Kabanata 16

58K 2.2K 325
                                    

Kabanata 16

"Ayokong sumama, Dashiel!" simangot ko nang pilitin niya akong tumayo mula sa pagkakasalampak sa damuhan.

He keeps on pulling my hand in a gentle way as he stood beside me, thick brows a bit crumpled. Para kaming mga bata na naghihilahan dito pero hindi siya nananalo sa akin.

"I don't understand you. You're jealous of Lauren and this is the time for me to prove you that we're nothing but just fucking best friends."

Tahimik kong binawi ang kamay ko sa kanya at bumuntong hininga. Tumungo ako, pinaglaruan ang mga daliri para lang pagtakpan an

"Kaya pala hindi ka tumanggi nang tuksuhin kayo ng mga kaibigan mo na kayo rin ang magkakatuluyan sa huli," nakangusong wika ko. "Because you're fucking best friends."

"Watch your damn mouth, young lady."

Mas lalong humaba ang nguso ko. "Ikaw nga 'tong nagmumura diyan. Ginagaya lang naman kita."

I heard him let out a heavy breathing. I felt his presence behind me, his relaxing fresh scent lingers in my nose. Naramdaman ko ang pagdami ng kamay niya sa aking bewang kasabay ng paglapat niya ng labi niga sa ulo ko.

Sometimes, I almost forgot that we're just in the process of courting that I let him hold me this way. Hindi ako alam. Dati, maisip ko pa lang na may lalaking hahawak sa akin at hindi ko naman karelasyon ay matinding kalabagan na 'yon sa loob ko. But everything is different when it comes to Dashiel eversince. He has the power to make me feel respected even if everything seems to be against my own rules.

"Sorry. Hindi na mauulit." malumanay ang boses na aniya.

"Hindi pa rin ako sasama. Nakakahiya humarap sa kanila—"

"I can't find any reaosns for you to feel ashamed. You're everything a man could ever ask for," he said. "Kaya nga hindi na ako tumitingin sa iba."

Nilingon ko siya. Mahina ang pagkakasabi niya sa huling mga katagang iyon pero narinig ko pa rin. Naabutan ko siyang nakatingin sa kawalan, seryoso at kitang-kita ang matangos na ilong. He must have felt me staring at him when he looked my way and suddenly lifted his brow.

""Unsa imong gi sulti?" tanong ko.

Ngumisi siya. "Tagalog, baby. Your man doesn't know how to speak your dialect yet."

Naginit ang pisngi ko sa sinabi niya. Nag iwas ako ng tingin at itinuon sa abot tanaw na mansyon.

"Baka pagtawanan nila ako, Dash, kung ipapakilala mo ako sa kanila," bumaba ang tingin ko sa kapatagan. "Tingnan mo naman ang ayos ko—"

He groaned that made me stop from talking.

"You're talking nonsense again, Dreya. You shouldn't be embarrassed when you have made a Monasterio so damn whipped."

I looked at him and he's staring intently at me.

"Ikaw ang bahala sa akin?" kumurap-kurap ako.

He chuckled. "Silly. You don't have to ask me that. I won't even dare to let go of your hand."

Pagkasabi niya no'n ay agad niyang kinuha ang kamay ko at inalalayan akong tumayo. May alinlangan man ay hinayaan ko na ang sarili na magpadala sa kanya.

Bahala na kung ano maging reaksyon nila kapag naipakilala ako ni Dashiel. Magtatakip tainga na lang ako kung makarinig ako ng hindi maganda. I'm just hoping that Dashiel will defend me just in case that happens. And maybe... just maybe... those people are educated enough to respect me regardless of my status.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon