Kabanata 22
"Hindi ba at best friends kayo? Bakit hindi ko na kayo nakikitang magkasama?"
Malayo pa lang ay naririnig ko na ang tanong na iyon ni Clarisse, isa sa mga kaklase ni Maricel na sa tuwing nakikita ako ay laging umiismid. Noon pa man ay ganoon na ang pakikitungo niya sa akin. Kahit noong hindi pa kumakalat ang tungkol sa amin ni Dashiel.
"Hindi ako sumasama sa mga babaeng oportunista ang mapanamantala, Clarisse. Nakakahiya iyon."
Sinikap kong huwag nang tumingin sa direksyon nila Maricel nang sabihin niya iyon. I tried to ignore them and pretend that I didn't hear them talking at all.
"Mukha rin namang gustong-gusto siya ni Dashiel Monasterio. Halata iyon sa tuwing sinusundo siya. At isa pa, sino bang lalaki ang makakaisip sasamahan ka buong maghapon sa klase mo?" natawa si Clarisse.
"Siguradong may kapalit kaya ganoon na lang sa kanya iyon. Kilala ko iyan, gagawin ang lahat makaahon lang sa hirap."
Nagtagis ang mga bagang ko nang marinig iyon. Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin siya nakakaabante na kami na ni Dashiel? Ilang buwan na ang nakakalipas.
Sa mga oras na ito, pakiramdam ko ay doon na napiktal ang pisi ng pasensya ko. Huminto ako sa tapat nila at kunot noong tiningnan ni Maricel.
"Mukhang sarili mo ata ang tinutukoy mo, Maricel." malamig ang boses na wika ko.
Her one lined eye brow turned upward as she straightened her back from leaning against the railways.
"Anong sinabi mo?" Umabante siya palapit sa akin. "Sinasabi mo bang oportunista ako?"
Bumuntong hininga ako. "Ikaw ang nagsabi niyan."
"Ang kapal naman ng mukha mo—"
"Maricel,"
Sabay-sabay kaming napatingin sa gilid nang marinig ang boses na iyon. I saw Marcus walking towards us.
"Tigilan mo na ang pangangaway kay Dreya. Wala naman siyang ginagawang masama sa'yo."
Natawa si Maricel, tila hindi makapaniwala sa mga narinig mula kay Marcus. Ako rin naman. Hindi ba at isa nga siya sa mga taong nangiinsulto sa akin dahil sa nakipagrelasyon ako sa mayaman?
"Seryoso ka ba, Marcus? Ikaw nga itong diring-diri rito sa babaeng ito, 'di ba? Pagkatapos ngayon ay ipagtatanggol mo siya?"
"Hindi niya kasalanan kung magustuhan siya nung lalaking iyon, Maricel."
Umiling ako, hindi nagugustuhan na ako mismo ang pinaguusapan nila... at sa mismong harapan ko pa.
Walang salita akong tumalikod at iniwan sila. Dire-diretso ang naging lakad ko, mabilis ang bawat hakbang. I felt a sudden grip on my hand that made me look back. Naabutan ko si Marcus, titig na titig sa akin.
"Huwat sa, Dreya."
Kumunot ang noo ko at pasimpleng binawi ang kamay. "Ngano man?"
"Pwede sa ta mag istorya?"
"Naa pa ba kitay pag istoryahan?."
Tumungo siya, nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Isinuot niya ang mga kamay sa loob ng bulsa ng pantalon niya saka nag angat ng tingin sa akin.
"Hihingi sana ako ng patawad sa mga bagay na nasabi ko sa'yo noon. Alam kong mali iyon. Pasensya na."
Sa totoo lang ay hindi ko kailanman inasahan na hihingi ng tawad sa akin si Marcus. Hindi rin naman ako umaasa at hindi rin ako naghihintay. Wala akong ideya sa mga rason kung bakit galit na galit siya sa akin nang malaman niyang nobyo ko si Dashiel. Bukod sa kaalamang gusto niya ako at palagi niya iyon sinasabi sa akin, ano pa ba?
BINABASA MO ANG
Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In Sirao
RomanceAdrestia Lucinda Dela Cruz is a very hardworking young lady from Cebu. At a young age, she already knows what she wants to do and how she can achieve it. In short, she's a strong and independent woman despite being financially challenged. When Dashi...