rason ko.

Pagkatapos mag-hugas ng katawan, nahiga ako sa papag at ibinalot ang sarili sa puting kumot. Tumunog ang cellphone ko hindi kalaunan. Nasa tabi ito ng unan ko kaya naman madali kong nadampot.

My heart constricted when I found a message from him.

Dashiel:

I'm sorry.

Nakagat ko ang ibabang labi, humigpit ang hawak sa cellphone at tinitigan mabuti ang text niya. Ramdam ko ang pag-usbong ng kung ano sa sikmura ko.

Did he realize that maybe... I am right?

Hindi pa ako nakakaisip ng isasagot nang sumulpot na naman ang isa pang text mula sa kanya.

Dashiel:

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon